Pages

25 September 2010

GUILTY OR NOT GUILTY?

Ikadalawampu’t Anim na Linggo sa Karaniwang Panahon
Luke 16: 19-31


Guilty or not guilty? Tayo po ba ay guilty o not not guilty?

Ang mayamang lalaki – na mayaman nga pero, napansin ba ninyo, kahit man lamang pangalan ay wala – siya ba ay guilty o not guilty? Anong palagay ninyo?

Hindi sinasabi ng talinhaga na masamang tao ang mayamang lalaking yaon. Tahimik ito tungkol sa kung paano siya yumaman. Malinaw rin namang inilalarawan na ang mayamang lalaking yaon ay hindi maramot kay Lazaro dahil pinapayagan pa nga niyang humandusay ito sa pintuan ng kanyang mansyon at mamulot din ng mga mumong nahuhulog mula sa kanyang hapag. Tila not guilty ang mayamang yaon. Mukhang wala naman siyang ginagawang masama kay Lazaro. Inosente siya. Subalit, ang pagka-inosente niya mismo ang nagdala sa kanya sa impiyerno. Ang ganitong uri ng pagka-inosente ay pagkawalang-pakialam.

Maliwanag ang paalaala, aral, at babala ng talinhaga: hindi porke hindi tayo guilty ay nakatitiyak tayong maliligtas. May mga pagkakataong kaya pala tayo not guilty ay dahil wala talaga tayong pakialam. Guilty pa rin tayo, pero guilty tayo hindi para sa anumang masamang ginawa natin kundi para sa anumang kabutihang hindi natin ginawa. Hinahatulan din tayo ng ating pagka-inosente.

Kapag iniisip natin ang mga kasalanan natin laban sa ating kapwa, nakatuon lang ba tayo sa kasamaang ginawa natin at binabale-wala naman natin ang kabutihang hindi natin ginawa? Kapag inuusisa natin ang ating budhi, isinasaalang-alang lang ba natin ang masamang nagawa natin sa iba at isinasaisang-tabi naman natin ang mabuting ipinakait natin sa kanila? Kapag nagsisisi tayo sa ating mga kasalanan, nagsisisi ba tayo dahil nasaktan natin ang ating kapwa ngunit hindi tayo nagsisisi sa ating kawalang-pakialam sa iba? Taus ba sa ating puso ang pagdarasal natin, “I confess to Almighty God and to you, my brothers and sisters, for I have sinned through my own fault in what I have done and IN WHAT I HAVE FAILED TO DO”?

At ano nga ba ang hindi natin nagawa at hindi ginawa?

Kailangan pa bang isugo ni Abraham si Lazaro mula sa mga patay para balaan tayo at kumbinsihin na guilting-guilty tayo kahit wala tayong masamang ginagawa? Hindi pa ba sapat ang mga paalaala sa atin ng mga buhay? At gayung hindi nga tayo nakikinig sa mga buhay, sigurado bang makikinig tayo sa mga patay? Kung meron mang bumangon mula sa mga patay, hindi kaya iyon babagon para husgahan na tayo, sa halip na balaan lamang?

Pero, teka, meron nang bumangon mula sa mga patay, hindi ba? Ang pangalan Niya ay Jesus. Pero, sineryoso na nga ba natin talaga ang babala Niya?

1 comment:

  1. Anonymous9:33 PM

    There comes a time in our lives, when we stop thinking of ourselves and start thinking of others, this is a sign of WISDOM, try to look around always, we might find ourselves with others.

    In cases of reaching out to others,whether the relationship will grow or not, is worth a try.
    In our day to day dealings with people, there is almost always someone along the path,who has the heart, willing to extend hands because he can.

    Some of them appreciates and gives back something in return.

    It is always a feeling of joy to share when at an instance is needed and a feeling of achievement in itself when the recipient is glad that you did for the reason that you can and you have the means.

    --

    Good evening Fr. Bobby. thank you very much for your Homily today.

    God bless you and family.

    -rory

    ReplyDelete