31 August 2013

HAGKAN ANG PALAKA

Ikadalawampu’t Dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
Lk 14:1, 7-14 (Sir 3:17-18, 20, 28-29 / Slm 67 / Heb 12:18-19, 22-24)


Noong unang panahon, sa napakalayo pong kaharian, may isang prinsesang ubod nang ganda.  Anupa’t maging araw ay hiyang-hiya kapag nasisilayan nito ang mukha ng prinsesa.  Ngunit ang prinsesa raw pong ito ay mapanmaliit sa kapwa.

Isang araw, nalibang daw sa paglalaro ang prinsesa at hindi nito namalayang napadpad na pala siya sa gitna ng malawak at madilim na gubat sa likod ng palasyo.  Sa gitna raw ng gubat na yaon ay may matandang puno ng balete.  At sa tabi po ng matandang puno ng balete ay matatagpuan ang isang balong napakalalim.  Nahulog daw po ang bolang laruan ng prinsesa sa balong ubod nang lalim.  At iyak nang iyak ang prinsesa.  Narinig siya ng isang palaka at sinabi, “Bakit ka umiiyak, mahal na prinsesa?”

“Nahulog kasi sa balong malalim ang bola ko,  At hindi ko ito kayang kunin,” sagot ng prinsesa.

“Kukunin ko para sa iyo!” sabi ng palaka.  “Pero anong gantimpala ko?”

Kung anu-ano raw po ang inialok ng prinsesa sa palaka para kunin nito ang kanyang bola.  Pero walang nagustuhan ang palaka ni isa.

“Kung payag ka,” wika ng palaka sa prinsesa, “sisisirin ko ang balon para kunin ang bola mo at ibalik sa iyo, sa isang kondisyon: mangako ka, mahal na prinsesa, na mamahalin mo ako.”

“Palaka lang naman ito, walang halaga,” bulong ng prinsesa sa sarili, “kaya ayos lang akong mangako kahit hindi ko tutuparin.  “Sige,” sabi ng prinsesa sa palaka, “kung maibabalik mo sa akin ang bola ko, mamahalin kita.”

Agad pong lumundag ang palaka, sinisid ang balong malalim, at pag-ahon ay kagat-kagat na ang laruang bola ng prinsesa.  Pagkakuha ng prinsesa ng kanyang bola, kumaripas na po ito nang takbo pauwi sa palasyo, ni hindi man lamang pinasalamatan ang palaka.

Kinagabihan, habang naghahapunan ang hari, mga anak nito, at mga maharlika niya, nakarinig po sila ng basang katok sa pinto ng bulwagan.  Nang buksan ng tanod ang pintuan, tumatalong lumapit sa hapag ang palakang tumulong sa prinsesa.  Pagkatapos humingi ng dispensa sa hari, ikinuwento po nito ang pagtulong sa prinsesa at ang pangako ng prinsesa sa kanya.

Diring-diri po ang prinsesa sa palaka at ayaw niyang tupdin ang kanyang pangako.  Kaya sinabi ng hari sa prinsesa, “Anak, hindi mo dapat minamaliit ang mga hindi mo kauri.  Ang iyong pangako, dapat mong tupdin.”  Nang magkagayon, inanyayahan po ng hari ang palaka sa hapag at pinaupo ito sa upuang pandangal, katabi ng prinsesa.  Nawalan na po ng ganang kumain ang prinsesa.

Pagkatapos po ng piging, samantalang sila na lang dalawa sa silid, sinabi ng palaka sa prinsesa, “Tupdin mo na ang pangako mo.  Mahalin mo ako.  At bilang tanda na love mo ako, kiss mo nga ako sa nose.”  Dahil wala na po siyang magawa, pumikit na lang ang prinsesa, inisip ang guwapong prinsipe sa kabilang kaharian, at hinagkan ang palaka.

Alam na rin po ninyo ang sumunod na nangyari, hindi ba?  Ang palaka ay lumaya sa sumpa at nagbalik sa dati niyang anyo: siya pala ay isang prince charming.

“Pero, Father,” reklamo ng isang babae, “ilang palaka pa po ba ang kailangan kong halikan bago ko matagpuan ang Prince Charming ko?”

Nginitian ko po siya at sinagot, “Hindi ko alam.  Minsan kasi depende rin yan sa hahalik eh.  Baka naman kasi yung hahalik ang mangkukulam, hindi prinsesa.”

Pero, puwera biro, ano po kaya kung ang nangyari sa kuwento ay sa halip na yung palaka ay naging prinsipe, yung prinsesa ang naging palaka?  May ganun pong animated movie, “The Princess and the Frog”?  At kung kuwento po ni Jesus ang kuwentong ito, parang gayon nga ang nangyari: Si Jesus ay naging tulad natin sa lahat ng bagay maliban sa paggawa ng kasalanan.  At dahil kuwento po ni Jesus, aral din naman Niya sa atin ang pagsikapang tumulad sa Kanyang mapagkumbabang pag-uugali.

Isinulat ni San Pablo Apostol sa Phil 2:5-8, “Ang ugali ninyo ay dapat na maging katulad ng kay Kristo Jesus: bagamat Siya ay Diyos, hindi Niya isinaalang-alang ang pagkapit sa Kanyang pagiging kapantay ng Diyos, bagkus, sa pagiging anyong-tao, inari Niya ang kaabahan, ang kalikasan ng isang lingkod.  At sa pagiging tao, Siya ay mababa ang loob at naging masunurin magpahanggang kamatayan – maging kamatayan sa krus!”

May mga taong ang tingin nila sa kanilang sarili ay prinsesa sila, hindi po ba?  Pero, sa tutoo lang, palaka rin pala.  At may mga palaka rin namang nadiskubri nilang mga prinsipe pala sila dahil pinahalagahan natin sila.  Nagpakumbaba tayo para maitaas sila.  Minahal natin sila, pinag-aksayahan ng panahon, inunawa, pinatawad, inuna bago ang sarili natin, pinagmalasakitan, tinulungan, hinagkan.

Kaya nga po, sa halip na tingnan ang ating sarili na mas mataas kaysa sa iba, dinggin po nati’t tupdin ang pahayag sa atin ng unang pagbasa ngayon: “Anak ko, maging mapagpakumbaba ka….  Habang ika’y dumadakila, lalo ka namang magpakumbaba….”  Huwag po tayong mag-unahan sa mga tanging upuan; sa halip, tulungan nating makaupo ang lahat.  Unahin natin ang iba, hindi ang sarili.  Iangat po natin ang dangal nang ating kapwa, huwag yurakan.  Huwag po tayong magtulakan, mag-alalayan tayo.  Huwag po tayong susunggab, matuto tayong tumanggap.  Huwag din po tayong magmamagandang-loob kaninuman nang may makasariling pakay.  Galit po tayo sa user, hindi ba?  O, eh baka naman user na rin tayo.  At huwag na huwag po tayong makalilimot na magpasalamat sa isa’t isa at gumanti ng kabutihang-loob sa mga tumanggap sa atin bagamat hindi tayo karapatdapat.  Bagamat nabibigu-bigo tayo, huwag po sana tayong susuko sa pagsisikap nating matularan si Jesus na nagpakababa upang makibahagi sa ating pagkatao nang makabahagi tayo sa Kanyang pagka-Diyos.

Tingnan n’yo nga po ang katabi ninyo ngayon.  Baka siya po ang palaka sa buhay n’yo.  Ano pong tingin ninyo, kaya n’yo ba siyang mahalin?  Kaya n’yo po bang magparaya sa kanya?  Maaari n’yo po ba siyang iangat, sa halip na ilaglag?  Puwede n’yo po ba siyang tulungang makita ang kanyang halaga?  Puwede po ba kayong maging tulad ni Jesus sa buhay niya?  Eh, sila pong mga wala rito ngayon?  Ang mga batang-lansangan, ang mga taong-grasa, ang mga pusakal na kriminal, ang mga pulubing kakala-kalabit, ang mga busabos ng lipunan – kaya po ba natin silang mahalin?  Ang mga may atraso sa atin, ang mga nang-api sa atin, ang mga nang-agrabyado sa atin, ang mga trumaydor sa atin, ang mga nanira sa atin, ang mga nagtaksil sa atin, ang mga nanakit sa atin – mahal po ba natin sila?

Hindi na po natin kailangan ng palaka para magpakababa.  Pero minsan, kailangan po nating magpaka-palaka para mai-angat ang mga mabababa at mga ibinababa.


24 August 2013

ISABUHAY ANG TAMANG SAGOT SA MALING TANONG

IKADALAWAMPU’T ISANG LINGGO SA KARANIWANG PANAHON
Lk 13:22-30 (Is 66:18-21 / Slm 116 / Heb 12:5-7,11-13)

Noong nag-aaral pa po kami sa seminaryo, nabanggit sa amin na itinuturo raw ng teolohiya ang tamang sagot samantalang itinuturo naman ng pilosopiya ang tamang tanong.  Malamang, hindi po nag-aral ng pilosopiya ang taong nagtanong kay Jesus sa Ebanghelyo ngayong araw na ito.  Gayunpaman, ibinigay pa rin ni Jesus sa kanya ang tamang sagot.

“Ginoo,” may nagtanong kay Jesus, “kakaunti po ba ang maliligtas?”  Alam po ninyo, para sa mga tagapakinig ni Jesus napakahalaga ng tanong na ito dahil hindi maganda ang sagot na natatanggap nila mula sa kanilang mga lider-relihiyoso.  Maraming mga eskriba noong kanilang panahon ang nagtuturo na ang kaligtasan ay hindi para sa lahat ng tao.  Sa halip, ang kaligtasan ay para lamang sa mga Judyo pero marami pa ring mga Judyo ang hindi maliligtas.  Ayon po sa namamayaning katuruan noon, ang maliligtas ay yaon lamang mga Judyong buong higpit na tumutupad sa daan-daang batas na nalikha ng mga eskriba mula sa Sampung Utos na kaloob ng Diyos sa kanila sa pamamagitan ni Moises.  At lubhang napakabigat po niyon para sa karamihan sa mga Judyo.

Mga Judyo lang daw ang maliligtas, sabi ng mga eskriba.  At maging mga Judyo ay hindi siguradong maliligtas lahat.  Paano pa po kaya tayo?  Hindi tayo mga Judyo.  Para sa mga Judyo, tayo ang mga Hentil.  Kung susundin ng Diyos ang pamantayan ng mga Judyo tungkol sa kaligtasan, impiyerno tayong lahat.

Pero mali po ang tanong.  Hindi na po mahalagang malaman kung kakaunti o marami ang maliligtas.  Ang tunay na mahalaga raw po, ayon mismo sa Panginoong Jesus, ay ang pagsikapan nating pumasok sa makipot na pintuan.  “Sinasabi Ko sa inyo,” patuloy pa Niya, “marami ang magpipilit na pumasok ngunit hindi makapapasok.”  Kapag isinara na rin daw po ang pintong yaon, hindi na ito bubuksan kahit kumatok pa tayo nang kumatok.  At pansinin po ninyo, walang binanggit ang Panginoon na mga Judyo lamang ang maliligtas.  Sa halip, para pa ngang binabalaan Niya ang mga Judyo: “…darating ang mga tao buhat sa silangan at kanluran, sa hilaga at timog, at dudulog sa hapag sa kaharian ng Diyos.  Tunay ngang may nahuhuling mauuna, at may nauunang mahuhuli.”  Samakatuwid, ipinahihiwatig ng Panginoon na ang kaligtasan ay hindi lamang para sa mga Judyo kundi para sa lahat at silang mga Judyong naunang pinagpahayagan ng Diyos ay possible pang mahuli sa langit.  Kaya naman po, ang dapat pagtuunan ng pansin at pagsisikap ng lahat ay ang maligtas at hindi ang malaman kung ilan ang maliligtas.

Ayon po sa 1 Tim 2:4, “Kalooban ng Diyos na maligtas ang lahat”.  Pero may dapat pa rin po tayong gawin.  Ano?  Apat na bagay po.

Una, ang pintuan ng kaharian ng Diyos ay makipot.  Opo, bukas ang pinto, pero masikip daw ang lagusan.  Ang ibig sabihin po ng “pagsikapan” (o strive o try sa pagkakasalin sa wikang Ingles ng Ebanghelyo ngayong araw na ito) ay hindi lamang pagtitiyaga kundi pakikibaka, hindi lamang po simpleng subukang makapasok kundi paghirapang makapasok.  Ito ang madalas nating malimutan o pilit na tinatakasan: ang pakikibaka, ang paghihirap.  Wala pong bayad ang pagpasok sa langit.  Wala pong ticket dapat bilhin para makapasok ka sa kaharian ng Diyos.  Pero, bukod sa awa ng Diyos unang-una sa lahat, kailangan din po natin ng disiplina sa pamumuhay, ng pagsupil sa mga maling hilig, ng paglinang sa mga kakayahang kaloob sa atin ng Diyos, at ng pagkamatay sa sarili na sinasagisag ng pagpasan sa ating krus araw-araw.

Ang sabi po natin, “Kapag maigsi ang kumot, dapat matutong mamaluktot.”  Gayundin naman po, dahil ang pintuan ng kaligtasan ay makipot huwag na po tayong magdala ng kung anu-ano pang mga abubot.  Suriin po natin ang mga kolorete natin sa buhay, ang mga ka-ek-ekan natin, ang mga bagahe natin – talaga po bang nakatutulong ang mga ito sa atin?  Magliligtas po ba ang mga ito sa atin o humahadlang ito para ganap nating masundan si Jesus papasok sa kaharian ng Diyos?

Ikalawa, hindi laging nakabukas ang pinto ng kaligtasan.  Ngayon po ay bukas pa, pero isasara rin ito pagdating ng takdang oras.  Ang Panginoon po mismo ang nagsabi nito sa Ebanghelyo – “Kapag ang pinto’y isinara na ng puno ng sambahayan, magtitiis kayong nakatayo sa labas, at katok nang katok.”  Kailangan din po nating gamitin nang mabuti ang panahong kaloob sa atin ng Diyos.  May hangganan ang lahat – ilista po natin isa-isa, ang una sa ating listahan ay ang buhay natin mismo.  Kapag pinagpabukas-bukas po natin ang tunay na mahahalaga para sa ating kaligtasan, kapag nagpa-“bandying-bandying” po tayo, kapag tsaka na lang tayo nang tsaka na lang sa tawag na manalangin tayo, magpatawad tayo, magmalasakit tayo, magsimba tayo, makipagkasundo tayo, magmahal tayo, malamang po aabutan tayo ng pagsara sa pinto nang hindi man lamang natin nasubukang pagsikapang makapasok.  Limitado lang po ang panahon natin.  Huwag sana nating sayangin.

Sabi po natin, “Daig ng maagap ang taong masipag”.  Tama po iyan sa usapin ng kaligtasan.  Bakit po natin ipagpapabukas ang mga bagay na sinhalaga ng ating kaligtasan?  Bakit po natin sasayangin ang pagkakataong kaloob ng Diyos sa atin ngayon gayong hindi naman po tayo talaga sigurado sa bukas?  Mahirap pong kalaban ng kaligtasan ang katamaran, kawalang-pagkabahala, at kawaldasan.  Tamad po ba tayo?  Wala po ba tayong paki?  Waldas po ba tayo?

Ikatlo, pantay-pantay po tayong lahat sa harap ng pintuan ito.  Hindi po ako mauunang pumasok kasi pari ako.  Hindi po porke pari ako ay mas madadalian o mas mabibilisan akong makapasok sa langit kaysa sa inyo.  Hindi po pampadulas sa Diyos ang pasiya kong magpari.  At, kung sa awa ng Diyos at pakikipagtulungan ko sa grasya Niyang kaloob ay makapasok ako sa pintuang makipot bago ito isara, hindi pa rin po nangangahulugang mas maganda ang kalalagyan ko kaysa sa inyo dahil ako ay pari.  Bagamat higit na marunong magpasalamat ang Diyos kaysa sa atin at bukas-palad po Siya sa pagsukli sa ating mga pasiyang ginawa para sa Kanya, pantay-pantay po tayong lahat sa di-malirip na kaloob na kaligtasang handog Niya sa atin.

Wala po tayong maipagmamalaki sa Diyos.  Wala rin tayong dapat ipagmalaki sa ating kapwa para sabihin nating tayo lang ang maliligtas o maliligtas din kayo pero una ako at mataas ang luklukan ko kaysa sa inyo.  Ang lahat ay biyaya, lalung-lalo na po ang ating kaligtasan.  At tayong lahat po sana ay bagsak, pero pinasa po tayo ng awa ng Diyos, hindi ba?  Kaya nga’t wala pong nakapapasok sa langit kundi yaon lamang mga pasang-awa.

Ikaapat, sa kabila ng pintuan ng kaharian ng Diyos ay may mga surpresang naghihintay sa atin.  Ang sabi po ng Panginoon sa Ebanghelyo, “Tunay ngang may nahuhuling mauuna, at may nauunang mahuhuli.”  Kaya huwag po tayong pakaseguro: marami sa ating mga inaakala at mga pagkakalkula ang babaliktarin o tuluyang pawawalang-saysay.  Ang mga dukha sa buhay na ito ay maaring mga maharlika sa kabila.  Ang mga minamaliit sa lupa ay maaaring sa langit ay pinakadakila.  Ang mga makasalanan ay maaaring maging higit pang maningning kaysa mga deboto.  Kaya, huwag pong maging kampante sa mga haka-hakang natutunan natin mula sa mga pamantayan ng mundo.  At hindi rin po natin dapat ituring ang sarili na mas mataas, mas banal, at mas karapat-dapat kaysa iba.  Pagpanaw po natin sa mundong ito, babaliktad ang ating mundo.

Kung gayon, hindi na po natin dapat itanong ang mga hindi mahalagang tanong gaya ng sino ang maliligtas o marami bang makapapasok sa langit.  Sa halip, gawin po nating kaabalahan lagi ang hamon ni Jesus na pagsikapan nating makapasok sa pintuang makipot bago ito isara.  Seryosohin po natin ito.  Tandaan natin, nasa huli ang pagsisisi.  Huwag po nating sayangin ang mga pagkakataong ibinibigay sa atin ng Diyos.  Tutoo po, our God is the God of many second chances but remember there is always a last chance.  At kung nakararanas tayo ng pagdidisiplina ng Diyos, isa-isip po natin ang narinig nating sulat sa mga Hebreo sa ikalawang pagbasa: “Anak, huwag kang magwalang-bahala kapag itinutuwid ka ng Panginoon, at huwag panghinaan ng loob kapag ikaw ay pinarurusahan Niya.  Sapagkat pinarurusahan ng Panginoon ang mga iniibig Niya, at pinapalo ang itinuturing Niyang anak.”

Importante pong itanong ang mga tamang tanong.  Pero huwag lang po tayo tanong nang tanong.  Ngayong ibinigay na po sa atin ni Jesus ang tamang sagot, dapat nating isabuhay iyon.





18 August 2013

THE FIRE OF CHRIST

20th Sunday in Ordinary Time
Lk 12:49-53 (Jer 38:4-6, 8-10 / Ps 40 / Heb 12:1-4)

Jesus presents to us a self-portrait that is billion of light years away from the image of Him we have grown familiar – even complacent – with.  As He claims that He came to set the earth on fire and that He meant to establish not peace but division among us, our “Hear of Jesus, meek and mild” Christ seems to crumble.  Are you not disturbed?

It is good that we are disturbed every now and then.  It does us well to be disturbed and constructively question our concept of God, of our selves, and of the world around us.  We need to be jolted from our too comfortable zones where we are in full control of almost all, if not all, including perhaps our definition of God.  Indeed, may we be disturbed.

We are disturbed, for Jesus declares, “I have come to set the earth on fire, and how I wish it were already blazing!”

I am afraid of fire.  I am often simply too careful, even obsessively cautious, with fire.  One must never go any nearer any fire, lest, like the moth that disobeyed its mother, in that classic children story, he burns himself to death.  But today, even while we do not flirt with fire, fire is thrown right in front of us by no less than Jesus Himself.  Jesus disturbs us with fire.  He fires and He disturbs us.

Fire burns.  Fire destroys.  Fire consumes.  The fire of Jesus burns, destroys, and consumes whatever needs to die in us.  Do we not often pray, “Lord, make me a better person; make me a new person”?  But for the new “we” to be born, the old “we” must die.  When we want to build a bigger, better, and more beautiful house right where our present house stands, we must first tear down the old one.  God destroys.  O, yes, He does.

God destroys so that He may build again.  He burns so that He may create anew.  And God builds again, He creates anew, something more beautiful, something better, something greater.  What is it in us that the fire of Jesus must consume, melt away, and destroy?

Fire purifies.  Fire purifies that which it consumes.  That which passes through fire is the cleanest.  Food needs to be cooked.  Sterilization is purification, too, and nothing is sterilized without fire.

Fire destroys so that it may purify.  The fire of Jesus destroys not for destruction’s sake.  Jesus purifies us by destroying what makes us unclean.  What does the fire of Jesus need to purify in us?

Fire transforms that which it destroys and purifies.  Transformation is the end result of destruction and purification by fire.  Gold passes through fire and becomes a precious ring. Dough comes out from the oven as delicious bread.  Clay is cooked and becomes a beautiful earthen vessel.  Raw food on fire is made palatable and easy to digest.  So is it with anything and anyone touched by the fire of Jesus.

The fire of Jesus transforms us unto what God intends us to be.  Consumed by the fire of Jesus, we are transformed unto His image and likeness.  Do we really allow the fire of Jesus to transform us?

Fire destroys.  Fire purifies.  Fire transforms.  We are disturbed but we should not fear because the fire we speak of is the fire of Christ Jesus the Lord.

May the fire of Jesus set the world ablaze.  May the fire of Jesus ignite the earth.  May Jesus disturb us and transform us unto becoming more and more like Him.  And so we pray the prayer of Sir Francis Drake:

Disturb us, Lord, when

We are too pleased with ourselves,

When our dreams have come truer
Because we dreamed too little,
When we arrived safely
Because we sailed too close to the shore.





Disturb us, Lord, when

with the abundance of things we possess

We have lost our thirst
For the waters of life;
Having fallen in love with life,
We have ceased to dream of eternity
And in our efforts to build a new earth,
We have allowed our vision
Of the new Heaven to dim.





Disturb us, Lord, to dare more boldly,

To venture on wilder seas

Where storms will show Thy mastery;
Where losing sight of land,
We shall find the stars.





We ask Thee to push back

The horizons of our hopes;

And to push back the future
In strength, courage, hope, and love.






This we ask in the name of our Captain,

Who is Jesus Christ.

10 August 2013

MAGING HANDA, MAGING MABUTING KATIWALA

Ikalabinsiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon
Lk 13:35-40 (Kar 18:6-9 / Slm 32 / Heb 11:1-2, 8-12)

Ngayon lang po tumaas ang aking presyon.  Siguro nga po dahil sa pagod.  Sabado pa lang ay medyo kakaiba na ang pakiramdam ko.  Kinabukasan, bumangon ako at ginawa ang karaniwan ko pong ginagawa kapag Linggo, pero parang may hindi normal sa akin.  Pakiramdam ko’y parang lumulutang ako, medyo masakit ang ulo, parang namamaga ang mukhang namumula, at medyo nanghihina.  Pero, sige pa rin po, dinasal ang brebiyaryo, nag-Misa, nagpakumpisal, pinulong ang Parish Pastoral Council, hinarap ang mga kailangan sa opisina, naghapunang kasama ni Bp. Broderick Pabillo habang tinatalakay ang bibiling lote para sa parokya, at nag-Misa po ulit nang alas-otso nang gabi.  Dahil nalaman po ng nanay ko na parang may simtomas ako nang mataas na presyon, hindi niya ako tinigilan hanggang hindi ako nagpapakuha ng BP.  Wow, 145/115 ang BP ko, sabi ng sphygmomanometer!

Matigas po ang ulo ko pagdating sa gamutan, kaya’t wala pong naka-awat sa aking mag-Misa pa nang alas-otso nang gabi.  Sobrang tigas nga po siguro ng ulo ko kaya hindi ako agad nagpunta sa duktor kinabukasan.  Dahil may naka-schedule pa po akong pulong sa Miyerkules kay Cardinal Chito Tagle para sa loteng bibilhin ng parokya, Huwebes na ako nagpakita sa duktor.  At nang tingnan po ng duktor ang aking presyon, 140/115.  Dahil hindi po iyon karaniwan para sa akin, nagulat ang duktor at hindi na ako pinauwi.

Salamat naman po sa Diyos at pinayagan ako ng duktor na umuwi bago mag-Linggo.  Pero sunud-sunod ang maraming procedures na ginawa sa akin sa Cardinal Santos Medical Center.  Kailangan ko pa pong bumalik sa Martes para basahin sa akin ang kumpletong resulta ng mga procedure, pero sa ngayon ang sabi ng duktor ay nangangapal ang walls ng puso ko at marami raw cholesterol sa extremities.  Binigyan na rin ako ng pang-maintenance ng presyon.

Naisip ko po, kung tuluyan nang hindi ako nagpunta sa duktor, baka may masama nang nangyari sa akin.  At kung mangyari iyon, handa na ba talaga ako?

Kayo po, handa na ba kayo?

Dahil alam ng duktor ko na matigas ang ulo ko at ayaw na ayaw kong magpapa-check-up, kaya marahil ay naisip niyang baka hindi na ako magbalik sa kanya sa Martes, medyo nakakatawang-nakakatakot ang sinabi niya sa akin bago ako lumabas ng ospital: “Kung gusto mo pang mabuhay nang matagal, Father, bumalik ka sa Martes.”

Babalik po ako.  Promise.

Si Jesus po, babalik din.  Malinaw na malinaw pong ipinaaalala sa atin ng Ebanghelyo ang katotohanang ito.  Pero kung kailan Siya babalik ay hindi natin alam.  Kaya nga po inihahalintulad ang pagbabalik ng Panginoon sa pagdating ng magnanakaw.  “Tandaan ninyo,” wika Niya, “kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras darating ang magnanakaw, hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay.”  Kaya naman po, ang bilin Niya sa ating lahat: “Kayo ma’y dapat humanda, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.”  Pakisabi n’yo nga po sa katabi ninyo: “Humanda ka!”

Minsan po nakakatakot kapag sinabihan ka ng “Humanda ka!”, hindi ba?  Opo, medyo bibilis ang tibok ng dibdib mo kung hindi ka handa kasi hindi mo nga po alam kung kailan pero tiyak na tiyak ay darating ang dapat mong paghandaan.  Kaya, ang tanong, naghahanda po ba kayo?  Sino po rito ang handa na?

Kung tiyak po natin ang seguridad ng ating tahanan, masarap ang tulog natin.  Pero kapag hindi, mababaw ang tulog natin o tuluyang hindi tayo makatulog.  Kakaba-kaba tayo.  Nangangamba.  Balisa.  Ito nga po ang punto ng Ebanghelyo ngayong araw na ito.  Hindi na po mahalagang hindi natin alam kung kailan babalik ang Panginoon.  Sa katunayan, kahit bago pa po Siya bumalik sa wakas ng panahon, maaaring dumating Siya sa atin at sunduin na tayo, hindi ba?  Kaya’t lubhang napakahalaga talaga na handa tayo.

Paano nga po ba tayo dapat maghanda?  Ano nga po ba ang pinakamabuting paghahandang dapat nating gawin?

Sa unang pagbasa po natin, mula sa Aklat ng Karunungan, ang sabi ay dapat tayong mamuhay nang matuwid, tapat na mga anak ng Diyos, at nagsisikap sumunod sa Kanyang utos bilang nagkakaisa Niyang Bayan.  Ganyan po ba tayo?

Binibigyang diin naman po ito ng Salmong tugunan natin ngayon.  Mula sa ikatatlumpu’t dalawang Salmo, inilalarawan sa atin ang kapalaran ng mga taong namumuhay nang matuwid.  At ang saligan daw po ng pamumuhay nang matuwid ay ang tamang pagkatakot at pag-asa sa Diyos.  Sa tutoo lang po, may takot pa ba tayo sa Diyos?  At sa dami ng ating mga pinagkakapitan, baka naman po maluwag na ang pagkakakapit natin sa Diyos, anupa’t hindi na Siya ang ating inaasahan?  Baka isa na lang po Siya sa marami nating inaasahan.  Dapat po Siya lang.

Sa ikalawang pagbasa po, napakagandang inilalahad sa atin ng may-akda ng Sulat sa Mga Hebreo ang halimbawa ng mga ninuno natin sa pananampalataya.  Tanging ang Diyos ang kinapitan ni Abraham at Sara, ni Isaac, Jakob, at iba pang “mga tao noong una”.  Ang Diyos lamang ang kanilang Pag-asa.  At dahil po sa kanilang pananalig sa Kanya, sila ay kinalugdan Niya at pinagpala.  Maaari po ba tayong humanay sa kanila dahil may pananalig tayo sa Diyos na tulad ng sa kanila?

Pamumuhay nang matuwid, tapat at mapagtalima sa Diyos at may takot sa Kanya, tanging ang Diyos ang pag-asa kaya’t matibay ang pananalig sa Kanya – ang mga katangian pong ito ay mga katangian ng mabuting katiwala.  At iyon nga po ang dapat nating gawin bilang paghahanda sa pagdating ng Panginoon: maging mabuting katiwala ng Diyos.

Ang lahat po nang meron tayo at tayo mismo ay biyaya ng Diyos.  Wala po tayong maipagyayabang na biyaya na hindi natin tinanggap mula sa Kanya.  At ang mga biyayang meron tayo ay ipinagkatiwala sa atin ng Diyos.  Tayo nga po ay mga katiwala Niya.  Pinagkakatiwalaan Niya tayo.  Iyan po ay pribilehiyo at responsibilidad.  Pananagutan natin sa Diyos ang anumang gawin natin sa mga ipinagkakatiwala Niya sa atin.

Kumusta po kayo bilang katiwala ng Diyos?  Ano po bang ginagawa ninyo sa mga biyayang ipinagkakatiwala Niya sa inyo?  Itinuring po ba ninyong ang lahat ng meron kayo, maliban sa kasalanan, ay mga biyayang ipinagkakatiwala ng Diyos sa inyo?  Sakaling dumating si Jesus at sunduin kayo ngayong gabi rin mismo, makahaharap po ba kayo sa Kanya nang hindi nahihiya dahil hindi natin winaldas o pinabayaan o inabuso o sinarili lang ang mga biyayang ipinagkatiwala Niya sa atin?  Sana po, magsikap tayong lahat na maging mabubuting katiwala ng Diyos.

May nagbiro po sa akin nang malamang 145/115 ang BP ko pagkatapos naming mag-usap ni Bp. Pabillo.  “Ano bang pinag-usapan ninyo at biglang taas ng presyon mo?” tanong sa akin ng kaibigan kong pari.  Wala pong kinalaman ang pag-uusap namin ni Bp. Pabillo sa biglang pagtaas ng blood pressure ko.  Sa katunayan, napakaganda nga po ang bunga ng pag-uusap naming iyon dahil na-aprubahan ang hiling ko na bilhin ng Arkediyosesis ang loteng katabi ng kasalukuyang properties ng parokya rito sa Manuguit.  Pero maganda po ang paalala sa akin ni Bp. Pabillo kanina paglabas ko ng ospital: “Ingat ka lang at alagaan ang kalusugan mo AS A GOOD STEWARD OF GOD’S GIFTS.”  Kayo rin po ha!

03 August 2013

WE RESOLVE NOT TO BE IDIOTS

Eighteenth Sunday in Ordinary Time
Lk 12:13-21 (Eccl 1:2; 2:21-23 / Ps 90 / Col 3:1-5, 9-11)






See how beautifully Jesus drives home His point today.  The Gospel begins with a man who asks Jesus to divide the inheritance between him and his brother.  It ends with Jesus telling him how the same inheritance divides his brother and him.  Indeed, greed slaughters relationships without mercy.

Together with pride, avarice, sloth, lust, envy, and gluttony, greed is one of the Seven Capital Sins.  It ruins anything and anyone it touches.  It breaks families.  It divides communities.  It brings a nation down.  It makes monsters out of people.  It condemns a soul to hell.  The greedy is a prisoner of hell while still struggling on earth.  But a person who is not greedy already experiences heaven though still living on earth.

What is the difference between heaven and hell?  Here is one!

Both in heaven and hell is served a lavish, eternal banquet.  Both in heaven and hell are spoons and forks twice the size of a person’s arm.  Strangely though despite the equally lavish banquet in both places and the same size of eating utensils given to citizens of both places, only those in heaven are happy while those in hell are all sad.  Why?  Because those in heaven feed one another and are therefore satisfied, but those in hell refuse to feed one another and are thus starving.  Heaven is not exclusively for smart people.  But hell is definitely for idiots.

Do you know that God rarely appears in parables?  But He does so in this one for today.  He speaks to the man who, refusing to share with others his rich harvest, decides to hoard everything for himself.  Imagine, even his conversation he keeps to himself!  “Idiot!” God shouts at him, “This very night you shall die.  And to whom will all your possessions belong?”

Indeed, the rich man is an idiot.  “Idiot” comes from the Greek word, idiotes, which means “the one who is alone.”  That rich man in the parable is isolated by his greed.  Surrounded by all his wealth, his life is nonetheless empty, empty of any meaningful relationship with his fellow human beings.  Greedy that he is, the very possessions he hoards possess him.  Indeed, we have no adjective to describe such a man but “idiot”.

Greedy people are idiots and idiots go to hell.  Idiots go to hell precisely because they are greedy.  There are no greedy people in heaven because heaven is only for those really share their blessings with others.  Let us say ‘no’ to greed.  Let us all go to heaven.  Let us not be idiots.  We are meant for heaven.

Are we greedy?  Are we idiots?  Do we really share our blessings with others?  What and how much of what we have do we cheerfully share with others?  Do we really possess what we think we possess or what we possess actually possesses us?  Are we possessed or are we blessed?

Blessed are they who die to themselves.  They are the ones, according to the Apostle Paul in the second reading today, whose selves are renewed in the image of their Creator.  What is God’s image?  God’s creativity moves out to others.  Simply put, God shares His richness with others without end.  And in Christ Jesus, we constantly behold God giving Himself away.  Blessed are they indeed who strive to be configured to Christ.

Jesus is the anti-thesis of the rich man in the parable today.  In contrast to that idiot, Jesus spends Himself for others.  He spends His whole life sharing His gifts: love, forgiveness, insight, prayer, parables, time, energy, His very life.  And in sharing His gifts with others, Jesus creates new life for them.  He keeps nothing to Himself because He sees Himself as having nothing by Himself but all that He has is grace.  Chapter 14 of the Gospel of John gives us a glimpse into the mind and heart of Jesus: Everything He is and has comes from the Father.  We can almost say without a fault that what Jesus owns, Jesus owes!

Jesus is not vain, and so must we also never be.  The first reading today recites to us the misfortunes of people who are consumed by vanities in life.  All of us have vanities, haven’t we?  Some have major, major vanities, while others have minor ones.  Yet, still, if we are honest enough, we see how vain we are compared to Jesus, and yet we profess to be His disciples, His followers, whose ultimate joy is to become like Him.

Be honest before Jesus, what is your vanity?  Be honest with your self, how vain are you?  Be honest before Jesus and your self, do you really want to live your life that way?

Vanity is the mother of greed.  People who are obsessed with vain things in life are the ones who find most difficult to share with others.  Worse, people who are vain are often people who use others because of their greed for more.  But when is more enough?  Never.  Only Jesus is enough for us.  And, again, Jesus is not vain, not greedy, not an idiot.

If we are true to our claim that we are disciples of Jesus, we will seriously consider living creatively as Jesus hopes for in each of His disciples.  We shall regard everything as grace and therefore we shall live our lives as stewards of God’s blessings.  We shall shun all vanities and therefore we shall spend our lives only for what is truly essential; and what is truly essential is not how rich we are but how holy, not how loved we are but how loving.  We shall avoid idiocy in all its forms and therefore we shall build meaningful relationships with others, relationships that are marked by the qualities of Jesus’ creative loving.

Jesus is not an arbiter in any dispute among idiots.  He will, however, show them how unwanted and yet deep-seated their idiocy is.  And if they are willing, Jesus, too, has the remedy to their idiocy: His very life for them to follow and His abiding grace for them to be strong in their resolution to change for the better.

In this Holy Mass, we bow our heads and confess our idiocy before God and one another.  But the Lord still looks at us with so much love and continues to share Himself with us.  Because of the Eucharist we now shall partake of, may have hearts more willing share with others whatever we have because we have experienced that indeed everything is grace.  We resolve not to be idiots; we decide to be blessed because “living now we remain in Jesus the Christ.”