NALALAMAN KO ANG LAHAT NG BAGAY (PERO MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA)
Ikatlong Linggo ng Pasko ng
Magmuling-Pagkabuhay ng Panginoon
Jn 21:1-19 (Gawa
5:27-32, 40-41 / Slm 30 / Pahayag 5:11-14)
Noong
unang beses ko pong makarating nang New York, sinigurado kong makapanood ng mga
paborito kong musicale sa Broadway. Isa
po sa mga paborito kong musicale ang “Fiddler On The Roof”. Ang “Fiddler On The Roof” ay kuwento po ng
isang ama na ang pangalan ay Teyve at ang kanyang pakikibaka sa mga modernong
pagbabago sa lipunang kinalalakhan ng kanyang apat na anak na babae,
samantalang dinaranas ng kanilang pamilya ang pait ng pagkakatapon ng mga
pamilyang Jewish Russians na kinabibilangan nila. Sabi ni Teyve, ang nagpapatibay daw po ng
kani-kanilang pamilya ay ang kanilang tradisyong Judyo. Kapag binalewala o tuluyang binura ang mga
kaugaliang Judyo, para raw po silang “fiddler
on the roof” – manunugtog ng violin sa tuktok ng bubong. At tiyak, mawawalan ng balanse ang fiddler at mahuhulog ito mula sa
bubong. Patay.
Subalit,
isa-isa pong hinahamon ng makabagong panahon ang kinagisnan na nilang
tradisyong Judyo. At isa po sa hirap na
hirap si Teyve na unawain at tanggapin ay ang pamimili ng kanyang mga dalaga ng
kani-kanilang mapapangasawa. Sa kanila
po kasi, ang mga magulang ang pumipili ng mapapangasawa ng kanilang anak. Pero biglang nagtanan ang isa sa mga anak ni
Teyve: sumama po sa isang banyagang rebolusyonaryo. Tapos ang isa naman, nakipagtipan sa isang
pobreng sastreng Judyo na ang pangalan ay Perchik. Uutal-utal man at mahina ang loob, humingi
naman po ng persmiso si Perchik kay Teyve para magking katipan ang anak nitong
si Hodel. Ang pag-uusap po ni Teyve at
Golde, mga magulang ni Hodel, ang isa sa mga paborito kong eksena sa dulang
ito. Sabi po ni Tevye sa asawa niyang si
Golde: "Golde, I have decided to
give Perchik permission to become engaged to our daughter, Hodel."
Golde: "What??? He's poor! He has nothing, absolutely nothing!"
Tevye: "He's
a good man, Golde. I like him.
And what's more important, Hodel likes
him. Hodel loves him. So
what can we do?
It's a
new world... A new world. Love. Golde...
Do you love me?”
Golde: “Do I what?”
Tevye: ”Do
you love me?”
Golde: “Do
I love you? With our daughters getting
married. And this trouble in the
town. You're upset, you're worn
out. Go inside, go lie down!
Maybe
it's indigestion.”
Tevye: “Golde, I'm asking you a question... Do you
love me?”
Golde: “You're
a fool!”
Tevye: "I
know... But do you love me?”
Golde: “Do
I love you? For twenty-five
years I've washed your clothes, cooked your
meals, cleaned your house, given you children, milked the cow. After twenty-
five years, why talk about love right now?”
Tevye: “The first time I met you was on our wedding day. I was scared.”
Golde: “I was shy.”
Tevye: “I was nervous.”
Golde: “So
was I.”
Tevye: “But
my father and my mother said we'd learn to love each other. And now
I'm asking, Golde: Do you love me?”
Golde:
“I'm your wife!”
Tevye:
“I know.... But do you love me?”
Golde: “Do I love him? For twenty-five years I've lived with him,
fought him, starved with him. Twenty-five
years my bed is his
If that's not love, what is?”
Tevye: ”Then
you love me?”
Golde: ”I
suppose I do.”
Tevye: “And
I suppose I love you too.”
Both: ”It doesn't change a thing. But even so, after
twenty-five years
it's nice to know.”
Naalala
ko po ang tagpong ito sa tuwing binabasa ko ang kuwento ng ating Ebanghelyo
ngayong Ikatlong Linggo ng Pasko ng Magmuling-Pagkabuhay. Tanong ni Jesus kay Simon Pedro, “Simon, anak
ni Jonas, iniibig mo ba Ako?” Pero hindi
po ito after twenty-five years na
gaya ng kay Teyve at Golde, kundi after three
years lang. Baka nga po less than three years pa, dahil edad 30
na si Jesus nang simulan Niya ang Kanyang public
ministry at tawaging isa-isa ang labindalawang apostol, at 33 años na Siya
ngayon. Pero kasimbigat kundi man mas
mabigat pa ang dating ng tanong ni Jesus kay Simon Pedro, sapagkat marahil three days or so ago lang nang three times din niyang tinatwa si Jesus. Halos umaalingawngaw pa po ang taginting ng
pagtanggi ni Simon Pedro na kilala niya si Jesus. At sa Mt 26:74, nasusulat pa na matapos daw
po ng ikatlong pagtatwa ni Simon Pedro, nagmura siya’t sinumpa ang sarili
bilang patunay na wala siyang kaugnayan kay Jesus: “Then he began to invoke a curse on himself and to swear, ‘I do not know
the man.’ And immediately the rooster
crowed.”
Kung ako po si Simon
Pedro, mamimilipit, mangliliit, matutunaw po ako sa harap ni Jesus at malamang
ay hindi ko masasagot ang tanong Niya.
Pero si Simon Pedro, likas na mapusok – nagsasalita at kumikilos bago
mag-isip, sagot agad: “Opo, Panginoon, nalalaman Mong iniibig kita!” At nakadalawang beses pa! Noong ikatlo na, sabi ng Ebanghelyo,
nagdamdam na siya sapagkat makaikatlong beses siyang tinanong ni Jesus kung
iniibig niya Siya. Siya pa po ang na-hurt ha!
Hindi po ba dapat si Jesus?
Puwede sanang sumbatan ni Jesus si Simon Pedro at sabihin,
“Sinungaling! Plastik!”
Subalit sa halip na
sinumbatan, sinugo siyang magmuli ni Jesus: “Pakanin mo ang Aking mga
tupa. Alagaan mo ang Aking mga
tupa.” Kung ako po si Jesus, baka hindi
ko na ulit pagkatiwalaan pa si Simon Pedro.
Hindi po ba, bukambibig natin, “Ikaw kasi, wala kang kadala-dala! Minsan ka nang niloko, nagtiwala ka pang
ulit. Sige, magpaloko ka pa,
tanga!” Ngunit si Jesus, hindi nawalan
ng tiwala kay Simon Pedro sa kabila ng malaking atraso nito sa Kanya, sa kabila
ng maraming mga kahinaan si Simon Pedro.
Sa halip, ipinagkatiwala pa nga Niya kay Simon Pedro ang buong Santa
Iglesiya.
Subalit sadyang ganyan
ang Panginoon, lagi Niya po tayong binibigyan ng pagkakataong makabawi. Hindi Niya po agad sinasara ang aklat
natin. Lagi po Siyang umaasang
magbabalik-loob tayo at sa kabila ng lahat ng ating mga atraso sa Kanya ay, sa
tutoo lang, iniibig natin Siya. Sana po
huwag nating sayangin ang mga pagkakataong ito.
Sana po huwag nating paasahin nang paasahin lang si Jesus. Sana po magsikap na tayong tutoo na maging
karapat-dapat sa Kanyang pagtitiwalang muli.
Sa kabila po ng
maraming mga pagtatatwa at pagkakanulo natin kay Jesus, ni minsan hindi Siya naging
bitter. Lagi Siyang sweet! Hindi Siya
“ampalaya”. Sa halip na maging bitter ang relationship natin sa Kanya,
naging better pa nga! Hindi na lamang po tayo mga tagasunod Niya;
ginawa pa Niya tayong mga isinugo Niya.
Sa paraan at bahagdang naayon sa kani-kaniya, maaari po nating sabihin
ang sinabi ni San Pablo sa 2 Cor 5:20: “Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Kristo, na
waring namamanhik ang Diyos sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin
sa pangalan ni Kristo, na kayo'y makipagkasundo sa Diyos.” We are
ambassadors of Christ despite the fact that our only credential is that we are
sinners but loved.
Sana tularan din po
natin si Jesus. Huwag na tayong bitter; sa halip, lagi po tayong
magsikap na maging better. Tama na ang “ampalaya”! At gamitin po natin ang lahat ng ating mga
karanasan – lalong-lalo na yaong mapapait at masasakit (na kadalasan ay
nagmumula at sinasanhi ng mga taong mahal na mahal natin at mga taong akala
nating nagmamahal sa atin pero hindi pala) para tayo ay maging higit na
mabubuting tao at mabubuti sa lahat ng tao.
Isinusugo tayo para alagaan ang iba tungo din sa kanilang higit na
ikabubuti.
Minsan nanaginip po
ako. Niyaya raw ako ni Jesus na maglakad
sa dalampasigan. Kalmado ang dagat at
banayad ang hangin. Magtatakipsilim noon. Naupo Siya sa isang malaking bato at sabay
turo sa tabi Niya – pinauupo Niya ako.
Pag-upo ko po, inakbayan ako ni Jesus.
Magkatabi kaming nakatingin sa lumulubog na araw. Habang nakapako ang tingin sa araw na tila
nilulunod ng dagat, tinanong ko po si Jesus, “Jesus, Anak ng Diyos, iniibig Mo
ba ako?”
“Oo, Bobby,” sagot ni
Jesus na nakatingin din sa lumulubog na araw, “alam mong iniibig kita.”
Bigla ko pong naalala
ang mga kapalpakan ko sa buhay, mga kayabangan, mga kasalanan.
Tinanong ko Siyang
muli, “Jesus, Anak ng Diyos, iniibig Mo ba ako nang higit sa mga kahinaan ko?”
Muli po Siyang sumagot,
“Oo, Bobby, iniibig kita.”
Makaikatlong beses –
gusto kong makasigurado (baka nalimutan Niya lang kasi ang mga atraso ko sa
Kanya) – muli ko po Siyang tinanong, “Jesus, Anak ng Diyos, iniibig Mo ba ako
talaga?”
Tinanggal ni Jesus ang
Kanyang tingin sa dapithapon at marahang bumaling sa akin. Tinitigan ako sa mata nang may ngiti sa
Kanyang mga labi. “Oo, Bobby,” sagot ni
Jesus, “NALALAMAN KO ANG LAHAT NG BAGAY; PERO MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA.”
(Sana masabi rin
po natin iyan sa isa’t isa.)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home