28 June 2014

SI SAN PEDRO AT SAN PABLO – MGA HALIGI NG SANTA IGLESIYA

Dakilang Kapistahan nila San Pedro at San Pablo
Mt 16:13-19 (Gawa 12:1-11 / Slm 34 / 2 Tim 4:68, 17-18)


Ipinagdiriwang po natin ngayong araw na ito ang Dakilang Kapistahan nila San Pedro at San Pablo ang dalawang haligi ng Santa Iglesiya.  Subalit ang ikinukuwento po dalawang unang pagbasa natin sa Banal na Misang ito ay malayo sa pakiramdam ng pagdiriwang.  Sa halip, damang-dama po natin ang pag-uusig.

Sa unang pagbasa pa lang po, madugo na!  Pinapugutan ni Haring Herodes ng ulo si Santiago Apostol.  Si Santiago, isa po sa Labindalawang Apostol, ang siyang namumuno sa sambayanang Kristiyano sa Jerusalem, kaya naman po matinding kalungkutan at pagkasindak ang bumalot sa mga mananampalataya sa Jerusalem nang si Santiago ay papugutan ni Haring Herodes ng ulo.

Kasama ang kapatid niyang si Juan at si Simon Pedro, isa po si Santiago sa tatlong malalapit na alagad ni Jesus.  Sa mahahalagang sandali ng buhay ni Jesus, naroroon po silang tatlo.  Sa pagbabagong-anyo ni Jesus sa bundok ng Tabor, sa pagbuhay ni Jesus sa batang babae, at sa paghihinagpis ni Jesus sa hardin ng Gethsemane, halimbawa po, naroroon si Simon Pedro, Santiago, at Juan.  At hindi lang po nagkataong naroroon sila sapagkat, sa tuwing babanggitin ng mga Ebanghelyo ang mga pangyayaring ito, tila sinasadya talaga ni Jesus na silang tatlo lamang ang Kanyang makasama.  Kaya naman po, hindi rin nakapagtataka na ipinagkatiwala ni Jesus sa kanila ang ilang mahahalagang gampanin: si Juan ang nangalaga kay Mariang ina ni Jesus, si Santiago ang unang episkopos o tagapangalaga ng sambayanang Kristiyano sa Jerusalem, at si Simon Pedro naman po ang pinuno ng Labindalawang Apostol at itinuturing na kauna-unahang Santo Papa ng Santa Iglesiya.

Nang makita po ni Haring Herodes na ikinalugod ng mga hindi Kristiyano ang pagpapapugot niya ng ulo ni Santiago, naturalmente, si Simon Pedro ang sunod niyang pakay.  Kaya, ayon po sa unang pagbasa, ipinadakip na niya si Simon Pedro.  Subalit sa halip na patuloy na panghinaan ng loob ang mga mananampalataya, sumalok daw po sila ng lakas sa kanilang sama-samang pagdarasal.  At ayon po kay San Lukas, ang may-akda ng Aklat ng Mga Gawa ng Mga Apostol, dahil sa panalangin ng nagkakaisang mga mananampalataya, si Simon Pedro ay nakalaya mula sa bilanguan sa tulong ng isang anghel.  Sa pamamagitan ng mahimalang paglaya ni Simon Pedro, nasaksihan po ng sambayanang Kristiyano na higit na makapangyarihan ang Diyos kaysa sa sinumang Herodes.

Ngayon, “throwback” po tayo: mga dalawang taon bago dakpin at ibilanggo si Simon Pedro, may bumisita sa sambayanang Kristiyano sa Jerusalem.  Kilala bilang manguusig ng mga alagad ni Jesus, kaya’t gayun na lamang kung siya ay katakutan ng mga sinaunang Kristiyano: siya po ay si Saul na taga-Tarsus.  Subalit, nang minsang siya ay nasa daan ng Damascus para usugin ang mga tagasunod ni Jesus, si Saul ay nagkaroon ng pambihirang karanasan mula sa Diyos upang siya ay magbalik-loob, magbagong-buhay, at manalig kay Kristo Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas.  Binigyan siya ng Diyos ng bagong misyon – ang maging apostol para sa mga Hentil – at ng bagong pangalan din po: Pablo.  Subalit nang siya po ay nagpunta sa Jerusalem, para isalaysay ang kanyang karanasan at hinggin ang pagtanggap nina Simon Pedro at mga kasamang apostol, dalawang linggo lamang siya nakapanatili roon.  Ayon po kasi kay San Lukas sa Gawa 9:26, sinubukan ni Pablo na sumama sa mga alagad ngunit sila ay takot sa kanya; “hindi sila makapaniwalang tutoong alagad na rin siya.”

Gayon pa man, nagpatuloy pa rin si Pablo na ipangaral si Kristo, na siya naman pong ikinagalit ng mga Judyong nagsasalita ng wikang Griyego.  Dahil dito, pinagtangkaan din daw po ang buhay ni Pablo.  Maganda pong tandaan na ang mga Judyong ito na nagsasalita ng wikang Griyego ang siya ring bumato kay Esteban hanggang sa ito ay mamatay alang-alang sa pananampalataya kay Kristo, at si Pablo naman po – na noon nga ay Saul pa ang pangalan – ang pangunahing saksing sumang-ayon sa pagpaslang na ito sa kauna-unahang martir ng Kristiyanismo.  Aha, ang dating taga-usig ngayo’y siya nang inuusig!  Kaya upang iligtas siya, ngayong kapanalig na siya, ilang mga kasapi ng sinaunang sambayanang Kristiyano sa Jerusalem ang nagdala kay Pablo sa daungan ng Caesarea para maglayag pabalik sa Tarsus na kanyang pinagmulan.

Hindi po iyon ang huling pag-uusig na naranasan ng dating taga-usig.  Ilang beses ding dinakip at ibinilanggo si Pablo.  Natikman din niya ang sakit ng hagupit.  Subalit, higit pa sa kung anumang paghihirap, walang kasimpait para kay Pablo ang kanyang kamalayan na sa tanang buhay niya ay laging may bahid ng pagdududa sa pagtanggap sa kanya ng mga alagad ni Jesus.  Sa Gal 1:1-2, halimbawa po, sinulat po ni Pablo, “Mula kay Pablo…isang apostol hindi dahil sa kapangyarihan ng tao ni pagtatalaga ng sinuman kundi hinirang ni Jesukristo….”  Tila pakiramdam ni Pablo ay kailangan niyang laging patunayan na tunay siyang apostol at hindi espiya ng mga umuusig sa mga sinaunang Kristiyano.  Marahil, higit pa sa kahit ano, ito po ang krus niya sa buhay.

Si San Pedro at si San Pablo – kapwa may karupukan ngunit tinawag ng Diyos, kapwa may madilim na kahapon subalit hinirang ni Kristo upang maging Kanyang mga apostol.  Alam po nating lahat, tatlong beses na itinatwa ni Simon Pedro si Jesus at dati naman pong mang-uusig ng mga alagad ni Jesus itong si Pablo.  Sa kabila ng kanyang kahinaan at sa pamamagitan ng kanyang mga kamalian sa buhay, si Simon Pedro ay tinuruan ni Jesus ang kababaang-loob at tapat na pagtalima upang siya ay maging batong lakas at pinunog-lingkod ng Santa Iglesiya.  Si Pablo naman po na taga-usig ng mga Kristiyano ay binago rin ni Jesus at naging walang-kapagurang apostol na naghatid ng Ebanghelyo sa malalayong lupain: kung hindi po dahil sa kanya maaaring nanatili na lamang sa Jerusalem ang pananampalatayang Kristiyano at maging sa atin ay hindi nakarating.  Silang dalawa – si Simon Pedro at Pablo – mga taong nadapa ngunit nakabangon nang higit pa sa kanilang inakala dahil sa grasya ng Diyos at dahil sa pagiging bukas nila sa grasyang ito.  Si Simon Pedro ang hirang ni Jesus para pamunuan ang sambayanang Kristiyano at maglingkod bilang bukal ng pagkakaisa ng mga alagad; si Pablo naman po ang hirang ni Jesus para maging pinakadakilang misyonero ng Ebanghelyo sa mga Hentil.  Bakit po sila?  Hindi ko po alam.  “Basta, sila ang gusto Ko.  Sila ang napupusuan Ko,” isasagot sa atin ni Jesus kung Siya po ang tatanungin natin.  At nagbunga po ng maraming biyaya ang mahiwagang pagpiling ito ni Jesus sa marurupok na Pedro at Pablo sapagkat, sa kabila ng kanilang mga kahinaan at mga kasalanan, si Pedro at Pablo ay buong kababaang-loob na nanatiling mapagtalima kay Jesukristong pumili, humirang, at nagtalaga sa kanila.

Kapwa pong namatay bilang mga martir sa Roma, sa ilalim ng paghahari ni Emperador Nero, itong si Simon Pedro at Pablo.  Sa kahuli-hulihang pagbibigay-saksi nila kay Jesus, wala pong kaduda-dudang mahal na mahal nila si Jesus.  Kapwa silang may pag-ibig na, hindi lamang mapagtaya’t matapang, kundi walang rin pong pag-iimbot.

Sa Banal na Misang ito, nag-uumapaw ang ating pasasalamat at papuri sa Diyos dahil po sa kaloob Niya sa ating San Pedro at San Pablo at sa kahanga-hangang ginawa Niya sa buhay nang dalawang apostol na ito.  Pinalalakas din po ng ating ipinagdiriwang ang ating kalooban upang kailanma’y hindi tayo mawalan ng pag-asang tumugon sa tawag at paghirang ni Kristo sa kabila ng ating mga karupukan.  At hinahamon din po tayo na manatiling mababang-loob at mapagtalima sa ating Pastol upang malaya at mabisang makakilos ang grasya ng Diyos sa ating buhay hindi lamang alang-alang sa ating sariling kapakinabangan kundi, higit sa lahat, alang-alang din sa Kanyang Bayang mahal.

21 June 2014

PAALALA LANG PO!

Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo
Jn 6:51-58 (Dt 8:2-3, 14-16 / Slm 147 / 1 Cor 10:16-17)

Alam po ba ninyo, marami sa mga panalangin ng mga Judyo ay parang “Memory Plus Gold”?  Bakit?  Kasi po palagi nilang pinaaalalahanan ang Diyos.  Ipinaalala po nila sa Diyos ang mga pangako Niya sa kanila.  Nakakatawa po, hindi ba?  Parang trinatratong malilimutin ang Diyos.  Diyos po ba talaga ang kailangan ng paalala?

Pero sa tuwing binabanggit ng mga Judyo ang mga pangako ng Diyos sa kanila, sabay din naman pong ginugunita nila ang katapatan ng Diyos sa Kanyang salita.  Kaya naman po, sa gitna ng anumang pagsubok, nananatiling buhay ang pag-asa nila sa Diyos at tumitibay ang kanilang pananalig na hindi Niya sila pababayaan.  Kasi po, kumbaga, subok na nila ang katapatan ng Diyos.  Sa pamamagitan nga raw po mga pagsubok sa apatnapung taon nilang paglalakbay sa ilang, sabi ni Moises sa unang pagbasa natin ngayon, tinuruan sila ng Diyos na maging mapagkumbaba at maunawaan na “ang tao’y hindi lamang nabubuhay sa pagkain kundi sa salita rin naman ng Diyos.”  At dahil lagi nga pong tapat ang Diyos sa Kanyang mga pangako, inatasan sila ni Moises, “Huwag ninyong kalilimutan ang Panginoon.”

Iyan nga po ang problema ng tao noon at magpahanggang ngayon: kapag busog na nagkaka-amnesia.  May mga tao pong basta may masarap na pagkain nalilimutan na ang mga bawal sa kanilang kainin.  May mga nakalilimot din pong on diet pala sila.  Pero mas grabe po kapag ang nalimutan ay may mga tao pa palang hindi kumakain, hindi makakain, at hindi na pinakakain.  Masakit din po kapag may pagkain naman pero inubusan ka, ni hindi ka man lang naalalang ipagtabi.  Marami na pong nang-away dahil hindi tinirhan ng ulam.

Minsan sa isang pulong sa kumbento, nagreklamo ang isang staff: “Father, kulang po ang pagkain.”

“Bakit?” tanong ni Father.  “Hindi naman tayo nadagdagan ha.  Bakit kulang?”

“Kasi, Father,” singit ng kusinera, “hindi na po sila sabay-sabay kumain.”

“Ah,” sabi ni Father, “baka hindi pagkain ang kulang.  Baka ang kulang ay pag-alala sa kapwa, pagmamalasakit sa isa’t isa.”

Kapag nakalilimot, talaga pong nagkukulang.  Kapag hindi po maalalahanin, kahit pa sabay-sabay kumain, kulang na kulang pa rin.

Ang Banal na Eukaristiya ay sakramento ng pag-alala. Ito po ay gamot sa pagkalimot.  Bakit?

Una, agad po tayong itinutuon nito sa Diyos.  Ang tinapay at alak na ating hain sa Kanya ay sa Kanya rin po nagmula.  Maging handog natin sa Diyos ay kaloob po sa atin ng Diyos.  Sa Paghahanda ng mga Alay, ito po ang dinarasal: “Kapuri-puri Ka, Panginoong Diyos ng Sanilikha, sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay…mula sa lupa at bunga ng aming paggawa, ang tinapay na ito…mula sa ubas at bunga ng aming paggawa, ang alak na ito….”  Kagandahang-loob.  Kagandahang-loob po ng Diyos hindi lamang ang tayo ay nakapaghahandog sa Kanya, kundi maging ang mismong handog natin sa Kanya.  Kaya nga po ang ibig sabihin ng Eucharistiya ay “pasasalamat”.  At ang taong mapagpasalamat ay taong hindi lumilimot.  Paano po lilimot ang taong palaging nakatuon sa Diyos?

Ikalawa, ang tinapay at alak na handog po natin sa Diyos ay nagiging Katawan at Dugo ni Jesus sapagkat ginugunita natin si Jesus.  “Gawin ninyo ito sa pag-alala sa Akin,” habilin po ni Jesus sa Kanyang mga alagad noong Huling Hapunan.  Sa tuwing natitipon tayo at ginugunita natin si Jesus sa paghahati-hati ng tinapay, ang tinapay ay nagiging Katawan ni Jesus.  Sa tuwing natitipon tayo at inaalala si Kristo sa pagsasalo sa iisang kalis, ang alak ay nagiging Dugo ni Kristo.  Ang Banal na Eukaristiya ay ang buhay na alaala ng Panginoon (The Living Memory of the Lord).  Kapag hindi po tayo marunong gumunita, paano tayo magmi-Misa?  Kapag kinalimutan po natin si Jesus, limot na din po natin ang Banal na Eukaristiya.  Sabi pa nga po ni Jesus sa Ebanghelyo ngayon, “Tandaan ninyo: malibang kanin ninyo ang Laman ng Anak ng Tao at inumin ang Kanyang Dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay.”  Kita po ninyo, ang sabi ng Panginoon, “tandaan” daw po.  Kapag hindi natin tinandaan ‘yan, patay tayo sapagkat hindi raw po tayo magkakaroon ng buhay.

Ikatlo, ang tinapay na nagiging katawan ni Jesus at pinagsasaluhan natin sa Banal na Misa ay masasabi rin pong larawan ng ating pagiging iisang kawan ni Kristo.  Sabi po ni Apostol San Pablo sa ikalawang pagbasa ngayon, “...yayamang isa lamang ang tinapay, tayo’y iisang katawan bagamat marami, sapagkat nakikibahagi tayo sa iisang tinapay.”

Maaaring itanong po ng ilan sa inyo, “Eh, Father, bakit marami naman po ang mga ostiyang kinokonsagra sa Banal na Misa?  At bakit po ang para sa inyo malaki pero ang para sa amin maliit?  Kaya po marami ang ostiya sa Banal na Misa ay sapagkat pinaghati-hati na ang ostiya bago ito konsagrahin dahil, sa dami na po natin ngayon, aabutin tayo nang siyam-siyam bago tayo makapagpira-piraso nang sasapat sa ating lahat.  At wala pong ibang dahilan kung bakit malaki ang ostiya para sa pari kundi para makita ito ng lahat kapag itinaas na.  Gayun pa man, iisa pa rin po ang tinapay na pinagpira-piraso at pinagsasaluhan natin sa Banal na Misa, at, ayon kay San Pablo, ito nga po ay dapat na nagsisilbing larawan ng ating pagkakaisa.

Tanong ko lang po, tutoo bang pinagkakaisa tayo ng pagdiriwang at pagtanggap natin sa Banal na Eukaristiya?  Baka naman po ito pa ang pinagmumulan ng ating mga away.  Baka sa halip na pinabubuklod tayo ng pagdiriwang natin ng Banal na Misa ay pinagbubukud-bukod po tayo nito.  Baka sa halip na pagkakasundo ay pagtatalu-talo ang naghahari sa atin sa kabila ng ating pagiging Eucharistic People.  Baka lang naman po.  Ano po sa palagay ninyo?  Kumusta ba tayo bilang Bayang Eukaristiko?

Alam n’yo po ba kung bakit tayo nagbabatian ng kapayapaan bago tayo tumanggap ng Banal na Komunyon?  Sabi po ni San Juan Pablo II sa isinulat niyang Encyclical Letter na pinamagatang, Ecclesia de Eucharistia, “The celebration of the Eucharist…cannot be the starting point for communion; it presupposes that communion already exists, communion which it seeks to consolidate and bring to perfection.  The sacrament is an expression of this bond of communion…” (no. 35).  Samakatuwid, ipinapalagay na tayong mga nangungumunyon ay may pagkakaisa na bago pa tayo mangumunyon, at sa ating pangungumunyon, pinagtitibay at dinadala ng Banal na Eukaristiya sa kaganapan ang pagkakaisang ito.  Ang Banal na Eukaristiya ay isang pahiwatig ng buklod na ito ng pagkakaisa.

Kaya nga po Communion sapagkat may common union po ang lahat ng nangungumunyon: si Jesukristo sa Banal na Eukaristiya.  Kung paanong matalik na na-uugnay kay Jesus ang bawat-isang nangungumunyon, nabubuklod naman po sila sa isa’t isa sapagkat iisa ang kanilang tinatanggap: si Jesus sa Banal na Komunyon.  Si Jesus nga po ang Common Union nating lahat na nangungumunyon.  Kaya po, ang “amen” natin pagtanggap natin kay Jesus sa Banal na Komunyon ay “amen” natin hindi lang kay Jesus kundi pati rin sa bawat-isang tumatanggap sa Kanya.  Kung tinatanggap po natin si Jesus, dapat tanggapin din natin ang lahat ng nakabuklod sa Kanya sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya.

Ang Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo ay hindi po para kay Kristo.  Para po ito sa atin.  Hindi po natin ipinaaalala kay Jesus na may Katawan at Dugo pala Siya.  Hindi rin po natin ipinaaalala sa Kanya na pangako Niyang ang sinumang kumain ng Kanyang Laman at uminom ng Kanyang Dugo ay pagkakalooban Niya ng buhay na walang-hanggan.  Kahit kailan, hindi po nangangailangan ng paalala si Jesus.  Pero tayo po, madalas kailangan nating paalalahanan.

Kapag kinalimutan nating kumain, nalilipasan po tayo ng gutom at nagkaka-ulcer tayo. Kapag kain lang po tayo nang kain at kinalilimutan naman nating kumain nang masusustanyang pagkain, magkakasakit din po tayo at baka mas grabe pa.  Kapag kinalimutan po nating pakanin ang kapwa dahil nakakain na tayo at busug na busog pa, anong klase tayong alagad ni Kristo?  At kung ang Banal na Eukaristiya pa ang ginagawa nating dahilan ng ating pagkakawatak-watak at pagsisiraan, alagad po ba tayo talaga ni Jesus?

Tayo po ang pinaaalalahanan ng Dakilang Kapistahan ngayong araw na ito.  Ituon ang sarili sa Diyos at pasalamatan ang Kanyang kagandahang-loob.  Makiisa sa bayang natitipon sa paggunita kay Kristo upang maganap ang Eukaristiyang Banal.  At, kung paanong tinatanggap natin si Jesus sa Banal na Komunyon, tanggapin din po natin ang isa’t isa bilang kapwa, bilang kapatid, bilang kabuklod kay Kristo.

Ang mga Judyo mahilig magpaalala sa Diyos.  Pero kailanma’y hindi sila nalilimutan ng Diyos.  Tayo po kaya?  Baka hindi nga natin nalilimutan ang Diyos pero limot na natin ang isa’t isa.  Ah, kapag ganyan, hindi po iyan Eukaristiya.

17 June 2014

NOT THE BEST

On The 19th Anniversary of My Sacerdotal Ordination


Every priest goes through some kind of a crisis.  Perhaps the absence of crisis in a priest’s life should cause more alarm than the presence of it.  It is in going through a crisis that we see what stuff a priest is made of.  It is by going through a crisis that the priest is stuffed with what he becomes.  Some say that a crisis makes or breaks a person, but that depends on the person really.  For as the German theologian, Dietrich Bonhoeffer, said, “The hand of God is at times the hand of grace and at other times the hand of suffering, but it is always the hand of love.”  God’s hand is always the hand of Abba who lovingly disciplines us and affirms us each day.  Mysteriously, crises in the life of every disciple of Jesus – priest or lay – are God’s tenderly affirming us even as they are His firmly regulating us.  Small and big ones, I had my own share of priestly crises.  Nineteen years is quite a long period not to have even one or two.

More than a decade ago, I had my toughest crisis.  At the peak of my agony, leaving the priesthood was a temptation so easy to fall into.  I had many questions; I questioned many.  I had sleepless nights; my nights were wet with tears.  I almost gave in; but God did not give up on me.  I could have turned my back on my first love, the priesthood, if only to end my pain right away.  But the words of Archbishop Soc to me kept ringing in my heart more than in my ears: “Is that how shallow your love for the priesthood?”  And so, with a few but real good friends – some were elder brothers in the priesthood – I mustered all the courage and prayed for greater generosity to fight the real attraction of quitting.

I realized that while the priesthood understandably demands my faithfulness to God, it is, in fact and always, about God’s fidelity more than mine.  It is not about my conquering all my battles as it is my surrendering my self totally to the Father’s encompassing love.  I am a priest not because I deserve to be one but because God wants it so.  Period.

“Miserando atque eligendo” – this is Pope Francis’ episcopal motto.  “Lowly but chosen” – this is what the motto means.  Every priest knows this about himself and should never forget this truth.  And that is why I am proud of the nineteen years of my priesthood because it is not my achievement at all.  It is God’s accomplishment in me whom He has chosen despite my lowliness in many things.

One evening, at the height of my crisis eleven years ago, I was on my way home when I felt the urge for a coffee drink after gassing up the car.  I was not only alone then; I was severely lonely.  But I was craving not for anyone else’s presence, I realized, but my own.  I needed to find my self again, the “self” that, ironically, I seemed to have lost in what appeared to many as the “trappings” of the priesthood, or the “self” that, in truth, was the one that lost me.  I felt filled up but empty.  I felt fed up but still not wanting to let go.  It was then that I texted a good friend, Msgr. Clem Ignacio, who was also my first parish priest after my ordination.  I was his parochial vicar at the St. Anthony de Padua Parish and assistant director at the St. Anthony School, both in Singalong, Manila.

“Monsi,” I dared texted him, “how was I as your assistant parish priest and vice director in school?”

The reply, that came rather quick, was short, straightforward, and sincere: “Well, Bob, you were not the best, but you were certainly the most loved.”

I was shocked by the response I got.  At first, I was looking blankly at the text on the screen of my mobile phone.  Then I heard my self murmuring, “Grabe naman.  He could have said that I was not the best but, at least, one of the best.”  With a smile now I recall wanting to reply with, “Walang basagan ng trip!  But back then, I really didn’t know what I should feel even before how I should respond.

I was used to being counted among the best, if not the very cream of the crop – in school, in the seminary, in the parish I grew up serving as an altar boy and a young lector.  But in my first assignment after ordination, my best wasn’t good enough?  I wasn’t even counted one among the many other best.  I was really rather hurt by Msgr. Clem’s honest response.  Why?  Because, back then, I considered being the best was better than being the most loved. But it was truly on that same lonely evening that I found what I was missing: “Well, Bob,” Msgr. Clem said, “you were not the best, but you were certainly the most loved.”  And going through my memory of my first priestly assignment in Singalong, I saw that indeed I may not be the best but I was certainly the most loved.  Without him knowing it, Msgr. Clem taught me the very important lesson that it is not the best that counts most but it is love that counts best.  Then, I started to rediscover my self – my beloved self.

When it is time for me to go home to the Father’s house, and if you were to write me an epitaph, please let it be this: “Here lies a priest who was not the best, but was certainly the most loved.”

Being regarded as the best may be a reward for a work well done.  But being the most loved is a gift for a work not so well done, even before a work is done at all.  The best earns his title.  The most loved is blest beyond his expectation, beyond what he deserves.  And that is grace! Indeed, the best knows the psalm, but the most loved knows the Shepherd.

Thank you very, very, very, very much for loving me even when I am not at my best, even when I am not the best at all.  It is God’s mercy and your love, not my own efforts – no matter how sincere they are – that ultimately make me the “best”.  Maraming, maraming, maraming salamat po.

Please pray for me and for all priests that we may never forget how much we are loved, first by God, then by you – our families, our friends, our flock, our co-workers in the Lord’s vineyard.  Aware of how lavishly we are loved, may we never get tired loving you, never give up loving you, but even be ready to die for love of God and you.

I found this prayer and made it my own forever:

I beg to fall in love with Thee, my Lord
With every breath of life I take
I beg to fall in love with Thee, my Lord
Its every beat, I to Thee forsake

For even if my thoughts fall short of knowing Thee
And even if my will runs terrified
Thy passion thins the darkness of my soul
Sheds it light, breathes it life, stills the murmur of the night

For even if my heart falls short of loving Thee
And even if my spirit hides away
Thy love for me surpasses all my fear
All I do, all I am, all that I can ever be

Amen



13 June 2014

ANG DIYOS: SIMPLE PERO D' BEST!

Dakilang Kapistahan ng Banal na Isantatlo
Jn 3:16-18 (Ex 34:4-6, 8-9 / Dn 3 / 2 Cor 13:11-13)


Pista po ng Diyos ngayon.  Purihin natin ang Panginoon!

Kung ang mga santo ay may pista; siyempre naman po meron din ang Diyos.  Kung ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng ating kaligtasan ay may pista; siyempre may pista rin po ang mismong kahiwagaan ng Diyos.  Ngayon nga po ang pista ng mga pista!  Ngayon ang dakilang kapistahan ng Diyos mismo!  Ipinagdiriwang po natin ang kahiwagaan ng pagka-Siya ng Diyos: iisa ngunit tatlo sa pagka-Persona.

Kaya, look up po tayo sa Diyos at sabihin natin: “God, hindi po kami sad.  Lahat po kami happy!”  Bakit po tayo happy?  Happy po tayo kasi ang Diyos ay Diyos nga.  Sabihin po natin sa Diyos nang malakas: “D’best ka, Lord!  Ikaw na po!”  Pasalamatan po natin ang Diyos sa isang masigabong palakpakan!

Talaga naman pong d’ best si Lord, hindi ba?  D’ best Siya sa kapangyarihan.  D’ best Siya sa karunungan.  D’ best Siya sa kagandahan.  D’ best Siya sa kabaitan.  D’ best Siya sa kabanalan.  D’ best Siya sa lahat ng mabubuting bagay.  Pero ngayong araw na ito, isa pong d’ best na katangian ng Diyos ang itinatanghal sa atin ng mga pagbasa: d’ best Siyang magmahal!

D’ best pong magmahal ang Diyos kasi hindi Siya nagkubli sa atin!  Hindi Niya po tayo pinagtaguan.  Hindi po Niya ipinagkait sa atin ang biyayang makilala natin Siya.  At nagpakilala po Siya ng Kanyang sarili sa atin hindi dahil kailangan Niya tayo kundi kailangan natin Siya.  Wala po tayong maidaragdag sa pagka-Diyos ng Diyos, bagkus nalulubos ang ating pagkatao sa pagkakakilala natin sa Kanya.  Nang magpakilala ang Diyos sa atin, tayo po ang nakinabang, hindi Siya.

Sa Banal na Kasulatan, nagpakilala po ang Diyos bilang iisa ngunit tatlo sa pagkapersona.  Isiniwalat po Niya sa atin na sa Kanyang kaisahan ay may persona ng Ama, Anak, at Espiritu Santo.  Mistula Siyang pamayanang nagkakaisang kumikilos sa pagmamahal, hindi lamang para sa isa’t isa, kundi para sa iba, para sa sankatauhan at buong sanlibutan.  Bagamat mananatiling pong lampas sa ating kakayahang maunawaan ang hiwaga ng pagka-Isantatlo  ng Diyos, lubos tayong nagpapasalamat sa Kanya sapagkat kung hindi Siya nagpakilala sa atin ay ni hindi natin malalaman na may Diyos pala.

D’ best pong magmahal ang Diyos dahil hindi lamang Siya nagpakilala sa atin; nakipag-usap pa Siya sa atin!  Puwede naman pong nagpakilala na lang Siya sa atin sa pamamagitan ng mga tanda, pero minarapat pa po ng Diyos na makipag-usap sa atin.

Napakaganda po ng larawang ipinipinta sa atin ng unang pagbasa ngayong araw na ito: nag-uusap ang Diyos at, sa pamamagitan ni Moises, ang Kanyang Bayan.  “Akong Panginoon ay mapagmahal at maawain,” wika Niya.  “Hindi Ako madaling magalit; patuloy Kong ipinadarama ang Aking pag-ibig at Ako’y nananatiling tapat.”  Hinayaan din po ng Diyos na magsalita sa Kanya si Moises at ipahayag ang hiling ng Kanyang Bayan.  “Kung talagang kinalulugdan Ninyo ako,” wika ni Moises, “isinasamo kong samahan Ninyo kami kahit na matigas ang ulo ng lahing ito.  Patawarin na Ninyo kami at tanggapin bilang Inyong bayan.”  At makailang beses nga pong pinatawad ng Diyos ang Kanyang Bayan at tinupad Niya ang Kanyang pangako sa kanila.

Napakalaki na pong biyaya ang nagpakilala ang Diyos sa tao, anupa’t nakipag-usap pa Siya!  Napakalaking biyaya na po ang nakipag-usap ang Diyos sa tao, higit pang malaking biyaya ang tapat Siya sa salitang Kanyang binibitiwan.

D’ best po talagang magmahal ang Diyos.  Hindi lang po Siya nagpakilala sa atin.  Hindi lang po Niya tayo kinausap at pinakinggan.  Niregaluhan pa Niya tayo!.  At hindi po biro ang iniregalo Niya sa atin sapagkat ang Kanyang kaloob sa atin ay walang-iba kundi ang Kanyang kaisa-isang bugtong na Anak na si Jesus.  Wari baga’y binitiwan Niya ang kapit Niya sa sariling Anak at itinaya po Niya Siya para sa ating kaligtasan.  “Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan,” pahayag ni San Juan sa Ebanghelyo, “kaya ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang-hanggan.  Sapagkat sinugo ng Diyos ang Kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan Niya.”  Kayo po, anong taya ninyo para sa Diyos?

D’ best po talagang magmahal ang Diyos.  Nagpakilala po Siya sa atin.  Kinausap at pinakinggan po Niya tayo.  At ipinagkaloob po Niya sa atin si Jesus.  Sa ganito pong paraan, binahaginan Niya tayo ng sarili Niyang buhay: ang buhay na walang-hanggan.

Ano pa pong hahanapin natin sa Diyos?  Hindi lang sapat, nag-uumapaw pa po ang pagmamahal ng Diyos sa atin.  Minsan pa, sabihin po natin sa Kanya: “Ikaw na nga!  D’ best ka, Lord!”

Kaya naman po, pasalamatan natin ang Diyos.  Paano po?

Una, suklian po natin ang pagmamahal Niya sa atin.  Sana, d’ best din tayo pagdating sa Diyos.  Huwag po nating pairalin ang kaisipang “Puwede Na ‘Yan” pagdating sa Diyos.  Sabi nga po ni San Ignacio ng Loyola, “Ad majorem Dei gloriam”  Sa lahat po ng ating iisipin, sasabihin, at gagawin – ang buong-buhay natin samakatuwid – lagi po nating gawin layunin ang “for the greater glory of God”.  Kung kaya nating magsikap na d’ best sa marami at iba’t ibang bagay, bakit hindi po natin laging pagsikapang maging d’ best ding para kay Lord?  Suklian po natin ang pag-ibig ng Diyos sa atin.  At dapat, laging d’ best din!  D’ best po ba kayo pagdating sa Diyos?  D’ best po ba kayong magdasal?  D’ best po ba kayong magsakripisyo?  D’ best po ba kayong mamuhay bilang anak ng Diyos?  D’ best po ba kayong Kristiyano?  D’ best po ba kayong Katoliko?  D’ best po ba kayong parishioner ng parokyang ito?

Ikalawa, tularan po natin ang pag-ibig Diyos sa atin.  Kung paanong iniibig tayo ng Diyos gayundin naman ay ibigin po natin ang ating kapwa.  Kung isang paligsahan ang pagiging d’ best, dapat, ayon kay San Pablo sa Rom 12:10, mag-unahan daw po tayo at magpagalingan sa pagmamahal sa isa’t isa.  (Baling po sa katabi, ngitian, at sabihin sa kanya: “Ikaw na nga!  D’ best ka!  Mahal kita!”)  Ang pinaka-d’ best po sa atin ay hindi ang pinakamatagal lumuhod sa harap ng Santissimo Sakramento o ang pinakamahabang magdasal o ang pinakamalaking mag-abuloy.  Ang pinaka-d’ best po sa atin ay ang pinakamapagmahal.  At ang pinakamapagmahal po sa atin ang siyang tunay na pinakabanal, sapagkat ang kabanalan ay ang kaganapan ng pag-ibig.  Kaya, anuman pong mabuting gawa na ginagawa natin gawin po natin ito ng may pinaka-d’ best na pag-ibig. Himok nga po ni San Pablo Apostol sa ikalawang pagbasa natin ngayon, “Mga kapatid, sikapin ninyong maging ganap at sundin ninyo ang mga payo ko; magkaisa kayo, at mamuhay nang payapa.  Sa gayun, sasainyo ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan.  Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Kristo.”

Taun-taon ipinagdiriwang po natin ang Dakilang Kapistahan ng Banal na Isantatlo, at kadalasan din po ay napapako na lang tayo sa pagtatangkang ipaliwanag ang di-lubusang maipaliwanag na hiwagang ito ng Diyos.  Ang problema, sa kapapaliwanag sa banal na hiwagang ito, tila lalo pa po yatang lumalabo ito para sa maraming tao.  Kapag ito po ay magpatuloy, lilipas at lilipas ang taun-taon nating pagdiriwang ng dakilang kapistahang ito nang tila wala man lang itong malalim at pangmatagalang epekto sa buhay natin bilang indibidwal at bilang Bayan ng Diyos.

Sa 1 Jn 4:16 nasusulat, “Ang Diyos ay pag-ibig at ang umiibig ay sumasa-Diyos at ang Diyos ay sumasakanya.”  Simple lang po ang Diyos.  Siya ay pag-ibig.  At d’ best po Siyang magmahal.  (Hindi katulad natin: minsan, sa halip na magsikap na maging d’ best, nagpapakakumplikado po tayo. Iyong iba akala mo kung sinong sophisticated, pero wala naman palang laman ang mga pinagsasasabi.  Pati nga po status sa Facebook, merong ang status ay “It’s complicated.”  Baka ang ibig sabihin po noon, nasa mali silang relasyon, nasa bawal na pag-ibig.  Ipinagsisigawan pa sa buong mundo.)

Simple lang po ang Diyos pero d’ best Siya.  Sana, tayo rin po.


07 June 2014

PEACE, MISSION, BREATH

Solemnity of Pentecost
Jn 20:19-23 (Acts 2:1-11 / Ps 104 / 1 Cor 12:3-7, 12-13)

Wanting to explore the meaning of hell, the great philosopher, Jean Paul Sarte, wrote a play which he gave the subtitle, “No Exit”.  The play has only three characters.  The setting is only one: a room that has neither doors nor windows, only walls made of mirrors.

The three characters, sitting inside the room, face the wall.  Because the walls are mirrors, they see nothing beyond but themselves only.  They brood over their past – a “past” they cannot use to change their present.  They see no future as well, for they see nothing clear of the mirror-walls.  Now – a “now” that is regretfully marked by woundedness and failures – is all they can behold, is all they are allowed to see.  Indeed, a perpetual nightmare – that’s what they are having, for they have no tomorrow to wake up to.

After a long while, one of the three characters breaks the deafening silence.  “Let’s go!” he tells the other two.  Let’s go!  But where?  The room has no exit.  That, said Jean Paul Sarte, indeed is hell.

“On the evening of that first day of the week,” the Gospel today tells us, the disciples of Jesus were also locked up inside a room: the Upper Room, where four days earlier they gathered to celebrate the Passover meal that was to be their Last Supper with Jesus.  The Upper Room had doors and windows, but all the doors and windows were bolted.  The disciples themselves locked themselves up inside the Upper Room.  Why?  John, our evangelist for today and was one of those locked up inside the Upper Room that evening, disclosed (perhaps with much embarrassment) the reason for their self-imposed imprisonment: they were afraid of the Jews.  For if the Jews put Jesus, their Lord and Master, to death, what guarantee did the disciples have for their own safety?  Thus, locked up inside the Upper Room, the disciples were an assembly gathered in fear.

Despite the locked doors and windows, however, Jesus appeared and stood in their midst. Shalom was His first word to them.  Prisoners of their fear, Jesus gave them the key to their freedom: the Lord’s gift of peace.

The peace of the Lord is both the root and fruit of freedom.  Many of us think that we can have peace only when we are finally free.  But true freedom is achieved only with faith in the victory of Jesus, the kind of faith that clings to Jesus Himself and therefore yields the peace that the world cannot give nor take away.  Thus, even in the most trying moment, a person who has firm faith in Jesus can know peace.  It is this kind of peace that truly sets a person free.  With the Lord’s shalom, nothing can lock up a person away from genuine freedom.  Let us therefore, with the Lord’s gift of peace, open our hearts, for “The worst prison,” so said St. John Paul II, “would be a closed heart.”

“As the Father has sent Me, so I send you,” Jesus continued after giving His disciples His peace.  Mission.  Jesus gave His disciples peace and mission.  Having assured them of His abiding peace, Jesus sent His disciples on mission.  With His peace as the “key" to the locked Upper Room, Jesus sent forth His disciples to effect unto others the freedom they themselves had first received: “Whose sins you forgive are forgiven them, and whose sins you retain are retained.”

From a fearful assembly, Jesus transformed the disciples into a community of missionaries.  From individual believers, the disciples became a missionary Church.  Never again can the Church be church unless she is on mission.  And never again can a believer be a true disciple of Jesus without being a missionary of Jesus at the same time.

To be a missionary of Jesus is to highlight Jesus, not the self.  To be a missionary of Jesus is to think more of others and less of the self.  To be a missionary of Jesus is to be an active member of the Mystical Body of Christ, the Church, and not to be His isolated follower.  Thus, by sending His disciples to mission, Jesus further freed them from their being locked up in themselves, isolated not only from the rest of the world but even from their fellow disciples.  Doing mission is the “exit” from the Upper Room.

Finally, Jesus breathed on the disciples and said to them, “Receive the Holy Spirit.”  What a beautiful déjà vu!  In Gen 2:7, we read, “Then the Lord God formed man from the dust of the earth and breathed into his nostrils the breath of life, and the man became a living being.”  Jesus did not mimic the creation in Gen 2:27; He rather recreates humanity by His gift of the Holy Spirit.  With His breathing on His disciples, Jesus creates a new humanity – redeemed and empowered.  Thus, began the fulfilment of the psalmist’s prayer in Psalm 104, “Lord, send out Thy Spirit and renew the face of the earth.”  For through His disciples – from the first ones up to us in the modern times – Jesus renews humanity by our courageous witness to His life, death, and resurrection.

Ruah Yahweh, in Hebrew means “Breath of God”.  The Holy Spirit is the Ruah Yahweh, the very Breath of God and, therefore, the very Life of Jesus.  As Jesus breathed on His disciples, the life of Jesus cannot but be the life of His disciples.  Every disciple is like “another Jesus” to the world.  Not that the disciple should develop what we call “messianic complex” but that the disciple, with the aid of the Holy Spirit, must strive to conform himself or herself to Jesus and so radiate Jesus to the world.  This presupposes total surrendering of the self to Christ Who breathes on us, gives us the Holy Spirit, and fills us up with His very life, until like the Apostle Paul we may say without error, “I have been crucified with Christ and I no longer live, but Christ lives in me.  The life I now live in the body, I live by faith in the Son of God, who loved me and gave Himself for me” (Gal 2:20).

If peace is the key and mission is the exit to freedom from our locking ourselves up in our own “Upper Rooms”, the Holy Spirit is the Power that not only enables us to turn that key and to do the mission Christ entrusts us with but also to become like Jesus Himself.

There once was a student of a great sculptor.  So great was the sculptor that the student wanted so much to become like him, for anything the sculptor worked on would turn into an obra maestra.

One day, thinking that the secret of his master was in his tools, the young man borrowed the tools of his mentor.  Graciously, the great sculptor lent his student his tools.  The young man immediately worked on a piece of wood, using the tools of his master.  But he produced no obra maestra.

Sadly, the student returned his master’s tools, saying, “Thank you for lending me your tools, master.  But I cannot become even an inch like you.”

The great sculptor, with much love, looked at his student and said, “Young man, listen and understand.  The secret of becoming like the master is not in using the tools of the master but in having the spirit of the master.”