30 November 2013

PAGSASAYANG NG PANAHON (a translation into Tagalog)

Unang Linggo ng Adbiyento
Mt 24:37-44 (Is 2:1-5 / Slm 121 / Rom 13:11-14)

Bagong taon po ngayon sa Santa Iglesiya.  Happy New Year po!  Ngayong unang Linggo ng Adbiyento, pinasisimulan po natin ang bagong taong liturhikal.  Nagsisimula po tayong magbilang muli ng mga araw, mga linggo, at mga panahon sa buhay nating bilang Iglesiya.  Ang a-primero ng Enero ay Bagong Taon sa lipunang sibil, samantalang ang unang Linggo ng Adbiyento naman po ang para sa sambayanang pang-Iglesiya.

Sa kasawiampalad, ang Adbiyento ang pinakahindi popular na panahon ng taon.  Hindi po ito gusto ng mundo.  Sadyang nilalaktawan.  Para sa mundo – at para sa mga makamundo! – walang Adbiye-Adbiyento.  Pasko agad.  Sa Pilipinas nga po, halimbawa, bagamat ipinagmamalaki nito ang pagiging Kristiyanong bansa sa Dulong Silangan, lahat yata ng tao ay tila patangay na lang po sa agos ng rumaragasang daloy ng kapaskuhan sin-aga ng Setyembre.  Saan na po napunta ang Adbiyento?  Ano na pong nangyari sa panahon ng Adbiyento?

Ang Adbiyento ay natatanging panahon para sa paghihintay.  At bago po natin isiping hinihintay lang natin ang araw ng Pasko, itinutuon ng panahon ng Adbiyento ang ating mapagbantay at malikhaing paghihintay hindi lamang sa kaarawan ng Panginoon kundi pati rin sa Kanyang muling-pagbabalik sa wakas ng panahon.  Sa katunayan nga po higit na mahalaga ang paghahanda para sa pagbabalik ng Panginoon sa wakas ng panahon kaysa sa paghihintay natin sa pagsapit ng a-bentesinko ng Disyembre.  Kaya nga po, bagamat ang panahon ng Adbiyento ay nahahati sa dalawang bahagi, ang malaking bahagi nito ay abala sa paghahanda natin para sa ikalawang pagdating ni Kristo sa mundo.  Dumating na si Jesus noong araw ng Pasko.  Maghanda po tayong mabuti upang ipagdiwang ang Kanyang kaarawan.  Darating muli si Jesus sa wakas ng panahon.  Maghanda po tayong mabuti para salubungin Siya.

“Time is gold” – “Ginto ang oras,” ika ng kasabihan.  Maaga po tayong tinuruang huwag magsasayang ng oras, huwag kukupad-kupad, huwag magpabukas-bukas, at samantalahin ang panahon (“Carpe diem!”).  Sapagkat madalas po tayong mapatapon sa gitna ng buhay na parang karera ng mga daga, marami po sa atin ang tingin sa paghihintay ay pag-aaksaya ng panahon.  Ito po marahil ang dahilan kung bakit hindi pinapansin ng mundo ang Adbiyento.  Ito po siguro ang dahilan kung bakit sa maraming mga tao ay hindi popular ang Adbiyento.

Ngunit ang Adbiyento ay hindi pagsasayang ng panahon.  Sa halip pa nga, tinuturuan po tayo ng Adbiyento na pahalagahan ang panahon.  Dinidisiplina po tayo nito sa paghihintay sa tamang panahon.  At kapag ang tamang panahon ay dumating na, talaga naman pong higit tayong handa sapagkat naghintay nga po tayo.  Ang nagmamadali ay nakikipagharutan sa panganib.  Nililigawan ng nagmamadali ang kabiguan.  Inililigtas po tayo ng paghihintay mula sa panganib at nababawasan nito nang malaki ang posibilidad ng kabiguan.

Ang panahon ng Adbiyento ay hindi pagwawaldas ng oras.  Sa halip, inuungkat po ng panahon ng Adbiyento sa atin kung ano ang ginagawa natin sa oras natin.

“Kumusta ba ang buhay ng isang tambay,” natanong ko po minsan sa kanto boy.

“Naku, Father, napakahirap pong maging tambay!” sagot sa akin.  “Araw-araw na lang po tanghali ka nang gigising, may hang-over pa.  Paggising mo po, wala nang pagkain.  Inubos na nila.  Kaya lalabas ka po at, dito nga po sa kanto, kailangan mong magdelihensya.  Maya-maya po darating na rin ang iba pang mga tambay.  Dito po kami sa kanto maghapon.  Kailangan naming pag-usapan ang lahat ng mga dumaraan habang nag-iinuman.  Madalas pa po dapat naming aluking uminom din ang mga kakilala naming dumaraan.  Anong malay mo, Father, baka balang araw maging tambay din sila.  Kapag wala na po kaming mapag-usapan, paminsan-minsan puwede rin pong magsuntukan, magmurahan, at, kapag minamalas-malas ka, magsaksakan para lang po may magawa naman kaming iba.  For a change ika nga.  Kapag pagod na po kaming tumambay, isa-isa na po kaming uuwi (kung kaya pang umuwi).  Tapos, Father, pagdating mo ng bahay, tulog na po silang lahat.  Mag-isa ka na lang dilat.  Naku, Father, napakalungkot po ng buhay ng tambay.  At kapag minalas-malas ka pa, may nag-aabang pa sa yong machine gun si misis.  Biro mo ‘yun, Father, lasing ka na nga, pagod ka na ngang tumambay, bubungangaan ka pa!  Anong pong akala mo sa buhay ng tambay, Father, madali?  Naku, hindi po, Father!  Napakahirap kaya ng buhay ng isang tambay.  Gusto mo pa, Father, minsan sumama ka po sa aming tumambay para malaman n’yong ang hirap-hirap talagang maging tambay.”

“Ah, eh, hindi, okay na ako.  Thank you na lang,” sagot ko po.

Ang pa-ista-istambay ay pagwawaldas ng panahon.  Ang pagpupuyat nang walang kapararakan at paggising kinabukasan kung kelan tirik na ang araw ay napaka-iresponsableng paggamit ng oras.  Pag-aaksaya rin ng panahon ang pakikipag-tsismisan.  Ang pamumuhay sa panghihinayan ay pagwawaldas din po ng panahon.  Pagsasayang din po ng pagkakataon ang pag-antala sa paggawa ng kabutihan, pagsasabi ng kabutihan, at pag-iisip ng kabutihan.  Pero, kailanman, ang paghihintay po ay hindi pagsasayang ng panahon dahil ang paghihintay po ay hindi naman nangangahulugang wala tayong ginagawa.

Ngayong panahon ng Adbiyento, isa po sa maraming bagay na maaari nating gawin para sa mapagbantay at malikhaing paghihintay ay ang tanungin ang sarili, “Anong ginagawa ko sa panahong kaloob sa akin ng Diyos?”  Puwede po ba huwag tayong magsinungaling sa sagot natin?  Sapagkat ang bawat-isa sa atin ay mananagot sa Diyos kung paano natin ginamit ang oras, panahon, at pagkakataong ibinigay Niya sa atin.

Napakahalaga po ng panahon dahil limitado lang nito ang meron tayo.  May dalawampu’t apat na oras lamang ang isang araw.  May pitong araw lang po ang isang linggo.  May apat na linggo lang po ang isang buwan.  May labindalawang buwan lang po ang isang taon.  May sampung taon lang po ang isang dekada.  At ilang dekada naman po kaya ang meron tayo para mabuhay – isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo?  Iilan lamang po ang nakalalampas nang nobenta.  Dahil napakahalaga ng panahon, kailangan po nating regular at makatotohanang suriin kung paano natin ito ginagamit.  Tinutulungan po tayo ng panahon ng Adbiyento sa napaka-importante at personal na gawaing ito.  Ang paghihintay ay hindi po pagsasayang ng oras; sa halip, inilalagay nito ang oras sa tama nitong perspektibo.  At inilalagay din po tayo nito sa dapat nating kalagyan.

Ipinahihiwatig po sa atin ng lahat ng mga pagbasa ngayong araw na ito, ang unang Linggo ng Adbiyento, ang Bagong Taon sa Santa Iglesiya, ang palagiang paalala sa atin ng Salita ng Diyos: Maghanda!  Sa unang pagbasa po, sinasabi ni Propeta Isaias na ang mga araw ay darating kung kailan tutupdin ng Panginoon ang Kanyang pangako ng kapayapaan sa Israel.  Ipinahahayag naman po ni San Pablo Apostol sa ikalawang pagbasa, ang kanyang Liham sa Mga Taga-Roma, na ang panahon ng Panginoon ay naririto na, nagbubukang-liwayway sa lahat ng sanilikha.  Si San Matero naman po sa Ebanghelyo ay ipinaaalala sa atin ang mga sinabi ni Jesus tungkol sa Kanyang pagbabalik sa oras na hindi natin inaasahan.  Sa katuparan ng pangako ng Panginoon, sa pagkanaririto na ng panahon ng Panginoon, sa pagbabalik ni Jesus – handa po ba tayo?  Naghahanda po ba tayo?  Pinalalakas ng tatlong pagbasa ang loob ng mga naghahanda upang manatili silang mapagbantay sa kanilang paghihintay, samantalang ginigising naman nito ang mga nalango na sa kaaliwan ng mundo bago maging huli na ang lahat para sa kanila.

Patuloy po nating ipaalala sa mundo na may panahon ng Adbiyento.  Huwag po nating hayaang lunurin ng mga sigaw ng konsumerismo ang katahimikan ng paghihintay ng Adbiyento.  Huwag po tayong pumayag na makaladkad tayo sa pagmamadali ng marami sa pagdiriwang ng Pasko kapalit ng nararapat na panahon ng Adbiyento.  Turuan po nawa natin ang mundo na maghintay sa Panginoon nang mulat at malikhain.  Kasabay ng apoy na pumapailanlang mula sa unang kandila ng Adbiyento na ating sinindihan ngayong araw na ito ay ang ating panalangin: Nawa, ang liwanag ng pagdating ni Jesus ay painitin ang mga pusong nanlalamig at bigyang-kaliwanagan ang mga buhay na walang pag-asa.  Sa pamamagitan ng ating panalangin puspos ng pananampalataya magtanod po tayo at sa pamamagitan naman ng kongkretong mga gawa ng pagmamalasakit sa kapwa ipagpatuloy po natin ang ating paghihintay sa Panginoon.  Tayo po mismo ang magsilbing mga kandila ng Adbiyento para kay Jesus at para sa isa’t isa.

Opo, ang Adbiyento ay hindi nga pagsasayang ng panahon.  Pero, ngayo’y sinasabi ko, “Pagsasayang din!”  Ang Adbiyento ay pagsasayang natin ng panahon sa Diyos.  At palagi pong karapat-dapat ang Diyos na pag-aksayahan natin ng panahon.



29 November 2013

WASTING TIME

1st Sunday of Advent
Mt 24:37-44 (Is 2:1-5 / Ps 122 / Rom 13:11-14)

Today is New Year in the Church.  Happy New Year!  Today, the first Sunday of Advent, we begin a new liturgical year.  We start counting again the days, the weeks, and the seasons in our life as Church.  January 1 is New Year for civil society, but the first Sunday of Advent is New Year for the ecclesial community.

Unfortunately, Advent is the most unpopular season of the year.  The world does not like it.  It skips it all together.  For the world – and for the worldly! – there is no Advent Season.  It jumps into Christmas right away.  In the Philippines, for example, though it prides itself as a Christian nation in the Far East, it seems that everybody simply goes with the tide that rises with Christmas pitch as early as September.  Where is Advent?  What has happened to the Advent Season?

The Advent Season is a special time for waiting.  And lest we think that we wait only for Christmas, the Advent Season focuses our vigilant and creative waiting not only on the anniversary of the Lord’s Birth but also on His coming again at the end of time.  The truth is preparing for the Lord’s coming again at the end of time is more important than waiting for Christmas day to come.  Thus, the Advent Season, while divided into two parts, is largely preoccupied with preparing us for the second coming of Christ.  Jesus came on Christmas day.  Let us prepare well to celebrate His birthday.  Jesus will come again at the end of time.  Let us prepare well to welcome Him.

“Time is gold” – so says a wise saying.  Early in life, we have been taught not to waste time, never to procrastinate, and to seize the day (“Carpe diem!”).  Because we are often thrown into the middle of a rat-race life, many of us think that waiting is nothing but a waste of time.  This must be the reason why the Advent Season is not as popular as it should be.

But the Advent Season is not a waste of time.  On the contrary, the Advent Season teaches us to value time.  It disciplines us to wait for the right time.  And when the right time comes, we are truly and better prepared for it because we waited as we should.  Rushing is flirting with danger.  Hurrying is courting failure.  Waiting saves us from danger and largely minimizes the possibility of epic fail.

The Advent Season is not a waste of time.  Rather, the Advent Season questions us what we do with time.  Bumming around is a waste of time.  Irresponsibly staying up late at night and waking up too late in the morning is a waste of time.  Gossiping is a waste of time.  Day dreaming is a waste of time.  Regretful thinking is a waste of time.  Delaying a kind act, a kind word, a kind thought is a waste of time.  But waiting is never a waste of time because waiting does not mean that we are doing nothing.

One of the many things we may do for a vigilant and creative waiting during Advent is to ask our selves, “What am I doing with the time that God gives me?”  Please be honest with your answer, for each of us is accountable to God for the way we use the time He gives us.

Time is precious because we have only so much of it.  There are only twenty-four hours of it in a day.  There are only seven days of it in a week.  There are only four weeks of it in a month.  There are only twelve months of it in a year.  There are only ten years of it in a decade.  And how many decades of it do we have in our lifetime – one, two, three, four, five, six, seven, eight?  Only a privilege few reach past their nineties.  Time is precious and so we need to regularly and honestly examine how we make use of it.  The Advent Season should help us in this very important and personal task.  Waiting is not a waste of time; it puts time in its proper perspective.  And puts you and me where we should be.

All the readings today, the first Sunday of Advent, the New Year in the Church, deliver to us the perennial call of God’s Word: Be prepared.  The Prophet Isaiah in the first reading speaks of the days to come when the Lord shall fulfill His promise of peace to Israel.  The Apostle Paul in the second reading points to the Roman believers that the time of the Lord is actually already now, dawning on the whole of creation.  The Evangelist Matthew in the Gospel reminds us of the words of Jesus about His return at an hour we do not expect.  All three readings encourage those who are preparing themselves to remain vigilant in their waiting, while those who are intoxicated by the pleasures of this world to wake up from their slumber not later but now.  It is the latter, not the former, that waste time, and what a sorry lot they shall be when the waiting is over.

Let us keep on reminding the world of the Advent Season.  Let not the shouts of consumerism deaden the silence of Advent waiting.  Let not the fast pace of worldly life drag us to Christmas celebrations at the expense of the Advent Season.  May we teach the world to vigilantly and creatively wait for the Lord.  With the flame that rises from the first Advent candle we lit today is our prayer: May the light of Jesus’ coming warm the hearts of the indifferent and illumine lives of the hopeless.  By our faith-filled prayer we keep our vigil and by concrete deeds of charity we sustain our waiting.  Let us be Advent candles ourselves for Jesus and for one another.

Yes, the Advent Season is not a waste of time.  But now I say, “it is!”  The Advent Season is you and me wasting time for God.  And surely He deserves it from us.



23 November 2013

IISA LANG ANG MATITIRA

Dakilang Kapistahan ni Kristong Hari ng Sansinukob
Lk 23:35-43 (Sam 5:1-3 / Slm 121 / Col 1:12-20)

Sa ating panahon, bibihira na po ang mga hari.  Ang marami pa po ay hindi mga hari kundi mga naghahari-harian.  Pero may panahon po sa kasaysayan ng sankatauhan na sankatutak ang mga hari at mga reyna, mga prinsipe at mga prinsesa, mga duke at dukesa.  Saksi po ang buong mundo sa pamamayani at pagbagsak ng mga maharlikang angkan.  Subalit karamihan din naman po sa mga bansa ang nagsimulang nagtanong kung bakit nga ba kailanan pang pagharian ang kanilang taumbayan at tuluyan na rin pong nasuya ang mga mamamayan sa mga maharlika.  Gayunpaman, meron pang ilang mga bansa ang pinagyayaman ang kanilang mga maharlika sapagkat bagamat wala nang kapangyarihan ang kanilang mga maharlika, nakakatulong naman daw sa pagkakaisa ng kanilang mga mamamayan ang pananatili ng kanilang mga maharlika.  Isa po sa halimbawang agad na sumasagi sa ating isip ay ang bansang Inglatera na may mga naghahari pang maharlika.  Sinabi nga po ng dating hari ng Ehipto, si Haring Farouk, noong 1950, na darating daw ang panahong lilima na lang ang matitirang mga hari sa buong daigdig: ang apat na hari sa baraha at ang hari ng Inglatera.

Mali po si Haring Farouk.  Hindi lima ang matitirang mga hari sa buong mundo.  Isa lang po talaga: ang tunay na Hari, ang Hari ng mga hari, ang Hari ng sansinukob, si Kristong Hari.  At ngayong araw na ito ay ipinagdiriwang po natin ang Kanyang dakilang kapistahan.  Mabuhay si Kristong Hari!  Pagpugayan natin Siya!  Sambahin natin Siya!  Ialay natin ang ating puso kay Jesus, ang ating Hari!  (Bigyan natin Siya ng masigabong palakpakan.)

Ngunit kakaiba ang Hari natin.  Nakapako sa krus.  Duguan.  Lamog ang katawan.  Mahina.  Agaw-buhay.  Sa pamantayan ng mundo, Siya ay baliw, hindi hari.  Ang paglalarawan sa Kanya ng Bibliya ay ganito: “Walang katangian o kagandahang makatawag-pansin, walang taglay na pang-akit para Siya ay lapitan.  Hinamak siya ng mga tao at itinakwil.  Nagdanas Siya ng hapdi at hirap.  Wala man lang pumansin sa Kanya.  Binale-wala na parang walang kabuluhan” (Is 53:2-3).  Akmang-akma sa Kanya ang paglalarawan ng ika-22 Salmo: “Ngunit ako’y parang uod at hindi na isang tao, hinahamak at pinagtatawanan ng kahit na sino!  Pinagtatawanan ako ng bawat makakita sa akin, inilalabas ang kanilang dila at sila’y pailing-iling” (Slm 22:6-7).  Ito nga po ang ating Hari.  Ito nga po ang ating Kristo.  Ito nga po ang ating Diyos.  “Ang Diyos Ko ay Mahina” – pamagat ng isang tulang binasa sa amin ng gurong Jesuita noong nasa kolehiyo pa kami.  Nakakapangilabot.  Nakakatakot.  Nakakagambala.  Nakakalungkot.  Nakakahiya.  Nakakayanig ng kinagisnang konsepto ng mundo tungkol sa pagkamaharlika.  Sa krus, sa bawat paghugot ng Kanyang hininga, umaalingawngaw ang matamis na tinig ng ating Haring nakapako: “Mahal kita kaya kinalimutan Ko ang Aking pagkamaharlika.  Mahal, halika.  Maharlika.  Mahal kita.  Maharlika.  Ipagpalit ang “maharlika” sa “mahal kita”.

Sa pagitan ng dalawang magnanakaw – ng dalawang pusakal na kriminal – dito ang lugar ng ating Hari.  Kung paano Siya namuhay gayundin naman Siya namatay: sa piling ng mga basura ng lipunan, sa tabi ng mga patapon na ang buhay, sa gitna ng baho ng sankatauhan.  Iyan nga po ang ating Hari; kung gusto mo Siyang sundan, dapat ka ring matagpuan sa Kanyang kinalagyan.

Hindi Niya hiningi sa ating tawagin Siyang “Ang Inyong Kamahalan”, bagkus ay inatas Niya sa ating magmahalan.  Wala Siyang kinuha sa atin maliban sa ating mga kasalanan hindi upang tayo ay parusahan kundi ipagkaloob sa atin ang kapatawaran at kapayapaan ng kalooban.  Ang mga hari ng mundong ito ay pinagbubuwisan ng taumbayan, ang Hari nating si Jesus tayo ang pinagbuwisan ng sarili Niyang buhay.  Ang mga hari ng mundong ito ay papatay huwag lamang mapasok ng iba ang kanyang kaharian, ngunit ang Hari nating si Jesus kahit magnanakaw ay pinapapasok sa Kanyang kaharian.  “Sinasabi Ko sa iyo: ngayon di’y isasama kita sa Paraiso,” wika sa nagtitikang magnanakaw nitong Hari nating si Kristo.  Kaya nga po, sa ikalawang pagbasa ngayong araw na ito, ang pahayag sa atin ni San Pablo Apostol ay ito: “Mga kapatid, magpasalamat kayo sa Ama, sapagkat minarapat Niyang ibilang kayo sa mga hinirang ng kaliwanagan.  Iniligtas Niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng Kanyang minamahal na Anak.  Sa pamamagitan ng Anak, tayo’y pinalaya at pinatawad sa ating mga kasalanan.  Si Kristo ang larawan ng Diyos  na di-nakikita….”

Ang ating Hari ay Pastol tulad ni David sa unang pagbasa ngayon.  At di-hamak na nakahihigit pa Siya kay David, sapagkat si Kristong Hari ANG Mabuting Pastol.  Naparito raw po Siya upang hanapin ang mga nawawalang tupa ng Kanyang kawan (Tg. Ang Talinhaga ng Nawawalang Tupa sa Lk 15).  At Siya ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang Kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami (Mt 20:28 at Mk 10:45).  Hindi Siya naghari, naglingkod Siya.  At nang nakutuban Niyang kukunin Siya ng mga tao para gawing hari, matapos Niyang busugin silang lahat, tumakas Siya sa bundok mag-isa (Jn 6:15).  Ang Kanyang kapangyarihan ay likas na Kanya – hindi Niya ito minana sa pamamagitan ng dugo o tinanggap sa pamamagitan ng halalan – ngunit hindi mapantayan ang Kanyang kababaang-loob.  Kay taas ng Kanyang kalagayan subalit kay lalim ng Kanyang binaba.

Masdan ninyo ang ating Hari.  Hindi Siya artista.  Hindi Siya politiko.  Hindi Siya saserdote sa Templo.  Siya nga po si Jesukristo, ang Anak ng Diyos.  Siya ang ating sinasamba, dinarakila, at tinatalima.  Sana po, tutoong Kanyang-kanya ang ating buong pagkatao.

Nang itatag ni Papa Pio XI noong ika-11 ng Disyembre, 1925, ang Kapistahan ni Kristong Hari sa bisa ng kanyang kauna-unahang Liham Ensiklikal na pinamagatang “Quas Primas”, ito nga po ang layunin niya: “Christ must rule in our minds…in our wills…in our hearts…in our bodies.”  At ngayon taong ito ng pagdiriwang na muli ng dakilang kapistahan na ito, sabay din po nating tinatapos ang Taon ng Pananampalataya na pinasimulan noong nakaraang taon ni Papa Emeritus Benito XVI.  Sa Misa ng Pagtatapos ng Taon ng Pananampalataya sa Roma, ipinagkakaloob naman ni Papa Francisco ang kanyang kauna-unahang Pangaral-Apostoliko na pinamagatang “Evangelii Gaudium” na sa atin pa ay “Ang Kagalakan ng Ebanghelyo”.  Sa pagdiriwang po nating muli sa Dakilang Kapistahan ni Kristong Hari, pagpanibaguhin natin ang ating pananampalataya sa Diyos na nagmamahal sa atin nang hindi lamang sa higit sa nararapat sa atin kundi nang higit din sa ating inaakala – iyan po ang “Kagalakan ng Ebanghelyo” ang “Evangelii Gaudium.  Let us renew and own again the faith that explains best why Christ rule in our minds, in our wills, in our hearts, and in our bodies, as Pope Pius XI challenged every Christian as the Church celebrated the Solemnity of Christ the King for the first time, eighty-eight years ago.  At sa atin pong pagpapanibago ng pananampalatayang ito, pagsikapan nating hindi lamang tumalima kundi tumulad din po tayo kay Jesus na ating Hari at Panginoon.

Sabi ng dating hari ng Ehipto, si King Farouk, darating daw po ang panahong lilima na lang ang matitirang hari sa buong mundo: ang apat na hari sa baraha at ang hari ng Inglatera. Mali po siya.  Hindi lima.  Isa lang po: si Jesuskristo.  Hindi po kasi Siya naghari-harian. Naglingkod Siya.

16 November 2013

FEAR NOT THAT IT SHALL END BUT THAT IT MAY NEVER BEGIN

33rd Sunday in Ordinary Time
Lk 21:5-19 (Mal 3:19-20 / Ps 98 / 2 Thes 3:7-12)


Blessed John Henry Newman, a 19th century cardinal who was converted from Anglicanism, wrote, “Fear not that your life shall come to an end, but rather that it shall never have a beginning.”  Cardinal Newman referred to two kinds of life: one here on earth and the other in the hereafter.  The first is temporal while the second is eternal.  Death, for Cardinal Newman, is simply the conclusion of earthly life.  It is like a door that opens up to eternity.  Dying is like sleeping on this side of life and awakening at the other side.  As we close our eyes in this world, we open them to the world that is yet to come.  Thus, when we die we actually begin not only a new life but THE real life because life after death knows no death anymore.  But what if that life shall never have a beginning for you?  Then you should shudder in fear.  Be afraid of death only when there is nothing beyond it for you.  Be terrified of dying if after dying there is no more living for you.  And living after dying means joyfully and peacefully living with God forever, for living in hell after death is not living at all but excruciatingly dying over and over again forever.  The horror therefore of not beginning your eternal life with God is nothing compared to the anxiety of leaving your loved ones behind when you die.  “Fear not that your life shall come to an end, but rather that it shall never have a beginning,” says Blessed John Henry Cardinal Newman.

Fear is very rarely a good thing.  It paralyzes a person.  It causes panic and commotion.  It kills.  But sometimes we need some fear in our lives.  If we are not afraid of fire, then many of us will burn.  If students are not afraid of failing marks, they will not study.  If motorists are not afraid of meeting an accident on the road, they do not obey traffic rules.  If we do not fear getting sick, then we will never take care of our health.  Sometimes a good amount of fear is needed for us to live meaningful lives.  Sometimes fear of the right things and even of the right persons does us more than good.  What are you afraid of?

To instill fear in our hearts, however, is not the goal of our readings today.  Rather, the Word of God reminds us about something we often forget: We shall die someday.  We do not know when, how, and where, but surely we will die.  And when we die, there will be individual judgment on the kind of life we lived here on earth.  The verdict given on us shall indicate whether our life begins or not at all.  For if positive the verdict we receive, then we shall truly and gloriously live with God forever; but if negative, then we shall indeed and painfully spend eternity in hell.  Thus, the same Word of God implies a question of paramount importance for us: Are we preparing for our death?

What is the best way to prepare for death?  Three suggestions.

First, live your life here on earth to the fullest for God.  Never waste a single moment by living in mediocrity but do your best in all things for love of God.  Never throw away the chance of living with God forever in exchange for a fleeting moment of pleasure, fame, and influence.  Focus on heaven, your true home.  That is where you are meant to live forever.  Love Jesus always.

Second, if heaven is your true home, if living with God is forever, then, like St. Therese of Lisieux, start spending your heaven here on earth by doing good works.  Of course, heaven is not for sale.  Neither can we steal heaven from God.  But, as St. John of the Cross said, “At the twilight of life we shall be judged on love.”  Actual good deeds done to others prepare us to a live a life that is not only eternal but also of perfect love with God in heaven forever someday.  We cannot begin loving in heaven.  Eternity starts here and now.  Love now.  Forgive now.  Serve now.  Give now.  Spend your heaven by doing good on earth.  Love like Jesus always.

Third, repent from your sins and make amends.  Jesus began His public ministry by calling people to repentance.  That was more than two thousand years ago.  How long do we intend to keep Him waiting?  But repentance is not simply saying sorry.  The sincerity of one’s repentance is shown in one’s making amends for his sins.  Thus, it is not enough that you ask for forgiveness, you must repair the damage done by your sins.  With the resolve to strive to do better in the battle between good and evil comes reparation.  Without reparation, repentance is nothing but washing your hands after you commit murder.  Repent, resolve, and repair.  Be not afraid, sinful though you are, Jesus loves you always.

“Fear not that your life shall come to an end, but rather that It shall never have a beginning.”  So what do you fear then?  The antidote to your fear is vigilance.  Be prepared.  Death is real: it shall come upon us all.  It may come upon all of us even before the end of the world.  Fear will not dispel death.  Neither does fear of it delay death.  It shall come and, as the Lord Himself says in the Gospels, it shall come like a thief in the night.  Death, however, has no more power over us because it actually opens us to life.  But will that life have a beginning for you?

09 November 2013

HINDI TUNGKOL SA PAG-AASAWA

Ikatatlumpu’t Dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
Lk 20:27-38 (2 Mcb 7:1-2, 9-14 / Slm 16 / 2 Tes 2:16-3:5)

Katatapos lang po ng Undas.  At bahagi ng Undas ang paggunita natin sa mga kaluluwa ng ating mga mahal na yumao.  Ang unang araw ng Nobyembre ay Dakilang Kapistahan ng Lahat ng Mga Banal samantalang kinabukasan naman po nito ang araw ng Paggunita sa Mga Tapat na Yumao.

Nakakatawa.  Ang tawag po ng iba sa a-dos ng Nobyembre ay Pista ng mga Patay.  Biro n’yo, patay na nagpi-piyesta pa!  May nadaanan nga po akong sementeryo, nasobrahan naman po yata ng gayak, parang karnabal kuntodo may mga banderitas pa.  Pista raw po kasi ng mga patay.  Walang pista ang mga patay.  Sa tutoo lang po, parang ang mga buhay ang nagpipista kapag a-dos ng Nobyembre, di ba?  Nagiging picnic ground ang mga puntod ng mga labi ng mga yumao, mukhang may food festival sa loob ng sementeryo, may kantahan pa, at, kung makakapuslit, may tong-its pa.  Natatanong ko po palagi sa sarili ko, ano ba talaga ang pinupunta ng mga tao sa sementeryo?  Maliwanag naman pong hindi ang mga patay ang mga nagpipista.  Ang mga buhay ang nagpipista.  At ang masama pa nga, parang pinagpipistahan ng mga buhay ang mga patay.

Nakakaasar.  Ang bukambibig pa ng iba, ang buwan ng Nobyembre raw ay buwan ng mga patay.  Sino po sa inyo ang birthday ay sa buwan ng Nobyembre?  Isinilang kayo sa buwan ng mga patay – payag po kayo?  Ano ang zodiac sign n’yo?  Bungo!  Nakakaasar, di ba?  Sino po sa mga mag-asawa rito ang ikinasal nang buwan ng Nobyembre?  Ayan, patay kayo!  Buwan ng mga patay ang Nobyembre – tama po ba ito?  Hindi.  Wala pong buwan ang mga patay dahil dapat ipinagdarasal natin ang mga kaluluwa nila araw-araw, hindi lang kapag Nobyembre.

Nakaka-engot.  Iyan po ang tanong ng mga Saduseo kay Jesus sa Ebanghelyo ngayong Linggong ito.  May pito raw pong magkakapatid na lalaki at napangasawa nilang lahat ang iisang babae – hindi naman po sabay-sabay, one at a time lang.  Ayon po kasi sa batas ni Moises, kapag ang isang lalaki ay mamatay nang walang naiwang anak, ang kapatid nito ay dapat pakasalan ang nabiyudang asawa sa pag-asang mabibigyan nito ng anak ang pumanaw na kapatid.  Eh namatay daw po ang lahat ng pitong magkakapatid na lalaki nang walang naiwang anak sa iisang babae, kaya ang tanong ng mga Saduseo sa Panginoon ay, sa magmuling-pagkabuhay, kaninong asawa raw po ang babaeng napangasawa ng pitong magkakapatid na lalaki.

Sino po ba ang mga Saduseo?

Ang mga Saduseo ay ma-impluwensya sa buhay-relihiyoso at buhay-pulitika ng Judaismo.  Malaking bilang sa kanila ay mula sa hanay ng mayayaman, mga opisyal, mga mangangalakal, mga may-ari ng mga lupain, at mga saserdote.  Ang mga Saduseo ay natatangi at pribilehiyong partido sa lipunan ng mga Judyo at mula sa kanila pinipili ang mga pinuno ng kanilang bansa.

Kapalit ng pananatili nila sa kapangyarihan sa Templo at sa Sanhedrin, tanggap ng mga Saduseo ang pananakop ng mga Romano.  Galit din po ang mga Saduseo sa mga makabayan at nakikibaka para sa kasarinlan ng Israel dahil niyayanig nito ang sarili nilang puwesto sa kapangyarihan.  Kaya naman, ang tingin po ng marami sa kanila ay mga traydor at mga kasabwat sila ng mga dayuhang mananakop.  At dahil mayayaman na nga sila, ang mga Saduseo po ay hindi naghihintay sa pagdating ng Mesiyas na magpapalaya mula sa lahat ng pagdurusa.  Bukod sa hindi nila paniniwala sa mga anghel at mga espiritu, hindi rin po naniniwala ang mga Saduseo sa magmuling-pagkabuhay ng mga patay.  Sa halip, naniniwala sila na ang lahat ng tao, matuwid at masama, kapag namatay, ay napupunta sa isang maaninong daigdig na tinatawag na Sheol.  Dahil sa paniniwalang ito, ayos lang sa kanilang magpasasa sa kasalukuyang pamumuhay at hindi dapat iniisip ang buhay sa kabila.  May pagka-Saduseo rin po ba tayo?

Natatandaan n’yo po ba si Caiaphas, ang punong saserdote noong panahon ni Jesus?  Tulad ng iba pang mga punong saserdote, si Caiaphas po ay isang Saduseo sagad-sa-buto.  Sa moro-morong paglilitis kay Jesus ng Sanhedrin, si Caiaphas po ang nagsabing, “Mga hangal kayo!  Hindi n’yo tanto na higit na mabuting mamatay ang isang tao para sa bayan kaysa ang buong bayan ang mapahamak” (Jn 11:50).  Ang dating pa niya ay nagmamalasakit siya sa kanyang mga kababayan, hindi po ba?  Ngunit ang tutoo, ang sariling kapakanan nilang mga Saduseo talaga ang gustong protektahan ni Caiaphas.  Mawawala sila sa puwesto kapag nagalit ang mga Romano.  Kaya isinakripisyo nila si Jesus.  Buhay pa po ba si Caiaphas sa katauhan natin?

Nakakatuwa.  Ito  naman po ang pitong anak na lalaki ng isang ina sa unang pagbasa natin ngayong Linggong ito.  Nakakatuwa ang halimbawa ng kanilang katatagan sa pananampalataya.  Minatamis pa nilang mamatay kaysa sumamba sa mga diyus-diyosan.  Sa halip na isakripisyo ang kanilang pananampalataya sa tunay na Diyos, isinakripisyo nila ang kanilang sarili.  Kahanga-hanga hindi lamang po ang bawat-isang anak na ito kundi ang mismong ina nila; pinalaki sila nang mabuti nito: may takot sa Diyos.  Tayo po, paano tayo pinalaki ng ating mga magulang?  Mga magulang, paano ninyo pinalalaki ang inyong mga anak?  At ano naman po ang kinatatakutan natin: ang mamuhay nang sumasamba sa diyus-diyosan o ang mamatay dahil sa pananamapalataya sa tunay at nag-iisang Diyos?

Sa mundong ito, wala pong katiyakan ang buhay: ngayong taong ito, tayo ang dumalaw sa puntod ng mga mahal nating yumao, bukas-makalawa baka puntod na po natin ang dadalawin ng iba.  Kapag nangyari iyon, hindi po tayo magpipista.  Baka tayo naman po ang pagpistahan nila.  Pero matitiyak ng mga ayaw maniwala na walang buwan ng mga patay sapagkat hindi tayo patay kasi ang Diyos natin ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay dahil sa Kanya ay buhay ang lahat.  Kaya, hanggang may panahon pa po tayo, hubarin natin ang ating pagka-Saduseo at ilibing na po natin ang Caiaphas ng ating pagkatao.

Hindi tungkol sa pag-aasawa ang Ebanghelyo ngayon.  Tungkol ito sa buhay sa langit na dapat ay pagsikapan ko at pagsikapan n'yo.