Dakilang Kapistahan ng Epiphania ng
Panginoon
Mt 2:1-12 (Is 60:1-6
/ Slm 71 / Eph 3:2-3, 5-6)
Nakita n’yo po ba si Jesus? May mga naghahanap po sa Kanya kasi. Galing sila sa malayong lupain sa
Silangan. Mga pantas daw po sila. Mga mago.
At tila may kaya dahil may mga dala-dala silang mamahaling bagay – tatlong
uri po lahat: ginto, kamanyang, at mira – ireregalo daw po nila kay Jesus. Nakita n’yo po ba si Jesus?
Kung sabagay, hindi na po bago ang paghahanap. Kahit po noong unang Pasko, maraming mga paghahanap na nangyari. Una po, naghanap ang Diyos ng sinapupunang magdadalantao at magsisilang sa Kanyang bugtong Anak. Natagpuan po Niya si Maria (Lk 1:38). Ikalawa, hinanap po ni Jose kung sino ang tatay ng ipinagdadalantao ng kanyang katipang si Maria. Natagpuan po niya ang Diyos (Mt 1:20). Ikatlo, pagsapit ng takdang sandali, natatarantang naghanap si Jose ng lugar na pagsisilangan ni Jesus. Natagapuan po niya ang sabsaban (Lk 2:7). Ikaapat, matapos balitaan ng mga anghel, hinanap naman ng mga pastol si Jesus. Natagpuan po nila si Jose at Maria at ang Sanggol na nakahiga sa sabsaban (Lk 2:16). Ikalima, dumating nga po sa Jerusalem ang ilang mga pantas mula sa Silangan, hinahanap din si Jesus. Natagpuan din naman po nila Siyang kasama ang Kanyang ina (Mt 2:11).
Meron pa pong naghanap kay Jesus. Ah, mali po pala. Pinahanap po pala niya si Jesus. Ang sabi n’ya sa mga magong nagpatulong sa kanya, “Kapag natagpuan ninyo Siya, ibalita ninyo agad sa akin nang ako ma’y makaparoo’t makasamba sa Kanya.” Palihim pa nga po niyang kinausap ang mga mago eh. Bukod kay Jesus, siya lang po ang tinutukoy na hari sa kuwento. Opo, siya nga si Haring Herodes. Natagpuan po ba niya si Jesus? Hindi! ‘Yung mga mago po, natagpuan nila si Jesus. Pero si Haring Herodes, hindi niya natagpuan si Jesus. Hindi naman kasi siya mismo ang naghanap eh. Pinahanap n’ya lang Siya. Aha, may aral po agad sa atin! Hindi natin puwedeng ipasa sa iba ang napakahalagang paghahanap sa Panginoon. Dapat tayo mismo ang maghanap sa Panginoon. Hindi po natin puwedeng i-asa sa iba ang ating kaligtasan. Sa ganang ito, bagamat dapat tayong magtulungan, kanya-kanya po ang paghahanap sa Panginoon. Maling-mali po ang “Ipagdasal mo na lang ako” o “Ipagsimba mo na lang ako ha.” Huwag katamaran ang paghahanap sa Panginoon. Kung pati pakikipagtagpo sa Panginoon ay kinatatamaran, sa ano pa tayo sinisipag?
Pero, bukod sa hindi naman kasi talagang naghanap si Haring Herodes, maitim po kasi ang balak niya kay Jesus kaya hindi ito ipinakita sa kanya ng Diyos. Sabi n’ya, gusto niya ring sambahin si Jesus. Iyon pala, gusto niyang patayin! Mapanlinlang si Haring Herodes. Hindi po tapat ang kanyang puso. Meron siyang hidden agendum. Hindi niya po natagpuan si Jesus kasi hindi siya pure of heart. Ano pong sabi ni Jesus mismo? “Blessed are the pure of heart, for they shall see God” (Mt 5:8).
Tayo, pure of heart po ba tayo? Kung hindi, baka kaya po hindi natin matagpu-tagpuan si Jesus. Meron po ba tayong mga hidden agenda kaya tayo nagsisimba, nagdarasal, nagsasakripisyo, nagkakawanggawa, naglilingkod sa simbahan, o lumalapit sa pari? Sa tutoo lang po, ano ang mga hidden agenda natin? Kung meron man po, paano natin matatagpuan si Jesus?
Hindi po tayo pinagtataguan ni Jesus. Narinig po ba natin ang ikalawang pagbasa, hango sa sulat ni San Pablo Apostol sa mga taga-Epheso? Ang dati raw pong inilihim ng Diyos ay inihayag na ngayon ng Diyos. “At ito ang lihim,” wika ng Apostol, “sa pamamagitan ng Mabuting Balita, ang mga Hentil, tulad din ng mga Judyo, ay may bahagi sa mga pagpapalang mula sa Diyos; mga bahagi rin sila ng iisang katawan at kahati sa pangako ng Diyos dahil kay Kristo Jesus.” Sa madaling-sabi po, si Jesus ay para sa lahat ng tao. Si Jesus ay hindi lamang po para sa mga Judyo. Si Jesus ay para rin po sa atin. Ating-atin si Jesus. At dahil si Jesus ay para sa lahat ng tao, ang kaligtasan, ang langit, ang buhay na walang-hanggan, ay para rin sa ating lahat. Ngayon, kung inihayag na po iyan ng Diyos, hindi tayo pinagtataguan ni Jesus. Lantad na lantad po Siya sa atin. Baka nga po si Jesus pa ang naghahanap sa atin eh.
Kung si Jesus nga po ang naghahanap sa atin, sana magpatago na tayo sa kanya. Hindi naman po kasi lahat ng hindi matagpuan ay nawawala eh. Meron din pong kaya hindi matagpu-tagpuan ay sapagkat ayaw naman talagang magpatagpo. Tago sila nang tago. Takbo nang takbo. Hindi po lahat ng nawawalang tupa ay nawawala talaga. Meron din pong mga nagwawala.
Pero kung tayo po ang naghahanap kay Jesus, huwag na huwag po nating iisiping pinagtataguan Niya tayo. Baka kaya hindi natin Siya matagpuan ay sapagkat hindi nga tayo pure of heart. Baka rin po nagbubulag-bulagan tayo: gusto lang nating tingnan ang gusto nating makita. Baka rin po sa maling lugar tayo naghahanap: ayaw natin Siyang hanapin sa mabaho, marumi, at masukal. Baka rin po hindi natin Siya kilala talaga: iniiwasan natin ang mga dukha, ang mga maysakit at maykapansanan, ang mga api, ang mga tinuturing ng mundo na basura, at maging ang mga umaaway sa atin. O baka rin po titig na titig tayo sa mga mago, manghang-mangha sa kanilang pagkamaharlika, at nalimutan na nating maging sila ay naghahanap din – hindi sila ang bida, si Jesus! – kaya po hindi natin matagpuan si Jesus, at nilikha na lang natin ang tatlong hari sa katauhan ng mga magong naghahanap din sa tunay na Haring si Jesus.
Natagpuan n’yo na po ba si Jesus? Sana kung natagpuan n’yo na si Jesus, mag-iba na kayo ng daan, katulad ng mga mago. Nang sila’y pabalik na, sumunod sila sa sinabi sa kanila na Diyos na huwag na raw po silang babalik kay Herodes. Kaya nga po nang sila ay pauwi na, nag-iba raw sila ng daan.
Natagpuan n’yo na po ba si Jesus? Kung natagpuan n’yo na nga po, nag-iba na rin po ba kayo ng daan o bumalik lang din kayo sa dating daan? Ang matingkad na patunay na tutoong na natagpuan natin si Jesus at tutoong si Jesus nga ang ating natagpuan ay kapag tayo ang nagbagong-buhay dahil sa karanasang iyon. Kung dating tao pa rin po tayo, malamang hindi pa natin natagpuan si Jesus at, masahol pa, malamang pekeng Jesus ang natagpuan natin.
Nasa huling linggo na po tayo ng Kapaskuhan. Sa mga huling araw na ito ng Kapaskuhan, mabuti pong kanya-kanya rin natin pagnilayan kung anong mabuting pagbabago ang naidudulot sa atin ng taun-taon nating pagdiriwang ng Pasko. Kahit konti, kahit maliit, kahit utay-utay, sana po meron. Dahil kung wala, naku po, kay Haring Herodes lang nagtatapos ang taun-taon nating pagdiriwang ng Pasko. Sinabi na nga pong huwag bumalik kay Herodes eh, balik pa nang balik!

Thanks for sharing a great post.
ReplyDelete