Ikadalawampu’t Dalawang Linggo sa Karaniwang
Panahon
Lk 14:1, 7-14 (Sir
3:17-18, 20, 28-29 / Slm 67 / Heb 12:18-19, 22-24)
Noong unang panahon, sa
napakalayo pong kaharian, may isang prinsesang ubod nang ganda. Anupa’t maging araw ay hiyang-hiya kapag
nasisilayan nito ang mukha ng prinsesa.
Ngunit ang prinsesa raw pong ito ay mapanmaliit sa kapwa.
Isang araw, nalibang daw sa
paglalaro ang prinsesa at hindi nito namalayang napadpad na pala siya sa gitna
ng malawak at madilim na gubat sa likod ng palasyo. Sa gitna raw ng gubat na yaon ay may
matandang puno ng balete. At sa tabi po
ng matandang puno ng balete ay matatagpuan ang isang balong napakalalim. Nahulog daw po ang bolang laruan ng prinsesa
sa balong ubod nang lalim. At iyak nang
iyak ang prinsesa. Narinig siya ng isang
palaka at sinabi, “Bakit ka umiiyak, mahal na prinsesa?”
“Nahulog kasi sa balong
malalim ang bola ko, At hindi ko ito
kayang kunin,” sagot ng prinsesa.
“Kukunin ko para sa iyo!”
sabi ng palaka. “Pero anong gantimpala
ko?”
Kung anu-ano raw po ang inialok ng prinsesa sa palaka para kunin nito ang kanyang bola. Pero walang nagustuhan ang palaka ni isa.
“Kung payag ka,” wika ng palaka sa prinsesa, “sisisirin ko ang balon para kunin ang bola mo at ibalik sa iyo, sa isang kondisyon: mangako ka, mahal na prinsesa, na mamahalin mo ako.”
“Palaka lang naman ito, walang halaga,” bulong ng prinsesa sa sarili, “kaya ayos lang akong mangako kahit hindi ko tutuparin. “Sige,” sabi ng prinsesa sa palaka, “kung maibabalik mo sa akin ang bola ko, mamahalin kita.”
Agad pong lumundag ang palaka, sinisid ang balong malalim, at pag-ahon ay kagat-kagat na ang laruang bola ng prinsesa. Pagkakuha ng prinsesa ng kanyang bola, kumaripas na po ito nang takbo pauwi sa palasyo, ni hindi man lamang pinasalamatan ang palaka.
Kinagabihan, habang naghahapunan ang hari, mga anak nito, at mga maharlika niya, nakarinig po sila ng basang katok sa pinto ng bulwagan. Nang buksan ng tanod ang pintuan, tumatalong lumapit sa hapag ang palakang tumulong sa prinsesa. Pagkatapos humingi ng dispensa sa hari, ikinuwento po nito ang pagtulong sa prinsesa at ang pangako ng prinsesa sa kanya.
Diring-diri po ang prinsesa sa palaka at ayaw niyang tupdin ang kanyang pangako. Kaya sinabi ng hari sa prinsesa, “Anak, hindi mo dapat minamaliit ang mga hindi mo kauri. Ang iyong pangako, dapat mong tupdin.” Nang magkagayon, inanyayahan po ng hari ang palaka sa hapag at pinaupo ito sa upuang pandangal, katabi ng prinsesa. Nawalan na po ng ganang kumain ang prinsesa.
Pagkatapos po ng piging, samantalang sila na lang dalawa sa silid, sinabi ng palaka sa prinsesa, “Tupdin mo na ang pangako mo. Mahalin mo ako. At bilang tanda na love mo ako, kiss mo nga ako sa nose.” Dahil wala na po siyang magawa, pumikit na lang ang prinsesa, inisip ang guwapong prinsipe sa kabilang kaharian, at hinagkan ang palaka.
Alam na rin po ninyo ang sumunod na nangyari, hindi ba? Ang palaka ay lumaya sa sumpa at nagbalik sa dati niyang anyo: siya pala ay isang prince charming.
“Pero, Father,” reklamo ng isang babae, “ilang palaka pa po ba ang kailangan kong halikan bago ko matagpuan ang Prince Charming ko?”
Nginitian ko po siya at sinagot, “Hindi ko alam. Minsan kasi depende rin yan sa hahalik eh. Baka naman kasi yung hahalik ang mangkukulam, hindi prinsesa.”
Pero, puwera biro, ano po kaya kung ang nangyari sa kuwento ay sa halip na yung palaka ay naging prinsipe, yung prinsesa ang naging palaka? May ganun pong animated movie, “The Princess and the Frog”? At kung kuwento po ni Jesus ang kuwentong ito, parang gayon nga ang nangyari: Si Jesus ay naging tulad natin sa lahat ng bagay maliban sa paggawa ng kasalanan. At dahil kuwento po ni Jesus, aral din naman Niya sa atin ang pagsikapang tumulad sa Kanyang mapagkumbabang pag-uugali.
Isinulat ni San Pablo Apostol sa Phil 2:5-8, “Ang ugali ninyo ay dapat na maging katulad ng kay Kristo Jesus: bagamat Siya ay Diyos, hindi Niya isinaalang-alang ang pagkapit sa Kanyang pagiging kapantay ng Diyos, bagkus, sa pagiging anyong-tao, inari Niya ang kaabahan, ang kalikasan ng isang lingkod. At sa pagiging tao, Siya ay mababa ang loob at naging masunurin magpahanggang kamatayan – maging kamatayan sa krus!”
May mga taong ang tingin nila sa kanilang sarili ay prinsesa sila, hindi po ba? Pero, sa tutoo lang, palaka rin pala. At may mga palaka rin namang nadiskubri nilang mga prinsipe pala sila dahil pinahalagahan natin sila. Nagpakumbaba tayo para maitaas sila. Minahal natin sila, pinag-aksayahan ng panahon, inunawa, pinatawad, inuna bago ang sarili natin, pinagmalasakitan, tinulungan, hinagkan.
Kaya nga po, sa halip na tingnan ang ating sarili na mas mataas kaysa sa iba, dinggin po nati’t tupdin ang pahayag sa atin ng unang pagbasa ngayon: “Anak ko, maging mapagpakumbaba ka…. Habang ika’y dumadakila, lalo ka namang magpakumbaba….” Huwag po tayong mag-unahan sa mga tanging upuan; sa halip, tulungan nating makaupo ang lahat. Unahin natin ang iba, hindi ang sarili. Iangat po natin ang dangal nang ating kapwa, huwag yurakan. Huwag po tayong magtulakan, mag-alalayan tayo. Huwag po tayong susunggab, matuto tayong tumanggap. Huwag din po tayong magmamagandang-loob kaninuman nang may makasariling pakay. Galit po tayo sa user, hindi ba? O, eh baka naman user na rin tayo. At huwag na huwag po tayong makalilimot na magpasalamat sa isa’t isa at gumanti ng kabutihang-loob sa mga tumanggap sa atin bagamat hindi tayo karapatdapat. Bagamat nabibigu-bigo tayo, huwag po sana tayong susuko sa pagsisikap nating matularan si Jesus na nagpakababa upang makibahagi sa ating pagkatao nang makabahagi tayo sa Kanyang pagka-Diyos.
Tingnan n’yo nga po ang katabi ninyo ngayon. Baka siya po ang palaka sa buhay n’yo. Ano pong tingin ninyo, kaya n’yo ba siyang mahalin? Kaya n’yo po bang magparaya sa kanya? Maaari n’yo po ba siyang iangat, sa halip na ilaglag? Puwede n’yo po ba siyang tulungang makita ang kanyang halaga? Puwede po ba kayong maging tulad ni Jesus sa buhay niya? Eh, sila pong mga wala rito ngayon? Ang mga batang-lansangan, ang mga taong-grasa, ang mga pusakal na kriminal, ang mga pulubing kakala-kalabit, ang mga busabos ng lipunan – kaya po ba natin silang mahalin? Ang mga may atraso sa atin, ang mga nang-api sa atin, ang mga nang-agrabyado sa atin, ang mga trumaydor sa atin, ang mga nanira sa atin, ang mga nagtaksil sa atin, ang mga nanakit sa atin – mahal po ba natin sila?
Hindi na po natin kailangan ng palaka para magpakababa. Pero minsan, kailangan po nating magpaka-palaka para mai-angat ang mga mabababa at mga ibinababa.

No comments:
Post a Comment