MATAPANG AT MAPANGAHAS NA PANANAMPALATAYA
Ikadalawampu’t Pitong Linggo sa Karaniwang Panahon
Lk 17:5-10
Si Elie Wiesel ay isang Judyong naghirap noong musmos pa siya, sa loob ng concentration camp sa Auschwitz, ang lugar ng isa sa mga malagim na kabanata sa kasaysayan ng tao dahil hindi mabilang ang dami ng mga Judyo – matanda, bata, babae, lalaki – na namatay kundi man dahil sa sapilitang mabigat na pagtatrabaho ay sa gas chamber naman. Nang bumagsak ang rehimen ni Adolf Hitler at mapalaya ang libu-libong mga Judyong nakakulong sa concentration camps, isa si Elie Wiesel sa mga natirang buhay pa at nakalaya. Umabot pa si Elie Wiesel sa matandang edad at naging isa sa mga bantog na manunulat mula sa panahong yaon.
Minsan noong taong 1965, habang sumasamba si Elie Wiesel sa isang sinagoga sa Russia, hindi niya maalis ang tingin sa matandang rabi na tila sinasapian ng kung ano habang nagdarasal. Inaabangan ni Elie Wiesel kung kailan mangangatog ang katawan ng rabi, babagsak ang kamay sa pulpito sa harapan nito, at isisigaw ang kanyang nararamdaman. Sa sarili niya, kinakausap ni Elie Wiesel ang rabi nang ganito:
Kumilos ka, magsalita ka, palayain mo ang iyong sarili ngayong
gabing ito at maisusulat ka sa alamat ng ating lahi; hayaan mong
sumambulat ang marahas na katotohanang nakabaon sa iyo sa loob
ng mahabang panahon; magsalita ka, sabihin mo kung ano ang
nagpapahirap sa iyo – isang iyak, kahit isa lang, ay sapat na para
gumuho ang mga pader na kumukulong at pumipigil sa iyo.
Nakikiusap sa kanya ang aking mga mata, inuudyukan siya.
Ngunit walang nangyari. Huli na ang lahat para sa kanya. Sobra na
ang kanyang paghihirap, napakarami ng kanyang tiniis sa napakahabang
panahon. Ni hindi na niya kayang makita ang sarili na malaya.
Wala ngang nangyari. Ang gusto sanang mangyari ni Elie Wiesel ay ipagsigawan ng matandang rabi na yaon ang kanyang pahihirap, na bigyang ngalan niya ang pighati na puwedeng likhain ng pagiging tapat sa Diyos. May kakayahan ang paghihirap ng katawan na patayin ang tapang ng diwa ng tao. Ngunit, kaya rin nitong gawing mapangahas ang naghihirap upang akusahan ang Diyos para sa kanyang mga tiniis o tinitiis pa. At ang Judaismo, na ayon kay Papa Juan Pablo II ay “nakatatandang kapatid natin sa pananampalatya”, ay nagbibigay sa atin ng isang tradisyon ng katapangan, kundi man kapangahasan, sa pakikitungo sa Diyos. Yaon ay ang katapangan ng pananamapalatayang nangangahas makipagsigawan sa Diyos.

Naririnig ba ninyo? Isa na namang Judyo ang naninigaw sa Diyos, isang propeta: si Habbakuk. Anim na raang taon bago isinilang si Jesus, sinigawan ni Habbakuk ang Diyos. “Hanggang kailan? Magsalita ka, hanggang kailan? Hanggang kailan mo hindi papansinin ang panaghoy ng Iyong bayang nagdurusa?” sigaw ni Habbakuk sa Diyos. Bintang pa niya na pinanonood lang ng Diyos ang paglago ng paniniil at karahasan. Samantalang sakal na sakal na sa paniniil ang mga tao, wala pa ring kibo ang Diyos. Hindi lamang niya sinisigawan, inaaway ni Habbakuk ang Diyos!
Ngunit ang sigaw ng Propeta ay hindi iyak ng kawalang-pag-asa kundi isang panaghoy na nakaugat sa kanyang pananampalataya sa Diyos. Una sa lahat, kailangang nananamapalataya siyang may Diyos para awayin niya Ito. Ikalawa, kundi siya naniniwala na may magagawa ang Diyos sa talamak na kasamaan sa mundo, hindi na niya sana ito sinigawan pa. Nagagalit si Habbakuk dahil nananalig siya. At napatunayang tama ang kanyang pananampalataya sapagkat kumilos ang Diyos sa tamang panahon alang-alang sa Kanyang Bayan.
Gayundin naman ang pinamalas na mala-propetikong katapangan ni San Pablo Apostol, maging sinuman ang kanyang kaharap. Sa ating ikalawang pagbasa ngayong araw na ito, hinihimok ni San Pablo si Timoteo na maging hindi lamang tagapangalaga ng pananamapalatayang tinanggap niya kundi maging isang lingkod din ng katapangan. Maging matapang kang tagapangalaga – ito ang bilin ni San Pablo kay Timoteo. Pinaaalala ni San Pablo kay Timoteo na ang paglilingkod sa ngalan ng Diyos ay hindi nagmumula sa diwa ng kahinaang-loob kundi sa Espiritu ng kapangyarihan at pag-ibig. At bilang isang bilanggo rin, hinihiling ni San Pablo kay Timoteo na pagtiisan ang mga paghihirap na sanhi ng katapatan nito sa Ebanghelyo. Tulad ni Propeta Habbakuk, ang katapangan ng diwa ni San Pablo Apostol ay nakaugat sa kanyang pananampalataya sa Diyos, at ang diwang ito ay hindi napatatahimik ng paghihirap.
Kasama at kasabay ng mga apostol sa ebanghelyo ngayong Linggong ito, at sa liwanag ng dalawang naunang pagbasa natin, iisa ang ating hinihiling sa Jesus: Panginoon, dagdagan po Ninyo ang aming pananamapalataya. At iisa rin ang sagot ni Jesus sa mga apostol noon at sa atin ngayon: “Kung ang inyong pananampalataya ay sinliit man lamang ng binhi ng mustasa, masasabi ninyo sa punong ito, ‘Mabunot ka at matanim sa karagatan,’ at matutupad iyon.” Ibig sabihin, sapat na ang kahit maliit man lamang na pananampalataya upang may magawa si Jesus sa atin at sa pamamagitan natin. Ngunit ang walang kahit maliit na pananampalataya man lamang ay talaga namang walang kapaga-pag-asa. Ang maliit na panananampalataya lamang ang maaaring lumago, at tanging ang pananamapalatayang nakaugat sa Diyos ang may kakayahang maging mabuting kapangahasan at matapang na kabutihan.
Meron ba tayo nito? Kung wala, ano ang dadagdagan ni Kristo? Kapag gayun nga, mas kaawa-awa tayo kaysa mga Judyo sa concentration camps noon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home