31 December 2013

FUNDED NOT EMPTY

Solemnity of Mary, The Mother of God
Lk 2:16-21 (Num 6:22-27 / Ps 67 / Gal 4:4-7)

At the beginning the Old Testament is a story about an empty womb.  Sarah, Abraham’s wife, was barren.  She was not only past the age of conceiving, she was also not supposed to conceive at all!  Thus, it is not surprising that hers was an empty womb.

But Sarah conceived!  She and her husband, Abraham, trusted God’s word.  God promised Abraham that his descendants would be as many as the stars in the heavens and the sands on the seashore.  Unbelievable, right?  But he and Sarah believed nonetheless.  Their faith in God formed their hope that they would be parents someday.

At the beginning of another year, are we empty or are we filled up?  Why are we empty?  What are we filled up with?

In the first Mass of every new year, the first reading is about God blessing His People.  From the Book of Numbers, we read the prayer of blessing that God Himself, through Moses, taught Aaron and his sons: “The Lord bless you and keep you!  The Lord let His face shine upon you, and be gracious to you!  The Lord look upon you kindly and give you peace!”  The lector does not only read the reading to us; God blesses us with the reading!

The year begins with God’s blessing.  With the New Year is a renewal of God’s blessing upon us, a blessing that shall see us through the entire year.  Bless God by thanking Him.  Thank God by using His blessing.

The beginning of a person may appear to be empty, but God’s goodness changes it, transforms it, fills it, and makes it overflowing with graces.  And though often, it is unbelievable, the impossible becomes possible.  “For,” as the angel said, “nothing is impossible to God.”

At the beginning of a new year is another story of an empty womb.  She wasn’t old, she wasn’t barren.  She was a virgin.  And we declare that she still is!  For she conceived not by the usual human act but by the power of God’s Spirit.  Thus, the child she bore was the Son of God.  Her womb was also supposed to be empty.  But her womb was also filled up with God.  “For nothing,” again, the angel told her, “is impossible to God.”  Her name was Mary.  Today, we venerate her divine motherhood as we worship God who, for our sake, transformed her virginity into maternity.

As the Christmas octave ends, our thoughts turn to the other celebrant of the season: Mary, the Mother of Jesus.  When Jesus was born, Mary became a mother.

A woman is born into motherhood when she gives birth.  As a baby is born so also is a mother born.  The birthday of the one who is delivered is likewise the birthday of the one who delivered.  On the day her child is born, a woman celebrates two birthdays: her child’s and her motherhood.  Thus, Mary’s motherhood was born as she gave birth to Jesus.  On Christmas Day, we worshipped the newborn King.  Today, we venerate His mother.

Mary’s motherhood is special because it is a divine motherhood.  Because Jesus is God, Mary is the mother of God.  Title “Mother of God” does not in any way mean that Jesus received His divinity from Mary, but that He who was born of Mary is both human and divine.  It was Mary who received divine motherhood from Jesus, not Jesus who received divine sonship from Mary.

Mary’s motherhood is special also because it is a prophetic motherhood.  Her motherhood is the fulfillment of the Old Testament prophecy: “the virgin shall be with child, and bear a son, and shall name him Immanuel” (Is 7:14).  Even in the Garden of Eden, God already had Mary in mind.  In Gen 3:15, God declared to the serpent, “…I will put enmity between you and the woman, and between your offspring and hers….”  And in the second reading today, the Apostle Paul reminds us, “When the fullness of time had come, God sent His Son, born of a woman….”  That woman is Mary.

Mary’s motherhood is also an ecclesial motherhood.  She is the mother of the Church, the Body of Christ.  Certainly, she who is the mother of the head is also the mother of the body.  Jesus Christ is Head of His Body, the Church.  Because we are the Church, the Body of Christ, Mary is our mother too.  She who became the mother of the Redeemer in Bethlehem eventually became the mother of the redeemed at Calvary.

We do not begin the year empty.  We are blest by God, we are given a mother, and, again in the second reading St. Paul tells us, we are given the Spirit of God’s Son.  We begin with God’s blessing, God’s mother, and God’s Spirit.  No one begins the year empty handed.  The truth is we all begin the year overflowing with grace.  No one begins life empty.  We all begin life funded by God.  The love of God funds us with a blessing, with a mother, and with the very Spirit of His Son, Jesus, by whom we become His sons and daughters and, hence, heirs of His kingdom.  May we not waste the love that God funds us with.

We never begin empty.  We are always graced.  Let us therefore be graces to all.  And where we find emptiness, let us fill it up with the grace we first received from God.  No one needs to go through an empty life.  No one should go through life empty.  Not only this year but throughout our life, let us share with others God’s blessing, God’s mother, and God’s Spirit.


28 December 2013

IUWI SI JESUS (Itakas kay Herodes!)

Kapistahan ng Banal na Mag-anak
Mt 2:13-15, 19-23 (Sir 3:2-6, 12-14 / Slm 127 / Col 3:12-21)

Ilang araw pa lang po ang nakaraan – ni wala pang isang linggo – nang ipagdiwang natin ang kapanganakan ni Jesus, ipinagdiriwang naman po natin ngayong araw na ito ang pamilya nila ni Jose at Maria.  Baka kasi po sobrang tutok natin sa ganda ng dekorasyon nating Belen at hindi na natin napapansin na may pamilya pala sa loob niyon.  Hindi po ang batong-panuluyan ang nagpapaganda sa belen kundi ang pamilyang nanuluyan doon.

Bakit po maganda ang pamilya ni Jesus, Maria, at Jose?

Maganda ang pamilya sa loob ng belen dahil naroroon po si Jesus.  Tingnan po ninyo, hindi naman talaga maganda ang sabsaban eh.  Lalo na kung doon ka manganganak o ipanganganak.  Marumi kaya roon.  Mabaho.  Hind lang po amoy dayami, amoy dumi pa ng mga hayop sa loob ng sabsaban.  Mga misis, ayos lang po ba sa inyong sa sabsaban kayo manganak?  Mga mister, papayag po ba kayong sa sabsaban lang manganak ang misis n’yo?  Meron po ba ritong gustong sa sabsaban siya ipanganak?  Katabi ng mga hayop?  Kaamoy ng mga hayop?  Karumi ng mga hayop?  Palagay ko naman po, wala.  Pangit ang sabsaban.  Hindi po nakatutuwang doon manganak.  Wala pong maganda sa ipanganak sa sabsaban.  Pero bakit kahali-halina para sa atin ang sabsaban sa Belen?  Bakit po sa halip na lumayo tayo ay lapit tayo nang lapit sa sabsaban sa Belen?  Kung pangit ang sabsaban, bakit po taun-taon ay ipinamamalamuti natin ito sa bahay natin, sa simbahan, sa opisina, sa paaralan, sa kalye, at maging saan-saan?  Kasi po naroroon si Jesus.  Si Jesus nga po ang nagpapaganda sa sabsaban sa Belen.  Siya po ang kabanguhan ng sabsaban.  Kapag wala si Jesus, pangit ang Belen.  Kapag wala si Jesus, mabaho ang sabsaban.

Ang pamilya po kaya natin – maganda?  Ang bahay po kaya natin – mabango?  Ang buhay po kaya natin – kahali-halina?  Kung hindi po, baka wala roon si Jesus.  Eh nasaan si Jesus?  Ah, malamang po, naiwan ninyo sa Belen.  Hindi n’yo po ba Siya isinamang pauwi sa bahay n’yo?  Hindi n’yo po Siya ipinasalubong sa pamilya ninyo?  Naku, papangit nga po ang buhay ninyo.  Babaho nga po ang bahay ninyo.  Huwag n’yo pong iwan si Jesus sa Belen.  Iuwi ninyo Siya.  Gusto n’ya pong manahan kasama ninyo at ng pamilya ninyo.

Sa susunod na taon po, paglagay ninyo ulit ng Belen sa bahay ninyo, huwag n’yo pong lagyan ng Jesus.  Kahit pagsapit ng mismong araw ng Pasko, huwag n’yong lalagyan ng Jesus.  Palagay ko po, wala ni isa sa inyo ang susunod sa mungkahi ko.  May Belen bang walang Jesus?  May Pasko bang walang Jesus?  O, eh bakit po may bahay na walang Jesus?  Bakit may buhay na walang Jesus?  Bakit may pamilyang walang Jesus?  Meron nga pong bahay na walang Jesus, buhay na walang Jesus, at pamilyang walang Jesus, pero, huwag po nating lilinlangin ang sarili natin o magtanga-tangahan kaya, alam po nating kulang ang bahay, buhay, at pamilyang yaon.  Si Jesus po ang kumukumpleto sa ating bahay, buhay, at pamilya.  Hanggang wala si Jesus, kulang tayo.

Ngunit sa ating panahon, na kung tawagin natin ay moderno, may mga Herodes pa ring nais pumatay kay Jesus.  Ayaw nilang makapasok si Jesus sa bahay natin, pero kung anu-anong malalaswa, mararahas, at mali-maling pagpapahalaga ang malayang ipinapasok nila sa bahay natin sa pamamagitan ng telebisyon, internet, at iba pang mass media.  Kadalasan pa nga, kundi tayo walang kamalay-malay, sang-ayon na sang-ayon naman po tayo.  Ayaw din nilang papasukin si Jesus sa mga paaralan.  Sa Amerika nga po bawal maglagay ng krusipihyo sa dingding ni magdasal sa loob ng silid-aralan.  Pero bakit po ibinabandera pa nila sa kanilang mga dolyares ang “In God we trust”?  May mga makabagong Herodes na pinipigilang makapasok si Jesus sa buhay natin sa pamamagitan ng mga artipisyal na pagkontrola sa pagbuo ng buhay, sa pamamagitan ng pagkitil sa buhay na nasa sinapupunan pa lang, sa pamamagitan ng pagtataguyod sa mga kasal na hindi talaga makabubuo ng bagong buhay dahil parehas ang kasarian ng ikinakasal, at sa pamamagitan ng diborsyo para makapag-asawang muli’t muli ang mga diborsyada’t diborsyado, at mapanlinlang nila tiong tinatawag na karapatang-pantao.  Marami pa rin pong mga Herodes na hadlang para makapasok si Jesus sa ating pamilya sapagkat sila po mismo ang promotor ng mga maling pagpapahalaga kaya nagkakawatak-watak ang ating pamilya.

Ano pong dapat nating gawin?

Itakas po natin si Jesus!  Opo, kasama ni Jose at Maria, itakas natin si Jesus.  Iuwi natin si Jesus sa bahay natin.  Kupkupin natin si Jesus sa buhay natin.  Palakihin po natin si Jesus sa pamilya natin.  Gaya po ni Jose, at katulong ni Maria, ilayo po natin si Jesus sa mga Herodes ng ating panahon.  Buhayin po natin si Jesus, ipagtanggol, at mahalin.  Huwag na huwag po tayong pumayag na mamatay si Jesus sa kamay ng mga makabagong Herodes.  Baka naman po nakatakas nga si Jesus sa pangil ni Haring Herodes para lang ipakain natin Siya sa mga makabagong Herodes.  Huwag naman po!

Ilang araw pa lang po nang ipagdiwang natin ang pagsilang ni Jesus, pero agad-agad itinutuon ang ating pansin sa pamilya Kanyang kinasilangan.  Baka kasi po umistambay na lang tayo sa Belen at hindi na umuwi.  At baka rin po malimutan nating iuwi si Jesus.  Iuwi n’yo po Siya ha.  Hindi lang Siya para sa inyo; para po Siya sa pamilya ninyo.  Gustong-gusto N’ya pong gumanda ang pamilya n’yo.

24 December 2013

GOD’S ONE-WORD TELEGRAM

Solemnity of the Lord’s Birth
Jn 1:1-18 (Is 52:7-10 / Slm 97 / Heb 1:1-6)


We know the Christmas story.  Generations to generations, we recall the astonishing entrance that God made into our broken world, and we are moved by God’s capacity to surprise us with love.  Something new had happened; something original and fresh had been made manifest; nothing would ever be quite the same again.  God chose to break the silence of ages.  He gave Himself away in a Word. The most important Word that God has ever spoken took flesh in the womb of a young maiden, and was born as a fragile bundle of joy and new life.

The unfathomable mystery of God was suddenly concentrated in a child.  God chose to visit His people – no longer through the dreams and words of the prophets, but in human flesh.  God, who once lived only in the highest heavens, decided to have another address: He pitched His tent among us!

The Christmas story is the same each year, but we change.  Our world evolves and our memories grow.  Our faith is challenged, our hope is tested, and our love is called on in new ways.  But no matter what changes we undergo and what losses we mourn or gains we celebrate, the Christmas story speaks to us again and again of a new birth.

And the Christmas story tells us of the possibility of our own rebirth!  It convinces us that things can be different; it gives substance to our hope that new life is possible because of the birth of the Son of God.

Things can be different and our hope can have substance if we welcome Jesus in our hearts.  Instead of saying, “There is no more room in the inn”, let us tell Jesus, “There may be no more room in the inn, but come, I will fix and clean the inn and make room for Thee, dear Jesus.”  Instead of driving Him away from our “inn”, let us give Him the whole “inn”.  Instead of merely welcoming Him, let us throw our selves like little children into His loving embrace.  Christmas is not us giving gifts to Jesus; it is, first of all, Jesus giving Himself to us.  Things can be different and our hope can have substance if we only truly receive such a priceless and unconditional Gift.

The birth of every child is a small protest against the tired view that there is nothing new under the sun, that we are condemned to a future that only repeats the stupidities of the past.  And the birth of Jesus is God’s protest against letting things be, abandoning people to their own devices, leaving people to fall back on the poverty of their own resources.  Jesus is the help of God among us.  His name means “God saves”.  He is Emmanuel, “God with us”.  Jesus is the one Word on God’s telegram of hope.

Beyond the nostalgia that Christmas often brings, beyond the lovely sight of the crèche, beyond the humble birth of Mary’s Child is a cry of protest from heaven. The baby cry heard from that manger in Bethlehem is God’s cry. It is a cry of the Almighty that breaks the heart of every man and woman. God comes to us as a helpless infant to share in our humanity so that we may come to share in His divinity.

St. Augustine said it so well: “Since God became human, we can be sure that in everything human we can find something of the divine.”  Holding on to this truth gives us the reason to hope in the midst of evil, to believe in the goodwill even of the enemy, to trust that someday things will be better, to be healed from the mistakes and hurts of the past, to love even when it aches, to serve even when misunderstood, to persevere even when ridiculed, to be grateful even to the ungrateful, to reach out even to the unwilling, to forgive even the unforgivable, to be the best we can be even with the worst we have been, to be another Jesus.

May the beautiful Christmas carols and the noise of merry-making not drown the silent cry from above.  God protests.  Heaven opens.  Jesus is born.  God makes all things new.  The world is renewed.  History is changed.  Humanity is unimaginably exalted.  You and I will never be the same again.  “Every time I hear a new born baby cry or touch a leaf or see the sky, then I know why I believe.”

I believe because God believes in me.  He believes in me so much so that He entrusted His only Son to me as a helpless, feeble Baby.  He believes in me even when I refuse to believe in Him.  He believes in me even when don’t believe in others. He believes in me even when I find it so difficult to believe in my self.  God simply believes in me.  And because God believes in me, I unlearn disbelieving in Him, in others, and in my self as well.

Hope is the message of Christmas.  Protest is the cry of Christmas.  Belief is the challenge of Christmas.  May we have that hope.  May we hear that protest.  May we believe.

We are worth Christmas.  God says so!  We are worth Jesus, the Son of God and Mary.  God says so!  We are worth loving more than we know.  God says so!  A one-word telegram God sens us today.  It reads "Jesus".  And it does say everything we all need to know.

23 December 2013

MERON AKONG TULA: ANG KUWENTO KO

Ikasiyam na Misa de Gallo
Lk 1:67-79 (Sam 7:1-5, 8-12, 14, 16 at Slm 88)

Magandang morning po sa inyong lahat!  Ayan na!  Heto na!  Ito na nga po ang ikasiyam na Misa de Gallo ngayong taong ito.  Ang lahat ng mga nakakumpleto, binabati ko po kayo ng isang masigabong congratulations!  Sa sa inyo pong lahat na nagparanas sa akin ng pitong Kapaskuhan dito sa Manuguit, maraming, maraming salamat po.  Pero, teka lang po, hindi pa ito ang mismong araw na pinakahihintay natin ha.  Bukas pa po!  Pero magsisimula na ang napakasaya’t napakabanal na panahon ng Kapaskuhan mamayang gabi sa pagdiriwang natin ng Christmas Eve Mass.  Baka naman po, nakumpleto nga ninyo ang Misa de Gallo pero makalimutan ninyong magsimba sa mismong birthday ng Itinakda.  Huwag naman po sana.

Saan na nga po ba tayo sa kuwento ko?  Ah, nandito pa po tayo sa bahay nila Zekarias at Zabeth.  Katutuli lang ni Yohanan, ang mahiwagang anak nila.  Salamat sa Diyos, nabuksan nang muli ang lalamunan at mga tainga ni Zekarias.  At umawit pa!

Alam ninyo, nagduda man noong una itong si Zekarias tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos, hindi naman po siya masamang tao.  Napakamaka-Diyos nga po nila ni Zabeth eh.  Sadyang hindi lang po siya talaga makapaniwala noong una niyang marinig ang ipinasabi sa kanya ng Diyos sa pamamagitan ng anghel.  Hay, naku, ganyan po talaga ang Diyos, hindi ba?  Mahilig manggulat.  Ang mga grasya Niya ay bumubulaga sa atin.  Kaya dapat pagsikapan nating laging mulat sa mga pagkilos ng Diyos sa buhay natin ha.

Tara, magpaalam na po tayo kina Zekarias at Zabeth.  Hindi ko na po ipaliliwanag pa ang kinanta ni Zekarias ha.  Ipinaliliwanag ba ang kanta?  Hindi.  Inaawit ang kanta.  Isinasabuhay din, kaya nga po may mga kantang tinatawag na theme songs.  Kayo po, ano ang theme song ng buhay n’yo?

Pabalik na po tayo ni Marya sa Nazareth.  Excited ba kayo?  Malapit nang isilang ang Itinakda.  Pero tiyak ko po, mag-uusap muna nang masinsinan itong si Marya at si Jose.  Huwag po kayong mag-alala, mauuwi sa mabuti ang lahat.  “God works for good for those who love Him,” sabi ni Ka Pablo sa Rom 8:28.  Hindi pinababayaan ng Diyos ang mga tapat sa Kanya.  At wala naman pong kaduda-duda, tapat na tapat sa Diyos itong si Jose at Marya.  Tayo po, tapat ba tayo sa Diyos?  Sana, katulad po ni Jose at Marya, walang katapat ang Diyos sa buhay n’yo.

Wala po akong balak tapatan si Zekarias ha, kaya hindi na po ako kakanta.  Tutula na lang.  Opo, itutula ko ang kuwento ko sa inyo ngayong umagang ito.

Mga minamahal kong madlang Faithful ni Kristo,
binabati ko po kayo nang tagos sa buto
‘pagkat inyo nga pong tunay na nakumpleto
ang siyam na araw ng pagmi-Misa de Gallo.

Kung wala ang Poon, hindi natin kakayanin
ang siyam na umagang pagpupuyat natin.
Kaya naman po mahal na Poong butihin
Sa masigabong palakpakan ay pasalamatan natin.

Nitong walong araw na mabilis na nagdaan,
akin pong ikinuwento sa inyo ngang tanan,
batay sa ‘king alam at abang kakayahan,
ang tungkol sa Itinakdang isinilang para sa tanan.

Lahat ng paraan akin pong sinubukan:
nangusap, kumanta, at nakipagbiruan
para lamang ako ay huwag ninyong tutulugan
at iwang mag-isang sarili ang kakuwentuhan.

Ngayong ikasiyam sa ating huntahan,
paglalahad ko po’y sa makatang paraan.
Pagpasensyahan n’yo sana ang aking nakayanan:
parangal sa Itinakda at Inang matimtiman.

Noong unang araw, si Juan Bautista ang salaysay.
Siya raw po ay ilaw na maningas na tunay.
Nangaral at nagbinyag na ang nag-iisang pakay
tuwirin ang daraanan ng Itinakdang mabubuhay.

Nang kinabukasan, ang kuwento ko po naman
Ay tungkol sa mga babaeng  mula sa tala-angkan
ng Itinakdang gagapi sa lahat ng kasalanan
ngunit minarapat mapabilang sa angkang may kahinaan.

Ikatlong araw ng huntahan, atin pong pinag-usapan
ang magiging ama-amain ng Itinakdang isilang.
Jose ang pangalan, karpintero pong tinuran,
matuwid at tahimik na kay Marya ay katipan.

Ikaapat na kuwentuhan, si Zekarias po ang tauhan,
asawa ni Elisabeth na baog at may katandaan
subalit pinagdalantao ng Diyos na makapangyarihan.
Silang dalawa nga po mga magulang ni Yohanan.

Ikalimang araw naman po nang itinanghal si Marya,
huwaran ng kapakumbabaan, pananalig, at pagtalima.
Siya po ang babaeng pinag-umapaw ng Diyos sa grasya
upang sa Itinakada ay maging marapat na ina.

Noong ika-anim na araw, tayo po ay naglakbay,
sinamahan si Marya upang sa pinsan ay dumamay.
‘pagkat baog man at matanda tunay pa ring nanganay
itong misis ni Zekarias na Zabeth nga ang palayaw

Ika-apat na Linggo ng Adbiyento ang ikapitong araw ng aking kuwento.
Dapat daw nating muling tingnan si Jose, ang sabi ng liturhiya po.
Tulog pa rin po sa sobrang pag-iisip at pagtatrabaho
ngunit napaliwanagan din ng Diyos itong si Joseng karpintero.

Sa ikawalong araw ng ating kuwentuhan
Ang paksa po ay tungkol sa masayang kapanganakan
at kung bakit nga po ang ibinigay na pangalan
sa anak ni Zakarias at Zabeth ay Yohanan o Juan.

Ang araw pong ito ang ikasiyam na kabanata
sa kuwento ko sa inyo na tutoong mahiwaga.
Pagsilang ng lubhang makapangyarihang Itinakda
ay di na magtatagal at bukas na bukas na nga.

Ang dating pipi ay bigla pong nagkapagsalita,
yayamang natupad na ang ipinasabi sa kanya.
Si Zakarias, ama ni Yohan, nakalagan nga po ang dila,
at, nagpupuri sa Diyos, umawit siyang karakaraka.

May dalawa pong bahagi ang matimyas n’yang kanta:
ang una ay paglingon, pagtanaw naman ang ikalawa.
Inawit ni Zekarias ang mga dati nang ginawa
at mga gagawin pa ng Diyos na tapat sa mga pangako Niya.

Dalawa man ang bahagi, iisa lang po ang pakay
ng mapagpalang pagkilos ng mabathalang kamay
sa buong kasaysayan ng bayan Niyang tinawag, pinalaya, at inakay
para maging lahing kabibilangan ng Itinakdang magtatagumpay.

Katapatan sa pangako – ito ang buod ng aking kuwento
Na pinagsikapan ko pong isalaysay araw-araw sa inyo.
Katapatan sa pangako – ito ang aral na tutoo
Na hatid sa atin ng Itinakdang naparito.

Ang Diyos ay tapat sa Kanyang salita.
Pangakong binibitiwan tinutupad N’ya pong talaga.
Gaano man katagal at kamasalimuot ng mga kabanata,
Katapatan ng Diyos ay mananaig na dakila.

Yayamang laging tapat ang Diyos na mahiwaga,
tunay na dapat sa Kanya lagi tayong manalig at umasa.
At kapag bahagi natin ay tunay po nating ginagawa,
ang Dakilang Itinakda sa tuwina’y ating kasama.

Sa gitna ng kadilimang pasakit ng kasalanan,
nagbubukang-liwayway sa buong sankatauhan
ang matinding pag-ibig sa atin ngang tanan
ng Diyos na tapat at tunay na maaasahan.

Ang Bukang-liwayway ay ang Makapangyarihang Itinakda,
Siyang Evangelii Gaudium, ika ni Francisco na Papa.
Jesus ang ngalan, kagalakan ng Mabuting Balita
at Mabuting Balitang kagalakan ang sa lahat ay dala.

Salitang katuparan ng Diyos na Ama,
sa lubhang katapatan ay nagkatawang-tao na nga.
Kagalakan ng pag-ibig na higit po sa ‘ting inaakala:
sa kabila ng mga sala, biyaya pa rin ating napala.

Bagamat ang Itinakda ay isinilang sa sabsaban
Ang puso naman natin ang nais Niyang maging tahanan.
Ito po lagi ang regalong sabik Niyang inaabangan
mula sa ating lahat na Kanyang pinag-alayan.

Siya po ay nakibahagi sa ating pagkatao
Upang sa Kanyang pagka-Diyos makabahagi tayong tutoo.
Sa ating kaibuturan nananahan ang Kanyang Espiritu
upang tayo rin naman ay maging kagalakan ng mundo.

Ito po ang aking kuwento na kuwento rin ninyo.
Kuwento ito ng Diyos at atin rin pong kuwento.
Patuloy nating ikuwento sa lahat ng mga tao
sa pamamagitan ng salita at pamumuhay natin po.

Hindi pa po tapos ang aking pagkukuwento.
Sana po kayo ay magbalik kahit tapos na ang Misa de Gallo.
Ang aking salaysay ay di lamang tungkol sa Pasko;
kaya’t aasahan ko po kayo sa Misa ko linggu-lingo.

Sa iisang Diyos na may tatlong pagka-persona,
at ang sa aking kuwento ang tunay na may-akda,
ang lahat ng papuri, pasasalamat, at pagsamba
noon at ngayon at magpasawalang-hanggan.  Siya nawa.