ANG APOY
Dakilang Kapistahan ng Pentekostes
Jn 20:19-23
Kamangha-manghang elemento ng kalikasan ang apoy, hindi ba? Parehas na katangian ng apoy ang sumira at lumikha, manwasak at mambuo, pumatay at bumuhay. Sa mga kamay ng mga arsonista, halimbawa, mapanganib ang apoy at maaaring mansunog hindi lamang ang mga bahay kundi pati na rin ng mga buhay. Pero sa kamay ng mga mahusay na manggagawa, ang apoy ang nagkapagpapanibagong-anyo sa mga bagay-bagay para maging semento, bakal, o kristal. Hindi makagagawa ng mamahaling alahas na ginto o kaya ay matalas na espada nang hindi nagpapanday sa apoy. Maaaring makaisip ng magagandang desenyo ang alahero o ang panday pero tanging apoy lamang ang nakapagbibigay ng aktuwal na hugis at anyo sa kanilang ideya.
Jn 20:19-23
Kamangha-manghang elemento ng kalikasan ang apoy, hindi ba? Parehas na katangian ng apoy ang sumira at lumikha, manwasak at mambuo, pumatay at bumuhay. Sa mga kamay ng mga arsonista, halimbawa, mapanganib ang apoy at maaaring mansunog hindi lamang ang mga bahay kundi pati na rin ng mga buhay. Pero sa kamay ng mga mahusay na manggagawa, ang apoy ang nagkapagpapanibagong-anyo sa mga bagay-bagay para maging semento, bakal, o kristal. Hindi makagagawa ng mamahaling alahas na ginto o kaya ay matalas na espada nang hindi nagpapanday sa apoy. Maaaring makaisip ng magagandang desenyo ang alahero o ang panday pero tanging apoy lamang ang nakapagbibigay ng aktuwal na hugis at anyo sa kanilang ideya.
Apoy din ang isa sa mga anyo ng pagpapakita ng Espiritu Santo, ang ikatlong Persona ng Santissima Trinidad. Hindi ito aksidente. Ang apoy ang kumakatawan sa kapangyarihan at mga katangian ng Espiritu Santo. Pagnilayan natin kung ano ang sinasabi ng apoy tungkol sa Espiritu Santo.
Una, sadyang mabisa ng apoy para makapagpabagong-anyo at makalikha ng mga bagong posibilidad. Ganito rin naman ang Espiritu Santo. Ang Espiritu Santo ang kapangyarihan na nakapagpapabagong-buhay sa sinumang lubusang tumatanggap nito. Gumagawa ang Espiritu Santo ng paraan kahit para sa atin ay wala nang daan. Siya ang Panginoon ng mga bagong simula at mga bagong posibilidad.
Ikalawa, mainit ang apoy. Kapag malamig, naghahanap tayo ng init. Sa mga lugar na may panahon ng taglamig, ang mga tahanan ay may tinatawag na “fireplace” kung saan sa paligid nito ay natitipon ang mag-anak para makadama ng init sa panahon ng kalamigan. Kapag nagka-camping naman, hindi nawawala ang bonfire pagsapit ng malamig na gabi. Ganito rin ang Espiritu Santo. Siya ang init ng pagmamahalan ng Diyos Ama at Diyos Anak sa isa’t isa. Sa pag-alab ng pagmamahalang ito ni Jesus at ng Ama, pati sa atin ay naipadarama ang init ng pagmamahal. At sa pag-alab din ng ating mga puso, ang Espiritu Santo rin ang dapat na maging apoy ng ating pagmamahal sa ating kapwa. Ang tunay na pag-ibig, pagmamalasakit, at pagkalinga sa ating kapwa ay paglalagablab ng Espiritu Santong nananahan sa ating mga una nang minahal ng Diyos.
Ikatlo, apoy ang nagbibigay-liwanag kung saan may kadiliman. Kung saan may apoy, ang lahat ay maliwanag. Dahil sa katangiang ito ng apoy, nakikita natin ang dapat nating makita. Ito rin ang ibinubunga sa atin ng Espiritu Santo: kaliwanagan. At sa liwanag lamang na ito, nakikita natin at nakikilala ang ating mga sarili, ang ating kapwa-tao, at ang Diyos mismo. Napagmamasdan at napahahalagahan din natin ang lahat ng sanilikha dahil ang sanilikha ay nasisilayan ng liwanag ng mapanlikhang Espiritu Santo.
Ikaapat, nakapagpapadalisay ang apoy. Apoy ang ginagamit para maging puro ang mahahalagang metal gaya ng pilak at ginto. Apoy rin, sa ibang anyo nito, ang pinanlilinis sa sugat. At ang lahat ng ginagamit sa paglilinis ng sugat ay dapat na dumaan sa apoy. “Sterilization” ang tawag dito. Ang lahat din naman ng pagkaing dumaan sa apoy ay malinis. Ganito rin ang Espiritu Santo. Siya ang tagapagpadalisay. Nililinis Niya ang ating karumihan. Nilalamon ng Kanyang paglalagablab sa atin ang anumang meron tayong sagabal sa pagiging dalisay na mga anak ng Diyos at alagad ni Kristo.
Ikalima, may mga katangian ang apoy na makalikha sa atin ng iba’t ibang mga damdamin. Pinamamangha tayo ng fireworks. Pinatitindi ng vigil lamps sa ating altar ang damdamin natin sa pananalangin. Nararamdaman natin ang pagiging kaisa sa paligid ng fireplace. At pinasasaya tayo ng mga bonfire, hindi ba? Lumilikha rin sa atin ng iba’t ibang magagandang damdamin ng pagkamangha, pananalangin, pagkakaisa, at kaligayahan ang Espiritu Santo.
Marami pa tayong maaaring sabihing mga katangian ng apoy na may sinasabi tungkol sa Espiritu Santo. Ngunit, sa pagwawakas ng ating pagninilay, isa pa ang napakahalagang makita at mabanggit natin. Ang apoy ay may kapangyarihang kumalat at lumaki. Hindi maaaring maitago ang apoy. Ito marahil ang dahilan kung bakit sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad: “Kung paanong isinugo Ako ng Ama, gayundin naman, isinusugo Ko kayo”, tapos hiningahan Niya sila at nagpatuloy sa pagsabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo.”
Kung paanong pinag-alab ng Espiritu Santo ang mga puso ng mga sinaunang alagad, gayundin naman hindi natin maitatago ang Espiritung ito na atin rin namang tinanggap sa pamamagitan ng binyag at kumpil. Isinusugo rin tayo ni Kristo. Tinanggap ang Espiritu Santong nag-aanyong apoy, tayo na ang apoy na dapat kumalat, tumupok, lumaki, at pag-alabin ang buong mundo ng presensya ni Jesus.
Maglagablab kayo at baguhin ninyo ang sandaigdigan!
3 Comments:
Kung ang apoy ay maikukumpara natin sa Espiritu Santo, ano naman po ang ibig nitong ipahiwatig kapag ito ay nangwawasak, naninira at pumapatay?
salamat po.
Salamat Fr. Bob sa reflection na ito. Ito lagi ang aking basihan kung kailan mayroon akong mga pagsubok sa buhay: na ito ay parang ginto na idinadarang sa apoy, masakit minsan maiisip ko hindi ko kakayanin. Subalit sige lang matatapos din ang paghihinang gaganda ang pagtanaw sa buhay at ang pag uugali. Tulad ng ginto kapag nahinang na at naukit na ang porma ng alahas tumitigil na ang gumagawa nito at ito ay nagagalak sa kanyang nilikha sapagkat ito ay maganda at kapaki pakinabang at kagigiliwan. Pagpalain tayo lahat ng Dyos!
minsan bahagi rin ng pagbuo ng Diyos ang pagwasak muna. kailangang wasakin ang dati para mapalitan ng bago. ang lumang bahay ang kailangang gibain kung gusto nating nang isang ganap, mas malaki, mas maganda, at mas matibay na bahay. ang lumang pagkatao ay dapat mamataya para isilang ang bagong pagkatao. ang pagwasak ay kabilang pisngi rin ng paglikha. handa ba tayong ipawasak sa Diyos ang kailangan at nais Niyang wasakin sa buhay natin para sa hinihingi nating ibayo at ganap na buhay? ano ang dapat wasakin ng Diyos sa buhay natin?
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home