27 July 2013

DEAL OR NO DEAL?

Ikalabimpitong Linggo sa Karaniwang Panahon
Lk 11:1-13 (Gn 18:20-32 / Slm 137 / Col 2:12-14)

Sigurado po ako na kilala ninyong lahat si Banker.  Pero wala pa ni isa sa atin ang nakakita kung sino talaga itong si Banker.
Deal or no deal?
Ang “Deal or No Deal” ay napakapopular na laro sa telebisyon bago ito po itigil at pagkatapos ay ibalik muli.  Bukod po sa inaabangang naggagandahang “26-K” at makukulay na gown ni Kris noon at ngayon naman ay ang mahusay na pagho-host ni Luis Manzano, nanggigigil ang mga contestant, pati lahat ng mga manonood sa studio at sa kani-kanilang telebisyon, sa posibleng mapanalunang tumataginting na tatlong milyong piso.  Marami po ang pinalad na makapaglaro (ang iba, mga pari pa nga), pero mabibilang lang sa mga daliri ang mga nakapag-uwi na ng tatlong milyong piso.
Deal or no deal?
May kuwento ang mga Judyo tungkol sa isang taong nakipag-deal-or-no-deal sa Diyos.  Isang araw, sa loob ng isang sinagoga, gayun na lamang ang pagdarasal ni ng isang taong nagngangalang Ben Ezra.  Napansin daw po ng isang rabbi itong si Ben Ezra na parang nakikipag-away sa Diyos, kaya nilapitan niya ito at nababahalang kinausap, “Uy, Ben Ezra, kanina pa kita pinagmamasdan.  Nagdarasal ka ba o nakikipag-away sa Diyos.  Ano bang sinasabi mo sa Diyos?
Sumagot si Ben Ezra, “Mahal kong rabbi, ito po ang panalangin ko sa Diyos.  O Yahweh, Maylikha ng sansinukob, ito lang po ang masasabi ko sa Inyo.  Inaamin ko po, napakarami kong mga kasalanan.  Nakikipagtalo ako sa asawa ko, pero kilala naman po Ninyo si misis!  Nauubusan din po ako ng pasensya sa mga anak ko, pero may magulang bang hindi kahit minsan?  Pasensya na po Kayo, nakapandaya rin ako sa trabaho, pero konti lang.  O, Yahweh, napakaliit po ng mga kasalanan ko, hindi ba?  Pero inaamin ko, mga kasalanan ko nga po ang lahat ng ito.”
“Ngayon, tingnan naman po natin ang mga kasalanan Ninyo, Yahweh,” mapangahas na sabi ni Ben Ezra.  “Minsan po ikinakandado Ninyo ang pintuan ng kalangitan at nagkakaroon nang matinding taggutom sa lupa dahil walang ulan kaya’t natutuyo ang kabukiran at namamatay ang aming mga pananim.  Tapos, kapag sawa na po Kayo sa tagtuyot, bigla-bigla naman po Ninyong pinakakawalan ang rumaragasang tubig.  Ni hindi pa namin naaayos ang mga butas-butas naming bubong o nalilinis ang bara ng mga estero.  Maging sa loob ng aming pamamahay, lumalangoy kami.  Binabaha po ang mga bukid at mga lansangan, inaanod ang aming mga pananim, mga hayop, at maging mga mahal sa buhay.  Tapos, hindi po kayo natitinag kahit pa kami ay magpatayan.  Hindi po Ninyo hinahadlangan ang mga krimen, mga karahasan, at mga digmaan.  Ang aming mga anak ay nilalapastangan at pinapatay.  Pero may mga sinapupunan din naman pong hinahayaan Ninyong matuyot at hindi makapagsilang kahit man lamang isang sanggol.  May mga isinisilang din naman pong mga sanggol na walang liwanag ang mga mata at habambuhay na siyang bulag.  May mga walang taginting sa tainga o mga lakas sa bisig at mga paa.  May mga tahanan din pong hinahayaan Ninyong mawasak.  Tapos, kinukuha po Ninyo ang mga mahal namin sa buhay at pinanonood lamang Ninyo ang aming pagdadalamhati hanggang sa kami ay mamatay na rin.  Iyan po ang mga kasalanan Ninyo, Yahweh.  At pagkalaki-laki nila, hindi ba?  Pero may alok po ako sa Inyo.  Patawarin po Ninyo ako sa aking maliliit na kasalanan at patatawarin ko rin naman po Kayo sa malalaki Ninyong kasalanan.”
“Iyan po ang dasal ko sa Diyos,” wika ni Ben Ezra.  Kung kayo po ang Diyos, Rabbi, ano ang sagot n’yo: deal or no deal?”
          Matagal daw pong nag-isip ang rabbi, tapos ay sumagot: “No deal!
          “Huh?  Bakit po, Rabbi?” tanong ni Ben Ezra.
          “Napakaliit naman kasi ng offer mo!”, sagot ng rabbi.  “Sa laki ng sinabi mong mga kasalanan ng Diyos, sana hiningi mo na sa Kanya ang Mesiyas!”
Sa unang pagbasa po natin ngayong araw na ito, hindi na si Ben Ezra, kundi si Abraham ang lakas-loob na nakikipagtawaran sa Diyos.  Ang isyu po ay kung ilang matutuwid na tao ang kailangan para hindi na wasakin ng Diyos ang Sodom at Gomorrah.  Parang auction ang tagpo.  ‘Yun nga lang, pababa nang pababa ang presyo – limampu, apatnapu’t lima, tatlumpu, dalawampu, sampu.  “Deal!” sagot ng Diyos.  Sa isang banda po, si Abraham ay larawan ng isang marunong tumawad.  Sa kabila naman, ang Diyos ay larawan ng isang mapagpasenyang mangangalakal na hindi naman pala mahirap kausapin gaya ng inaakala ng maraming tao.  Talaga namang binarat ni Abraham ang Diyos, pero sumang-ayon naman po ang Diyos sa itinawad ni Abraham.  Ngunit, wala pa rin natagpuan ang Diyos na kahit sampung matutuwid na tao sa Sodom at Gomorrah, kaya’t natuloy pa rin ang pagkawasak ng mga bayang ito.  Tanging si Abraham at ang kanyang sambahayan lamang ang naligtas.  Aha, pinatawad ng Diyos ang marunong tumawad!
Sa sulat naman po ni San Pablo Apostol, ang larawan ng Diyos na mapagbigay ay muling lumilitaw.  “Pinatawad ng Diyos ang lahat ng ating mga kasalanan at binura ang bawat tala ng utang na dapat sana nating bayaran,” wika ni San Pablo Apostol.  Ginawa raw po ito ng Diyos, ayon sa Apostol, sa isang napakadramatikong paraan: Ang ating mga utang ay ipinako ng Diyos sa krus ni Jesus.  Napakaganda po ng imahe!  Wari baga, sa krus, nakikita ng Diyos ang kuwento ng pag-ibig ni Jesus sa halip na kuwento ng mga kasalanan natin.
Sabi po ng rabbi kay Ben Ezra, sa kuwento ko kanina, dapat daw ay nilakihan pa ni Ben Ezra ang hiningi niya sa Diyos.  Dapat daw po, ang Mesiyas na ang hiningi niya kay Yahweh.  Bilang mga Kristiyano, ito nga po mismo ang pinaniniwalaan natin na ginawa ng Diyos.  Ibinigay sa atin ng Diyos ang Kanyang sariling bugtong na Anak, ang Mesiyas.  At ibinigay po Niya Siya sa atin kahit bago pa man natin Siya hiningi sa Kanya.  Ni hindi na nga po natin kinailangan pang hingin si Jesus sa Diyos.  Tayong tumatawad sa Kanya ay Kanya na nga pong pinatawad sa pamamagitan ni Jesus.
Karamihan po sa atin ay hindi nahihirapang maniwala na ang Diyos nga ay bukas-palad, mapagpatawad, at mabait.  Pero, batid po natin, may mga taong hirap na hirap pa ring tanggapin na ganito nga ang Diyos.  Kahit nga po tayo, minsan, inaakala pa rin nating mahirap Siyang kausapin; kaya kung anu-anong pinaggagawa natin sa pag-aakalang mas pakikinggan Niya tayo, mas patatawarin Niya tayo, mas pagbibigyan Niya tayo, mas mamahalin Niya tayo.  Pero nagkakamali po tayo dahil ang sabi ni Jesus, ang Diyos ay Tatay natin.
Nang turuan ni Jesus ang Kanyang mga alagad na manalangin, pinagdiinan po Niyang tawagin at ituring nila ang Diyos bilang Ama, na lapitan at kausapin Siya nang may pagtitiwalang tulad ng sa batang nakatitiyak na pagmamahal ng kanyang magulang.  At ito po ay hayagang ginawa ni Jesus sa gitna ng isang kultura at relihiyon na nagsasabing ang Diyos ay hindi lamang ibang-iba kundi malayung-malayo sa tao, na kalapastanganan ang banggitin man lamang ang pangalan ng Diyos, at hindi maaaring mamasdan ng tao ang Diyos at manatiling buhay.  Kaya nga po gustung-gusto ng mga Pariseo, eskriba, at matatanda ng bayan na patahimikin si Jesus.  Ang ilan pa nga sa kanila ay nagkuntsaba para iligpit Siya.  Ngunit, magpahanggang sa krus, sa tuwing tinatawag Niya ang Diyos sa pagitan ng Kanyang paghihingalo, bukambibig pa rin ni Jesus ang Abba, na sa atin pa po ay “Tatay”.  Ang unang huling wika po Niya ay “’tay, patawarin Mo po sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa”.  At ang huli naman ay “’tay, sa mga kamay Mo po inihahabilin Ko ang Aking kaluluwa.”
Ito po ang offer ni Abba sa atin: si Jesus, ang Mesiyas, ang sarili Niyang Anak.  At ito naman po ang offer sa atin ni Jesus: kapatawaran at kaganapan ng buhay.  Pilit pong tinatapatan ng mundo ang offer na iyan ng Diyos sa atin.  Ang offer po ng mundo sa atin: kayamanan, katanyagan, at kapangyarihan kahit sa anumang paraan.  Ano pong sagot ninyo sa offer ng mundo: Deal or no deal?  No deal?  Eh, bakit po kaya marami pa ring nagde-deal?



20 July 2013

BUSY FOR THE LORD?

Sixteenth Sunday in Ordinary Time
Lk 10:38-42 (Gn 18:1-10 / Ps 15 / Col 1:24-28)

Many religious traditions have stories about a god or gods, goddess or goddesses, often disguised as travelers, visiting people.  In Roman mythology, for example, there is the story of Jupiter, with his son, Mercury, visiting the earth.  Disguised as weary travelers, they knocked on the doors of many houses but none would welcome them in.  Eventually, they came to a small cottage, where an old couple by the name of Philemon and Baucis, lived.  Philemon and Baucis welcomed Jupiter and Mercury into their home, without any inkling that they were rendering hospitality to gods.  While Philemon filled a bowl with warm water so that the guests could wash, Baucis put on her apron and prepared a meal.

When the table was ready, Philemon and Baucis invited Jupiter and Mercury to table and the two gods partook of a meal that consisted of hot stew and a pitcher of wine.  To the utter amazement of the old couple, the pitcher did not run out of wine, for as the wine was drunk it renewed itself in the pitcher.  It was then that Philemon and Baucis realized that they were entertaining gods.  Immediately they beg Jupiter and Mercury for pardon because of their poor hospitality.  But the gods appreciated their kindness instead and invited them to make a wish.  Thereupon, Philemon and Baucis expressed their common prayer: “We have grown old together, spending many years in love.  That neither of us may live in grief, we wish to die together too.”  The story has it that Philemon and Baucis spent even more years together, growing really very old, until they died in peace at the same time.

This story is fiction.  As far as we, Christians, are concerned, Jupiter and Mercury are planets, not gods.  And for us, Filipinos, Jupiter is a street in Makati and Mercury is a drugstore.  For the God we worship is the only one God.  And we believe that, indeed, He does visit us.  Is it not a great regret, therefore, if we miss His visitation?

In the first reading today, we hear Abraham giving hospitality to three strangers.  The truth is in welcoming them, Abraham was welcoming the Lord Himself – the opening lines of the reading tell us this.  He did not wait for the three travelers to reach him at all; Abraham rushed to meet them, bowed to the ground, gave them water to wash their feet, and invited them to rest under a tree just outside his tent, while he attended to the menu.  When food was ready, Abraham himself waited on them.  Sarah, his wife, remained inside the tent, for in their culture women were not allowed to eat with men other than their husbands and sons.  But though confined inside their tent, Sarah nevertheless heard the good news: God would visit them again next year and she would conceive and bear a son.  Alas, their lifetime wish, their deepest prayer, their greatest desire was granted!  God rewarded the old couple for their hospitality.

In the whole of the Old Testament, we see God who involves Himself with people.  He allows Himself to be affected by His creatures and engages Himself with their struggles in life.  Utterly almighty and truly the Absolute Other, God nonetheless communicates and enters into a loving relationship with people.  He visited them in the Old Testament; so does He visit us in the New.

In Jesus Christ, His Son, we do not only see an imagery of God’s visitation.  Jesus, the Word of God made flesh, is the literal truth not only of God visiting us but also of God dwelling with us and becoming one like us in all things except sin.  The Apostle Paul declares this with tremendous conviction: the mystery of God, kept secret from ages and from generations past, is now revealed in Christ Jesus.  Jesus is the face of the living God.  To see Jesus is to see God.  To listen to Him is to listen to God.  To welcome Him is to welcome God Himself.

“To love another person is to see the face of God,” so says the famous line from the musicale, Les Miserables.  That is absolutely correct.  But before seeing the face of God in another person, we see God first in Jesus.  So we must fix our eyes on Jesus that we may love the other person because in him or her we see the face of God.

The Evangelist Luke, in the Gospel today, emphasizes the incomparable importance of Jesus.  In narrating to us Jesus’ visit to His women friends, St. Luke carefully tells us that Mary “sat beside the Lord at His feet” while Martha addressed Him as Lord.  The keen among us may sense right away that this visit was indeed a special visit.  Thus, Martha immediately engaged herself in preparing a meal for the Lord but Mary willfully submitted herself to listening to the same Lord.

Martha’s being busy in the kitchen brings back to mind Sarah’s confinement inside the tent, for no woman in their culture and time was allowed to be seen with a man other than her husband and son, much less, eat with him, listen to him, and learn from him.  Women in those days were not instructed in the Law by the rabbis precisely because they should not mingle with men in public and, most importantly, they could not become anyone’s disciple, much less, anyone’s teacher.  Mary, however, was the antithesis of Sarah.  She was at the feet of the Lord.  She was listening to Him.  She was his disciple.  And like any good Jewish woman, Martha must have seen more than her being left alone to do all the work of hospitality but also the taboo in Mary’s behavior.  Martha took the role of a host but Mary adopted the posture of a disciple of the Lord.

Perhaps, asking Jesus to tell her sister, Mary, to help her in the kitchen, was in fact Martha’s way of telling both Jesus and Mary that what they were doing was something prohibited.  They should disengage.  But Jesus engaged them both even more!  “Martha, Martha,” Jesus said, “you are anxious and worried about many things.  There is need of only one thing.  Mary has chosen the better part and it will not be taken from her.”

The word of Jesus and Jesus Himself who is THE Word is for all.  He comes to each and every open heart that wishes to welcome Him, to listen to Him, to learn from Him.  And no other details of hospitality are needed except that one is present for the Lord.  Are we present for Jesus?  Are we always present for Him?  Are we really present for the Lord?

Significantly, “present” is the other word for “gift”.  A gift is a present.  Presence is a gift.  Jesus is present to us.  In this Holy Mass, He Himself is the present, the gift.

Indeed, presence is the best gift we can give because we cannot take it back the moment we have given it.  Certainly, the Lord deserves such a gift from us.  He wants our presence.

While some people are too busy with their other priorities than the Lord, others are just too busy working for the Lord.  Let us be honest: How busy can we really be for the Lord that we neglect the Lord Himself?

13 July 2013

ABSURD!

Fifteenth Sunday in Ordinary Time
Lk 10:25-37 (Dt 30:10-14 / Ps 69 / Col 1:15-20)

Anxious to justify himself, a scholar of the law asked Jesus, “And who is my neighbor?” The man knew the law but his desire for self-justification made him blind to the truth.  We should know better than this pathetic guy.

“And who is my neighbor” is an absurd question.  It is a question that one never asks. Three reasons why:

First, as the Parable of the Good Samaritan clearly points out, everybody is a neighbor to us.  To ask the question “And who is my neighbor?” betrays prejudice against others as they are classified under the heading “Not Neighbors” while favoring others who are listed under the category “Neighbors”.

Second, as the Parable of the Good Samaritan vividly illustrates, the question “And who is my neighbor?” should instead be “And who am I a neighbor to?” because one does not become my neighbor rather I become a neighbor to him.  Thus, after narrating the parable, Jesus answered the lawyer’s question “And who is my neighbor?” with another question: “Which of these three, do you think, proved himself a neighbor to the robber’s victim?”

Third, as the Parable of the Good Samaritan apparently teaches, while everyone is already a neighbor to us, we become a neighbor to someone the moment we approach him and involve our selves with him.  We do not ask the question “And who is my neighbor?” because we discover that it is us who are neighbors to someone when we reach out to him and care for him.  Therefore, the lawyer’s question “And who is my neighbor?” is not something we ask about. It is something we do. It is not an issue we waste time debating over but a call we spend our lives for.

Let us become a neighbor to someone. And remember that someone is, in fact, everyone.

Do this and we shall live.  It is the law of correct functioning.  We were created in the image and likeness of God, who is love; we are therefore created in the image and likeness of love.  If we love, we find our fulfillment.  If we refuse to love, we destroy our selves.  If we love, we live.  If we do not love, we die.  Love is life while hatred and indifference is suicide.  It is as simple as that.

Most probably, the lawyer in the Gospel today was absent when this logic was taught in law school.

“And who is my neighbor?”  Absurd!

07 July 2013

NAKAHAHAWANG KAGALAKAN SA PAGMIMISYON

Ikalabing-apat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Lk 10:1-9 (Is 66:10-14 / Slm 65 / Gal 6:14-18)


Sinasalubong po tayo ng Salita ng Diyos sa napakasayang pagbati.  “Magalak ang lahat, magalak kayo dahil sa Jerusalem!” wika ni Propeta Isaias sa unang pagbasa natin ngayong araw na ito.  Ni hindi nga po ito bati kundi utos.  Inaatasan tayo ng Salita ng Diyos na magalak.  Pero may hinihingi palang katangian sa mga dapat magalak.  “…ang lahat sa inyo na may pagmamahal, wagas ang pagtingin,” wika ng Panginoon sa pamamagitan ng Propeta.  Ang dapat daw pong magalak ay yaong mga marunong magmahal at taus-puso kung makitungo.  Marunong po ba tayong magmahal?  Tayo po ba ay taus-puso’t hindi plastik kung makitungo?  Kung “oo” ang sagot natin sa dalawang tanong na ito, tayo po ang dapat magalak.  Kung pinaghaharian naman po tayo ng kalungkutan at pagkabalisa, baka po dahil hindi tayo talaga nagmamahal at hindi wagas ang ating pagtingin sa kapwa.  Baka lang naman po.

Bakit daw po tayo dapat magalak?  Kakamtin daw po kasi natin ang kasaganahan, uunlad daw po tayo nang walang katapusan, aaliwin daw po tayo ng Panginoon, at makikita raw po natin ang Panginoon na Siyang mismong magbibigay-kagalakan sa atin sa pamamagitan ng Kanyang mala-inang pag-aaruga.  Wow!  Dama n’yo po ba ang kasabikang maranasan ang lahat ng ito?

Ito po ang pangako ng Diyos sa Kanyang Bayang Israel.  Ito rin po ang pangako Niya sa atin na Kanyang bagong Israel.  Kung paanong sa Lumang Tipan ay pinalaya ng Diyos sa pagkakatapong-bihag ang Israel, gayun din po nama’y pinalalaya tayo ng Diyos sa ating mga pagkakabihag.  At ang malinaw na tanda na talaga nga po tayong malaya sa anumang pagkakaalipin ay nasa pagkatutoo ng ating pagmamahal at pagkawagas ng ating pag-uugali.  Sana po ay maging tunay na malaya tayo at manatili tayong malaya.  Magmahal.  Maging wagas.  Lumaya.  Magalak!

Pero ang kalayaan at kagalakan ay kakaiba sa pananaw ni San Pablo Apostol.  Para sa mga maka-mundo, napakahirap sakyan ang sinasbi ng Apostol sa ikalawang pagbasa natin ngayon.  “Mga kapatid,” wika niya sa kanyang sulat sa mga Taga-Galacia, “ang krus lamang ng ating Panginoong Jesukristo ang siya kong ipinagmamapuri.  Sapagkat sa pamamagitan ng Kanyang krus, ang sanlibuta’y patay na para sa akin at ako’y patay na para sa sanlibutan.  Sapat na ang mga pilat ko, para makilalang ako’y alipin ni Jesus.”  Krus, patay, mga pilat, alipin – paano po ito maipagmamapuri ninuman?  Parang hindi kalayaan ang ipinahihiwatig ng mga katagang ito.  Kakaiba ang mga batayan ng kagalakan ni San Pablo Apostol.

Kakaiba nga po at di-kaaya-aya ang kagalakang ipinagmamapuri ni San Pablo kung ihihiwalay natin ang mga katagang krus, patay, pilat, at alipin sa pangalan ni Jesus.  Hindi basta krus, kamatayan, sugat, at kaalipinan ang binabanggit ng Apostol.  Ang krus na ipinagmamapuri ni San Pablo ay ang krus ni Jesukristo at ang sugat, kamatayan, at kaalipinan na binabanggit niya ay yaon lamang mga dinaranas niya alang-alang sa Panginoon.  Kapag ang isang tao’y nagmamahal nang wagas, minamatamis niyang magdusa kaysa mawalay sa kanyang minamahal.  Para sa isang taong tunay na nagmamahal, anumang pasakit alang-alang sa minamahal ay hindi lamang kakayanin kundi sadyang yayakapin nang may kakaibang kagalakan at malalim na kapayapaan.  At mahal na mahal ni San Pablo Apostol ang Panginoong Jesukristo.

Tayo po, gaano nga po ba natin talaga kamahal si Jesus?  Ano po ang palagay natin sa mga pagsubok at paghihirap na kaakibat ng pag-ibig natin sa Kanya?  Tingnan nga po natin ang listahan natin ng mga ipinagmamalaki natin, mga ipinagmamapuri natin, mga ikinaliligaya natin.  Kabilang po ba sa listahan natin ang pakikibahagi sa paghihirap at kamatayan ni Jesus?  Hanggang saan, hanggang kailan, hanggang kanino, at hanggang paano po natin mapatutunayan ang pag-ibig natin kay Kristo?

Sa pamamagitan po ng Binyag at Kumpil, tinanggap natin ang Espiritu Santo at ang Kanyang mga kaloob.  Kung taimtim po nating pagsisikapan na dinggin, pakiramdman at tunay na hayaang kumilos sa atin ang Espiritu Santo, patuloy Niya tayong gagabayan at tutulungang maging bagong nilalang.  At ang pagiging bagong nilalang daw po ang tunay na mahalaga, sabi pa ni San Pablo Apostol sa ating ikalawang pagbasa ngayon.  Gaya rin ng sa buhay ni San Pablo, ang pagiging bagong nilalang ay nakikita sa pagbabago ng mga pinahahalagahan sa buhay.  Ang bagong nilalang ay namumuhay nang naaayon sa mga pagpapahalaga ni Jesus sapagkat ang bagong nilalang ay matalik nang nakaugnay ni Jesus.  Anupa’t sinabi rin po ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga Taga-Filipos (1:21), “…mihi enim vivere Christus est et mori lucrum” o, sa atin pa, “Sapagkat sa ganang akin ang mabuhay ay si Kristo at ang mamatay ay pakinabang.”  Samakatuwid, para po tayo maging mga bagong nilalang kay Kristo Jesus, para ang mabuhay nga sa ganang atin ay si Kristo, dapat muna tayong mamatay sa ating sarili.

Tulad ng binhing nahulog sa lupa at namatay, ang pagkamatay sa sarili tungo sa pagiging bagong nilalang kay Kristo ay namumunga nang masagana.  Kung hindi po ito dadanasin ng binhi, ang binhi ay maiiwang isang binhi lamang, sabi pa ng Panginoon sa Jn 12:24.

Sa pamantayan ng mundo, palabo nang palabo po yata ang kahulugan ng kagalakang isinasalubong sa atin ng Salita ng Diyos ngayong araw na ito.  Sa Pananampalatayang Kristiyano, matalik na magkakaugnay ang kagalakan at kalayaan sa kamatayan sa sarili at kaalipinan kay Kristo.  Kaya naman po, hindi lahat ng tao ay nakikinig at nananampalataya sa hatid nating Ebanghelyo.  Hindi lahat ay yumayakap kay Jesus kaya’t huwag na rin po nating asahang tatanggapin tayo ng lahat ng tao.  Sapat na sa atin ang maibalita natin si Jesus at ang paghahari Niya sa pamamagitan ng salita at, higit sa lahat, gawa.  Karangalang malaki na para sa atin ang maging mga alagad Niya.  At sa ating pagsisikap na sana’y makarinig ng Ebanghelyo ang lahat ng tao at mapabilang sa pinaghaharian ng Diyos, kagalakan na nga po nating di-malirip ang maging mga misyonero ng pag-ibig ni Kristo.

Isang teologong nagngangalang Emil Brunner ang nagsabing “Ang Iglesiya ay umiiral sa pamamagitan ng pagmimisyon kung paanong ang apoy ay lumiliyab sa pamamagitan ng pagsusunog” (“The Church exists by mission as fire exists through burning”).  Imposibleng ihiwalay ang apoy sa sunog, hindi po ba?  Gayon din naman po, imposibleng paghiwalayin ang Iglesiya at ang pagmimisyon.  Ang pagmimisyon ay hindi isang kaabalahang ginagawa ng Santa Iglesiya.  Ang pagmimisyon ay kung ano mismo ang Santa Iglesiya.  At tayong lahat na naririto ay bahagi ng Santa Iglesiyang ito.  Lahat tayong mga binyagan ay mga misyonero.  Anuman ang ating kani-kaniyang estado sa buhay, bokasyon na niyakap, at kaabalahan sa araw-araw, tupdin po nawa natin ang ating misyon na ipakilala nang may nakahahawang kagalakan ang pinipintig ng ating puso: si Jesus, tanging si Jesus, laging si Jesus.